Chapter 7 The Confession

49 1 0
                                    

Sef's POV

Sobra akong nasaktan sa kinilos ni Ella nung Sabado. Hindi naman ako bulag para hindi makita ang pagkakagusto niya sa lalaking kadate ni Madi. 

Simula noong araw na 'yun, wala na siyang ibang bukambibig kundi yung pangalan nung lalaking yun. Syempre, tagos na tagos sa puso ko yun. 

Pag sinasabe kong nasasaktan ako at inuutos sa kanya na tigilan niya na yung lalaking yun, nagagalit siya. At nauuwi lang sa pag-aaway. 

Kaya, sinantabi ko muna yung nararamdaman ko at iniintindi siya. Crush lang naman yun e. Alam kong hindi niya ako ipagpapalit. 

Pero, bago pa man maging huli ang lahat, kailangan kong kumilos. 

Magpapatulong ako sa bestfriend ko. Alam kong matutulungan niya ako. 

Ayokong mawala sakin si Ella. Seryosong seryoso na talaga ako sa kanya. 

Hinanap ko agad si Madi ngayon after ng klase ko. 

At tama ako ng hinala, nasa cafeteria lang siya.

"Madi?" tawag ko sa kanya habang papalapit sa table nila. Kasama niya mga bestfriends niya. 

"O? Bakit?" ramdam ko ang lamig sa boses niya. 

"Pwede ba tayong magusap?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako kase baka tanggihan niya lang ako. 

"Tungkol saan?" sagot niya pero hindi niya ako nililingon. 

"Can I talk to you alone?" tanong ko ulit. Please Madi. Pumayag ka na! 

"Okay!" matipid niyang sagot at saka tumayo na siya.

[Garden]

"Anong kailangan mo?" tanong niya agad pagkaupo palang namin sa bench. 

"Madi.." Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ibang-iba na kase pakikitungo niya sakin e. May nagbago. Sobrang lamig niya na sakin. 

Hindi siya umiimik at hinihintay niya lamang akong magsalita. 

"Madi, you know. I really need your help." Hindi ko rin alam kung matutulungan niya ba talaga ako lalo pa ngayon na iba na pakikitungo niya sakin. Ramdam ko ngang iniiwasan na niya ako e. Pero, I have to atleast even try. 

"Ano na namang tulong?" malamig niyang sagot na hindi ako nililingon. 

Bumuntong-hininga ako. 

"Madi, remember nung Saturday? About your date? Ella keeps on talking about him all the time. I think she likes that guy. Nababalewala na nga ako e. Parang hindi na ako nageexist sa buhay ni Ella." litanya ko. 

"Wala ka naman talagang halaga sa kanya. Nagtaka ka pa." prangkang sagot sakin ni Madi pero hindi pa rin ako nililingon. Diretso lang ang tingin niya.

O__O

Nagulat ako sa sinabe niya. 

How could she say that? 

"Madi, you're joking right? I know Ella loves me. I know she really do." pagtatanggol ko. 

"Sabi mo e." 

"Madi, please. Can you help me?" pagmamakaawa ko. 

"I have to go." Bigla na siyang tumayo at iniwan akong nagiisa sa bench.

With Him, By My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon