Chapter 4 The New Guy

44 1 0
                                    

Sef's POV

[School]

Sobrang saya ko simula nung araw na sagutin ako ni Ella. Siya unang mamahalin ko ng seryoso. Natamaan ako ng sobra sa kanya. Grabe!

Hinatid ko siya papunta sa room niya. 

"Babe, sunduin kita mamaya ha? Wait mo lang ako sa labas netong room mo." sabi ko kay Ella habang nilalapag yung bag niya sa table niya.

"Okay. Bye babe." sabi naman ni Ella.

Hinalikan ko na siya sa noo. Paalis na ako nang bigla kong naalala si Madi. Lumingon ulit ako sa likod para hanapin siya.

Nakatingin din siya sakin. Pero, wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya.

Bakit parang nagiba na pakikitungo niya sakin? Dati-rati, pag binibisita ko siya sa room niya, sabik na sabik siya. Sobrang lapad pa nga ng ngiti niya pag ganun e.

Bakit ngayon parang hindi na siya yung Madi na bestfriend ko? Simula ng naging kami ni Ella, lumamig na pakikitungo niya sakin. Minsan nga, napapansin kong iniiwasan niya pa ako.

Dahil ba kay Ella? O, dahil may nagawa akong mali.

Nilapitan ko siya. Nakita niyang papalapit ako pero nagulat ako nang bigla siyang nagiba ng tingin.

"Madi." sabi ko.

"O?" malamig na sabi niya at hindi ako nililingon.

"Madi, what's the problem?"tanong ko.

"You." narinig kong sagot ni Aya.

Nakita ko namang tiningnan ni Madi si Aya ng masama.

"A-ahm. You. Y-you get out na. Maguumpisa na klase namin." sabi ni Aya.

Gusto ko pa sanang kausapin si Madi, pero kita ko sa kinikilos niya na ayaw niya. Kaya, umalis nalang ako.

Madi's POV

Pagkaupo ko palang, nakita ko na agad si Sef na hinatid dito sa loob si Ella. Tinitingnan ko lang sila. Di ko kase mapigilan. 

Hindi ko alam kung seryoso din ba si Ella sa kanya o pinaglalaruan niya lang din si Sef?

Maya-maya pa, nakita kong paalis na si Sef. Pero, bigla siyang tumingin sa direksiyon ko. Tapos, bigla siyang lumalapit sakin----SAKIN? 

O__O

OH EM! What to do? What to do?

<__<

Iniwas ko nalang yung pagkakatingin ko sa kanya. 

Tapos, bigla nalang siyang nagsalita.

"Madi." sabi niya.

Anong sasabihin ko? Magpapanggap ba ako na masaya ako para sa kanya? Kelan pa ako naging plastik sa sarili ko? E, ano? Iyakan ko siya sa harap niya? Crying lady? 

"O?" yan nalang nasagot ko nang hindi siya nililingon. Para mawalan siya ng ganang kausapin ako at ng makalayas na siya dito.

"Madi, what's the problem?" tanong niya.

Oo nga naman. Ano bang problema ko sa kanya? Kasalanan niya pa ba na magustuhan ko siya? Na mahalin ko siya? Ni hindi niya nga alam na may gusto ako sa kanya. 

Sasagutin ko na sana siya, nang may bigla akong narinig na boses.

"You." sabi niya.

Tiningnan ko agad yung kaliwa ko. Alam ko na kase kung kaninong boses yun. Kay aya. Tiningnan ko siya with -Sinabi-ko-bang-sabihin-mo-yun-look. Nagets naman niya. 

"A-ahm. You. Y-you get out na. Maguumpisa na klase namin." pagpapalusot niya.

Tapos, umalis na siya. Buti naman at lumayas na siya. Di ko pa kayang makipag-usap sa kanya. Gaya ng dati. Di pa ako ready. Masyado pang fresh sa memory at sa heart ko.

Maya-maya pa, pumasok na teacher namin. 

"Okay class. May bago kayong classmate. " sabi ng teacher ko. Huwag na kayong magtaka. Direct to the point yan magsalita.

Naexcite naman yung mga classmates namin.

"Iho, pasok ka na. Introduce yourself to the class." utos ng teacher ko na nakatingin sa pinto.

Pumasok yung new classmate namin. 

O__O

Tell me Im dreaming! Tell me please! 

Kinusot ko mata ko.

>__<

Dumilat ulit.

O__O

Seriously?

"Hi. Im Evo Jackson. 16 years old. Nice to meet you guys." pagpapakilala niya.

Ano raw? Ibon? Yuck! Anong klaseng name yun?

Tilian naman yung mahaharot kong kaklaseng babae dahil ang cool niyang magsalita. Gwapo, matangkad, sakto lang ang katawan, I mean sakto sa muscles, maayos ang tindig, matangos ang ilong, medyo red lips, at cute ang eyes. 

Siya na hearthrob. Who cares? E, panget naman ng ugali niya. Oo, tama kayo. Siya nga yung nakabunggo sakin na hindi man lang nagsorry. Yung saksakan ng kayabangan! Tss.

"Evo, you may take your seat. At the back." utos naman ni Sir Jun. Sorry, nakalimutan kong ipakilala yung teacher namin kanina.

Buti naman at nakaramdam si Sir Jun at naisipan niyang paupuin na yung ibon dahil nagmistula ng zoo yung classroom namin dahil parang mga nakawalang hayop yung mga babaeng wagas kung lumandi. Hindi ko na nga malaman kung saan ba sila dapat dalhin. Sa zoo ba o sa mental?

Sumunod naman siya. Buti nalang, okupado ng mga kaibigan ko yung kanan, kaliwa, harap at likod na side ko. Kaya, hinding hindi ko siya makakatabi. 

Bwaaaaahhahahahah---

Natigil yung pagtawa ko sa isip ng bigla siyang magsalita.

Nilingon ko siya.

"Sir, excuse me. Ayoko dito." reklamo niya.

Aba! Ayos a! Sino ka para magreklamo? Kabago-bago mo dito ganyan ka na kung umasta? >__<

"Okay. Saang seat mo ba gusto?" tanong naman ni Sir Jun.

Really? Ganun kabait ang teacher namin sa mokong na 'to? Nababakla ba si Sir dito?

O___O

Wait.

Bakit siya nakatingin dito?

Bakit siya nakatingin--

SAKIN?

Dont tell me?

OH NO!!!!

THIS CAN"T BE HAPPENING!!!!!!

With Him, By My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon