Chapter 1

11 0 0
                                    

Chapter 1: Roadtrip

Zariah's POV

Nagising ako sa pagkakatulog ko ng makaramdam ako ng pagkulbit sa aking braso. Si mama pala ito.

"Zariah Franchesca!" Gising na!
Bumangon ka na, magalmusal at maligo ka na. Yung kambal mo bihis na." Wika ni mama.

Ang daldal no? Mas maingaypa sa ringtone si mama. Haha. Oo nga pala, may kambal ako. Si Zayrille.

"O-opo. Babangon na." Sambit ko habang kinukusot ang mata ko.

Nang bumangon ako ay dumiretso ako sa kusina kung saan nakahain ang almusal. Namulat ako sa nadatnan kong pagkain.

"Noodles? Huh? Mama bakit noodles? Tanong ko.

"O anong problema sa noodles?" Sagot ni mama.

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mama. Alam nya naman hindi ko trip ang noodles.

"A oo nga pala ayaw mo sa noodles. O sige ipagtitimpla na lang kita ng cereal. Maligo ka na muna." Sambit nito.

Umakyat na ako upang maligo. Pagbukas ko ng shower ay nahimasmasan ako sa lamig ng tubig mula rito.

Dinalian ko ang pagligo dahil sa sobrang lamig. Nang matapos ako ay nagsuot ako ng leggings, rubber shoes, saka fit na sando na pinaibabawan ng cardigan.

Bumaba na ako at naalala ko yung cereal. Tinali ko na ang aking buhok kahit di ko ito nasusuklay. Kumain ako ng mabilis at inubos ito. Lumabas na ako at nakitang handa na ang lahat.

Sumakay na ako at naabutan ko si Zayrille na nagmumusic habang naka earphones. Hinila ko mula sa tainga nito ang isa.

"Oh nandyan ka na pala? Bakit ang tagal mo?" Tanong nito.

"Kinain ko pa almusal ko e. Teka tutulog muna ako a." Wika ko

Tango na lang ang naging tugon ni Zayrille.

*Makalipas ang apat na oras*

"Ma nasaan na tayo? Malapit na ba?" Tanong ko nang ako ay magising.

"Oo anak. Ilang minuto na lang." Nang marinig ko ang sagot na iyon ay mula akong bumalik sa pagkakatulog.

Ilang minuto lang ay napansin kong hindi na umaandar ang sasakyan.

"Anak gising na. Nandito na tayo."
Sambit ni mama.

"Ah ma, ito yung school na papasukin namin? Malaki a." Naengganyo ako lalo dahil sa ganda at lawak nito.

'Montefalco University Foundation'

Looks promising. Hmm.

"Tara na ma. Gusto ko na magparegister!" Ani Zayrille na mukhang sabik nang pumasok sa school na iyon.

__________________
A/N: Short Chapter nito no? Hahaha. Bawi na lang ako sa next chap. Thank uuu!

-shellypink_xx
01/25/17

Twin's RivalryWhere stories live. Discover now