Chapter One

24 0 0
                                    

Chapter One

"Psyche anak, lumabas ka na dyan at mag-almusal."

"Opo ma, sandali lang." inaantok ko pang tugon.

Bumangon ako at kinusot ang aking mata. Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko. Halos hindi pa sumisikat ang araw. Si mama talaga ang aga lagi manggising.

"Anak, be careful huh..." bilin sa akin ni Mama. Ewan ko ba kung bakit lagi niyang sinasabi yan.

***

"Psyche Ysabelle R. Fuentes" tawag sa akin ni Ms. Caculitan. Kasalukuyan kami ngayong nagchecheck ng attendance.

"Present" sigaw ko.

"Psyche, kilala mo ba kung sino ang transferee?" bulong sa akin ni Margaux, bestfriend ko. Ako lang ang nakatagal sa ugali niya. :P

"Huh? sino? diba patapos na ang first grading bakit naman ata nahuli yon?" tanong ko sa kanya. Wala kasi akong ideya kung sino yun pero kapag kasi si Margaux nakasagap ng balita, kawawa na ang may alam dahil sa mga tanong niya.

"Nako girl, maloloka ka kapag nalaman mo kung sino siya! Si-" hindi na natapos ni Margaux ang sasabihin niya kasi biglang nagsitilian ang mga kaklase ko.

Tumingin ako sa harapan at may nakita akong dalawang lalaki. Akala ko ba isa lang?

"Ok class quiet." pagsusuway ni Ma'am sa mga nagsisitilian.

"Ma'am, I can't help it!" sigaw ni Margaux. Basta talaga gwapo. Tss.

Nagtawanan silang dalawa pwera lang don sa isang nakasimangot. Parang pamilyar siya.

"Im Edward Panganiban " pagkatapos niyang magpakilala,  iginala niya ang paningin niya sa amin, tumigil ito sa kinauupuan ko. Tinitigan niya ako ng maigi. Ganun din ako. Mukha siyang masungit pero yun ang nagpagwapo sa kanya. Pagkatapos ng mahabang minuto ng katahimikan, ay umupo na siya sa may likod ko kung saan may bakanteng upuan.

"Im James Choi" tapos ngumiti siya. Lalo lang siya nawalan nang mata sa ginawa niya pero gwapo din siya. Umupo siya one sit apart sa kanan ni Edward.

"Nasaan na yung isa?" tanong ni Ma'am dun sa dalawa. At tatlo pa pala.

"Medyo late lang po" sagot nung singkit. James ata. So magkakaibigan sila.

Tumango na lang si Ma'am at nagsimula nang magdiscuss. Nang nakakakalahati na si Ma'am sa pagdidiscuss hindi ko inaasahan ang sumunod na dumating.

"Sorry I'm late" hingi niyang paumanhin kay Ma'am.

"It's okay since it's just your first day here in our school" sabi ni ma'am sa kanya. "Please introduce yourself" dugtong ni Ma'am.

"I'm Cupid Anthony Dela Vega" Hindi na napigilan ng mga classmates ko ang tilian. Cupid!?

"So, nakumpleto na natin ang Cupid and Psyche, one of the famous couple in greek mythology." nakangiting saad ni Ma'am.

"And since friendly ka naman Psyche, sa'yo mo na patabihin si Mr. Dela Vega. Margaux dun ka na umupo sa tabi ni Mr. Choi and Mr. Panganiban." pagpapatuloy niya pa.

"Yes Ma'am!" walang tanggi-tanggi niyang pagtanggap at dali-dali pang umupo sa likod.

Nang makaupo na ng maayos si Cupid ay tiningnan niya naman ako ng maigi na parang kinikilala kung sino ako.

"Don't stare! baka matunaw ako" pagsuway ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. May kumuwit naman sa likod ko. Naiirita naman akong tumingin sa likod ko at nasa gitna pala ni James at Edward si Margaux. Binebelatan ni Margaux ang mga classmates kong babae. Inis na inis naman sila.

"Class quiet!" pagsuway sa amin ni Ma'am. Nagdidiscuss kasi siya sa English pero abala ang iba sa pagtitig at pagchichismisan tungkol kila Cupid.

Biglang nagbell. Di ko na namalayan na 2 hours nang nagdidiscuss si Ma'am. Tumayo ako at dali-daling hinigit si Margaux palabas ng room.

"Ano bang problema mo at bigla-bigla ka na lang nanghihigit?" tanong niya sa akin. Inirapan niya pa ako. Naistorbo ko ata sa pakikipagusap kay James.

"Eh kasi naiihi na ako" palusot ko sa kanya. Ang creepy kasi ni Cupid, wagas kung makatitig.

"Asus, nagpalusot pa. Alam ko naman kung bakit. Pansin na pansin ko kaya. Nasa likod niyo lang kaya ako! Hello?"  Sabay halakhak pa niya.

Pinandilatan ko siya ng mata.

Hindi namin namalayan na naabutan na pala kami nina Cupid. Sumabay pa siya sakin sa paglakad. Lumayo ako.

"Libre na kita" alok niya sa akin. Feeling close.

"No, thanks. May pera naman ako." sabay talikod ko sa kanya.

Pagkaupong-pagkaupo namin ay tinaboy niya ang mga kaibigan niya pati na rin si Margaux. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"Psyche, matagal kong pinagisipan ang sasabihin ko sayo. Alam ko naman na may naging pagkukulang ako sayo at pinagsisihan ko naman yon... Sana mapatawad mo ako... Pwede bang magsimula ulit tayo ng panibago?" Naguluhan ako sa mga sinabi niya. Bakit niya naman sasabihin ang mga ganung bagay gayong wala naman kaming pinagsamahan.

"Wait ha. Pinagtitripan mo ba ako? Kung oo, itigil mo na yan. Wala akong panahon na makipaglokohan sa'yo."

Tumayo ako at iniwan siyang nakatunganga. Sinundan naman niya ako.

"Ganun ba katindi ang mga naging kasalanan ko kaya kinalimutan mo ang pinagsamahan natin?" tanong niya pa. Honestly, wala talaga akong kaalam-alam sa mga pinagsasabi niya.

"Uhm... hindi ko talaga alam yang mga pinagsasabi mo kasi nakakahiya mang sabihin ay hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya paanong magkakaroon tayo ng past?" tanong ko sa kanya. Literal na nalaglag ang panga niya.

"Pero bakit..." biglang sumakit ang ulo niya. Agad naman siyang dinaluhan ng dalawa.

"Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Jessica. Kahit siya ay nagpapanic na.

Hindi na sila nakasagot dahil maski sila ay hindi alam kung ano ang gagawin. Pinasan nila si Cupid.

"Saan nga pala ang Clinic?" tanong ni James.

"Ituturo ko na lang kung saan." Sagot ko at nanguna sa paglalakad para sundan nila ako.

"Bakit ba kasi siya nagkaganyan?" tanong ulit ni Jessica.

"May Amnesia kasi siya. Kapag may naaalala siya ay sumasakit ang ulo niya..." sagot naman ni James.

Amnesia?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon