Chapter 3 Truth Hurts

65 1 0
                                    

Madi's POV

Ako na bangag ngayon! Samahan mo pa ng namamagang mata. Mukha na nga akong zombie'ng naglalakad ng dire-diretso papasok sa room ko,e. Kulang nalang sabihin ko, 

BRAAAAIINNS! 

Pagpasok ko ng room, umupo agad ako. 

Lutang ako dre. Tulala.

"Shabu pa Bes!" asar sakin ni Rian. Katabi ko kase siya. Sa kanan.  

"Bes, anyare?" usisa ni Aya na katabi ko naman sa kaliwa. 

"Kaya nga Bes. Ilang kilo sininghot mong katol?" biro naman ni Alden na nasa likod ko. 

"Bes? Bakit? Bigla ka nalang nawala kagabi ah?" alalang tanong ni Dhez na nasa harap ko. Buti pa to. Matinong kausap. Yung 3, laitin pa itsura ko? 

"Wala. Hindi pa ako handang magkwento." sabi ko. 

Tumahimik nalang sila. Kilala naman na nila ako. Pag ayaw ko talagang magsalita, hindi talaga ako magsasalita. Kaya, hinahayaan muna nila ako. May mood swing kase ako. Alam na nila yun. Maya-maya, magiging okay din ako. 

Buong maghapon, seryoso, wala akong naintindihan sa nilecture. Nakatulala lang kase ako e. Hindi ko kase kaya. Sa mismong bestfriend ko pa nanggaling.

[After Class]

"Bes, gusto mo sa rooftop muna tayo?" aya ni Aya. Nag-aalala na kase sila. 

"Oo nga bes." sang-ayon naman ni Alden. 

"Bes, you can count on us." seryosong sabi ni Dhez. 

"Bes, nagwoworry na kami sayo." sabi naman ni Rian. 

Buti nalang talaga, may mga kaibigan akong tulad nila. Kahit kalog ang mga to at hindi matitinong kausap, maaasahan naman to sa mga seryosong usapan. 

"Sige." sabi ko nalang.

Umakyat na kami sa rooftop.  

Pagbukas namin ng pinto. 

O__O

"Guys, sa iba nalang." sabi ko. Paalis na ako nung may biglang tumawag ng pangalan ko. 

"Madi!" tawag niya at papalapit pa sakin. 

"Guys, tara na?" aya ko. Ayaw ko muna siyang makausap sa ngayon. Hindi pa ako handang harapin siya. 

Tinitingnan lang nila ako. Naguguluhan kase sila sa mga kinikilos ko. 

Pero, bago pa man ako makaalis, may bigla na lang humawak ng braso ko. 

Hindi ako kinilig.  

Nasaktan ako. TT__TT

"Madi, galit ka ba sakin?" nagaalalang tanong sakin ni Sef. 

Hindi. Hindi ako galit. Wala naman akong karapatang magalit. Dahil unang una, kaibigan mo lang naman ako. Gusto ko sanang idrama sa kanya yan. Kaya lang, may tamang panahon. 

Hinarap ko siya at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. 

"H-ha? Bakit naman ako magagalit sayo?" kalmado kong sagot at hindi ko pinapahalata na nasasaktan ako.  

"E, bakit parang iniiwasan mo ko?"-Sef 

"Feeling mo lang yun!" Pagkatapos ng narinig ko kagabi, sa tingin mo hindi ako iiwas sayo? 

With Him, By My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon