Prologue

1.5K 47 15
                                    

~Prologue~


Bonnie:

Mabilis talaga siyang tumakbo pero hindi ko siya hahayaan makatakas. He killed two of our agents kaya pagbabayaran niya ang ginawa niyang iyon.

Habang tumatakbo ay binabaril ko siya ng makailang beses pero hindi pa rin siya tumitigil. At nakuha pa niyang gumanti ng putok. Nakaakyat na siya sa rooftop ng building at alam kung wala na siyang kawala kung makarating siya sa totok.

He stole an important document of the NBI which contains information from the investigation of the Mexican Drug Cartel. He's one of the assassins that is sent to kill their own members here in the bureau. One of them was killed but two of our agents have sacrificed their lives.

"You got nowhere to go!"

Binaril ko ang kanyang mga paa habang sinusubukan niyang tumalon mula sa building namin papunta sa kabilang building. He could have escaped pero natamaan ko siya kaya napahiga siya sa sahig.

But a chopper just came out of nowhere with a machinegun pointed on that person. Gabi na at medyo nag-uumpisa nang umulan pero nagliliwanag ang paligid dahil sa ilaw na nagmula sa chopper. Sinundan nito ang kinaroroonan ng assassin.

"No!" napasigaw siya. Nagliparan na ang mga files na ninakaw niya at nagkapunit-punit.

That chopper was sent to kill him and then it came towards us kaya napilitan kaming magtago. Pina-ulanan rin kami ng bala pero pinilit ko pa ring gumanti ng putok. At mabilis ring umalis ang chopper nang masiguradong patay na ang pakay nila.

"Ayos ka lang ba?" tinawag ako ng kasama ko.

"Yeah," pero alam kong nadaplisan ako ng bala sa kaliwang balikat ko.

"Naku si Cindy!"

At tumakbo sila sa may likuran ko kung saan nakita ko ang kasamahan namin na nakahandusay na sa sahig. Lumakas pa ang ulan at naghalo ang dugo at tubig sa sahig. Biglang tumulo ang mga luha ko dahil sa kirot na naramdaman ko at galit sa mga taong iyon. Ikakasal na si Cindy sa susunod na araw pero bakit pa nangyari pa ito?

"No! Cindy No!"

Nakita ko ang bestfriend ko na duguan at wala nang buhay kaya tumakbo agad ako sa kinaroroonan niya. Inalog-alog ko pa siya dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nangyaring iyon. Umiiyak na naman ako dahil sa mga pangyayari... Hindi ko lubos maisip na pwedeng mangyari ang ganito sa anumang araw. Hindi ko na talaga kakayanin ang ganitong trabaho. Hindi ko alam kung kelan mangyayari ito sa akin... o di kaya ay sa pamilya ko.

Ako, HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon