Chapter 8 False Alarm

61 2 0
                                    

"BULAGA!" panggulat na bati nila sa akin nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto.

"Ay! Anak ng tinapa! Walanjo naman!" napabalikwas ako dahil nagulat nga ako sa pagmumukha nila.

Tawanan sila dahil nagtagumpay ang plano nilang gulatin ako. 

Oo, sila. Yung mga puro kalokohan kong mga kaibigan.

"Goodmorning besh!" sabay-sabay naman nilang bati sa akin.

Hindi ko sila pinansin. Bumaba nalang ako papunta ng sala. Medyo, kagigising ko lang kase.  

Sumunod naman sila sa akin.

"Ano namang ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila habang binubuksan ang tv.

"Nakaupo!" pamimilosopo ni Alden.

"So, pumunta lang kayo dito para umupo sa sofa namin? Wala ba kayong sofa?" mataray kong sagot.

"Bakit, masama na bang dumalaw sa bahay niyo?" sagot naman ni Aya.

"Bakit? May sakit ba ako para dalawin niyo?" pamimilosopo ko.

"May sakit lang ba ang dinadalaw? Pwede rin naman ang nakakulong a? Pwede rin namang patay." pambabara ni Dhez.

"O! So, anong ibig mong sabihin? Kaluluwang hindi matahimik na lang yung kinakausap niyo ngayon dahil patay na ako kaya dinadalaw niyo ko?" pamimilosopo ko.

"E, bakit ba ang sungit mo girl?" tanong naman ni Rian.

Tumahimik na lang ako.

"Actually, we're here to celebrate." sabi ni Aya.

"For what?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil sa ginawa mo kahapon. Kailangan natin ipagdiwang 'yun." tuwang-tuwang sabi ni Dhez.

"So, icecelebrate natin ngayon yung KAHIHIYAN ko? Nakashabu ba kayo?" mataray kong tanong.

"Nope. We're here to celebrate. Because finally, you were able to confess your true feelings with Sef. We know namang hindi madali yung pag-amin na ginawa mo kahapon. But still, you have guts to say it to the whole world. Alam naming masakit pa rin yun kaya nga we're here para pasayahin ka." paliwanag ni Rian.

"Wala ako sa mood ngayon. Kaya, magsilayas na kayo." mataray kong sabi habang tutok ang mga mata ko sa pinapanood kong palabas.

Maya'maya pa, biglang dumating yung maid namin.

"Ma'am Madi, may naghahanap po sa inyo. Papasukin ko po ba? Kaibigan niyo raw po." paalam sakin ni Manang Delia.

"Sige po." walang gana kong sagot.

Maya'maya pa, narinig ko nalang yung mga kaibigan kong pinaparinggan ako.

"Kaya naman pala ayaw magcelebrate ngayon. Kase, may date pala." narinig kong sabi ni Dhez.

"Oo nga. Kaya pala mainit ang ulo, kase ang tagal dumating nung date." sabi pa ni Alden.

"At, kaya pinapalayas na tayo, ay para masolo niya yung date niya at hindi natin malaman." sabi ni Rian.

"Naku! May nammumuo na pala, hindi pa natin alam." sabi pa ni Aya.

"Hoy! Ano na naman yang mga pinagsasasabi niyo?" nagtataka kong tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

With Him, By My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon