Madi's POV
"WHAAAT??!!" Sabay-sabay nilang sigaw sakin.
"Sabayang-pagbigkas ang peg?" Pabiro kong sagot sa kanila.
"At nagawa mo pa talagang magjoke?" Balik-tugon ni Aya, ang kikay kong bestfriend. Maganda siya. Habulin ng mga lalaki. May pagkamahinhin pero kalog din naman minsan. Magaling din siya magadvise at magsalita. Feeling singer din katulad ko. At higit sa lahat prangka.
"Bakit mo ba ginawa 'yun?" may halong pag-aalalang tanong ni Dhez, ang cute na cute kong bestfriend. Siya talaga ang pinakaclose ko sa kanilang apat. Kasi, mas nauna ko siyang naging bestfriend. Siya nga lagi kong napagsasabihan ng mga madadrama kong problema minsan eh.
"Oo nga. Nahihibang ka na ba?" singhal naman ni Alden, ang bibo kong bestfriend. Certified singer yan kung hindi niyo naitatanong. Matalino at magaling mag-spokening dollars.
"Naku 'te. Pamental ka na!" medyo imbyernang sabi ni Rian, ang super ganda kong bestfriend. Isa siyang dyosa. At super kalog ng bongga. Ricardo ang tunay niyang pangalan.
Silang apat ang mga bestfriend ko. Dami noh? But wait. There's more. May isa pa akong bestfriend na lalaki. At may gusto ako sa kanya which obviously, hindi niya alam at wala akong balak ipaalam. Ayoko kasing masira yung friendship na meron kami dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Eh, masisisi niyo ba ako? Malakas yun sakin e. Alangan tanggihan ko? Ako lang nagi-isang bestfriend nun. Tapos, hindi ko pa siya tutulungan?" pagpapaliwanag ko habang may pagalaw-galaw pa ako ng mga kamay na akala mo, nagde-declaim ako.
"Paki-kwento nga kung ano ba talaga buong nangyari at hihimatayin na ako dito," pabirong tanong ni Rian, na humawak pa sa kanyang ulo sa sobrang sakit sa bangs ng ginawa ko.
"Ganito kase yun, mga besh," pagsisimula ko ng kwento.
*FLASHBACK*
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang cafeteria nang may bigla akong narinig na boses mula sa likuran ko at hindi 'yun multo dahil hindi 'to horror.
"Madi!" sigaw nito. Nilingon ko agad ito dahil kilala ko kung sino ang may-ari ng boses na 'yun. Boses lang naman kasi 'yun ng bestfriend kong si Sef. Kasabay ng pagharap ko sa gawi niya ang pagngiti ko.
"Oh! Bakit Sef?" nagtataka kong tanong sa kanya at kailangan pa talagang ipagsigawan ang pangalan ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?" agad naman nitong tanong nang makalapit na siya sa kinatatayuan ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa natin? Kumakanta? Duet, ganon?" pabiro ko namang tanong at wala kasi akong kwentang kausap.
"Patawa ka talaga! I mean, yung tayong dalawa lang." tanong nitong muli na para bang nakakainsulto na.
"Bakit? Anong tingin mo sakin? Dalawang tao? Nakakainsulto ka pre ah?" singhal ko.
"Isa pang pangbabara," pagbabanta nito at mukhang seryoso siya sa kung anuman ang gusto niyang sabihin sakin.
"Pikon!" pang-aasar kong sagot sabay tawa.
"Tara sa rooftop," pag-aya nito at binalewala lang ang pang-aasar ko.
"Walanghiya ka! Papagurin mo pa ako. Nasa first floor kaya tayo!" inis kong sagot dahil nakakatamad talagang pagurin 'yung sarili mo sa 6th floor para sa rooftop dahil wala naman kaming elevator. Jusko, gabayan nawa ang aking mga paa.
BINABASA MO ANG
With Him, By My Side
Teen FictionHello there! I've been reading stories here in wattpad for almost two years, I suppose. And this is the first time I have ever posted a story here. This story is made a year ago. Definitely, it took me roughly a year before having all the guts I hav...