Chapter 2 - Deal

523 28 1
                                    

Steph:

Hindi ko alam kung pwede na ang ginawa ko pero this is the worst thing that has ever happened to me. Kung bakit ba kasi nainis ako ng ganun.

“So you’re done now?” tanong ni Gurang.

“Okay,” sabi ko at pumunta na sa gitna. “I’ve added some modifications sa biometrics na ginawa ng presentor natin.”

“Impress me,” ito ang bulong ni Gurang nang napatingin ako sa kanya.

“I’ve tweaked some features of the biometrics that would tell me who are the people trying to hack my system,” at pinakita ko ang phone ko and accessed the biometrics. Pagkatapos ay lumabas sa monitor ang program at nandoon rin ang details kung kelan, saan at kung sino ang taong nagtangkang i-hack ang system.

“Impressive!” sabi ni Gurang. Tahimik lang pala ang buong AV room at interesado ang lahat na makinig sa pinagsasabi ko. I tried to stay calm and confident para hindi halata na nanginginig ang tuhod ko. “So I’ll just end this presentation for the moment kasi may mahalaga pa akong meeting,” at tumayo na rin siya. Sa totoo lang takot talaga lahat ng mga estudyante sa kanya. Bumalik na rin ako sa aking upuan para makinig.

"That's it?" bulong ko. Of course gusto kong matapos na pero bigla niyang pinutol ang presentation ko after my hardwork. Papakita ko pa sana ang hackback feature ng program ko. Hehe... Kaya pinatay ko na ang monitor at akmang aalis na rin.

“Wait!” sabi niya. “What is your name again?”

“Maam?”

Nakatitig lang siya pero bigla akong kinabahan. Hindi naman nanlilisik ang kanyang mga mata tulad ng mga sinabi sa akin. Papatayain kaya niya ako? Siya siguro ang tipo ng tao na hindi na uulitin ang kanyang nasabi na.

“I’m Steph po,” sagot ko naman.

“Come with me!”

Gurang’s POV

I’ve never seen a girl with such an exceptional talent. Tama nga ang hinala ko na hindi ordinaryo ang pamilyang Mendoza.

flashback

“What the heck are you doing in my office,” sabi ko sa isang babae sa office. She is sitting just in front of my desk.

“I heard that there is a vacant position in this school and I’m applying,” sabi niya.

“What?”

There is no such thing as a vacant position. Pero binigay niya ang isang liham ng isa kong teacher dito. The letter says that he’s going for a vacation and he sent this girl as a replacement.

“What makes you think that I’ll accept you here in Jacksonville?” sabi ko sa kanya. Bilib din naman ako sa kanya dahil ngumiti lang siya. Lahat ng teacher dito sa school ay takot kahit pa ang nag-aapply pa lamang.

“Because I’ll kill you if you won’t!”

“What did you just say?”

“I don’t repeat my words,” sabi niya nang nakangiti pa sa akin. “Alam ko ang lahat ng sekreto mo. You see I’m a good person... In fact I’m a good friend... but... you know what enemy I am right?”

“Pinagbabantaan mo ba ako? At sino ka nga ba?”

“I’m Louise Mendoza,” sabi niya at umalis na leaving three bullets on my table.

End of flashback

Sa tuwing pinagmamasdan ko itong si Steph ay naiisip ko ang babaeng iyon kaya pinatignan ko agad ang profile niya. And my agents confirmed that Steph is her younger daugther.

“Ikaw pala ang anak ni Louise,” sabi ko sa kanya.

Nabigla siya sa sinabi ko. “Ha? Kilala nyo po si Mommy?”

“Yup, she’s actually working here,” sabi ko sa kanya at mas lalo pa siyang nagulat sa kanyang nariniig.

“What?!!!”

“Ah kanina nga lang pala siya nag-umpisa. Hindi mo alam?” I think hindi rin alam ni Steph ang pag-aaply ng mommy niya. I have a strong feeling that something is going on in this university. I’m pretty sure thta something is going to happen dahil kinakabahan na ako ngayon pa lang.

“Hindi po,” sabi niya.

“Pwes, never mind that. We didn’t come here for that,” sabi ko. “We came here because of what you did.”

“Maam sorry na po! Hindi ko naman ginustong mangyari iyon."

Third Person POV

Gurang’s Office

Matapos ang mahabang lakaran ay narating na rin ni Gurang at Steph ang office. Pinaniniwalaang dito raw tinototure ni Gurang ang mga pasaway na estudyante kaya marami ang takot. Ang Jacksonville University nga pala ay kilala dahil dito nag-aaral ang mga anak ng mga mayayaman. Maganda ang security dito at lahat ng mga mag-aaral ay disiplinado.

Marami rin sa mga estudyante rito ay binibigyan ng pagkakataon na sanayin sa mga kakaibang talento na meron sila. Nakita ni gurang ang talento kay Steph na maging isang magaling na hacker. Wala pang nakikita si Gurang na isang tao na kayang gawin ang nagawa ni Steph sa loob ng ilang minuto lang.

“Maam bakit po tayo nandito?” takot na tanong ni Steph. Nakakatakot naman talaga ang office ni Gurang dahil  madilim at marami rin siyang painting na tungkol sa kamatayan.

“You already know the answer to your question. I’ll make an excemption for you this time but only on one condition,” ito naman ang sagot ni Gurang.

“Maam?” tanong ni Steph.

Lingid sa kaalaman ng marami si Mrs. Angela Vasquez Molina a.k.a Gurang is not just an ordianry owner of a university. She is Zeus in the gangster world and also an agent of the FBI known to be the Spotter. Marami na siyang nadiskubreng mga kabataan na tinutulungan niyang makapag-aral para maging tagapagtanggol ng bansa. Isa na nga si Steph sa kanyang nakita na magiging kapakipakinabang sa FBI.

“I don’t repeat my words... narinig mo naman ako diba? or else I’ll just give you the punishment right now and that is to be expelled in the university. Your mom will be very upset kung nalaman niyang na-expell ka diba?”

Natulala si Steph at napaisip habang nakangiti si Gurang.

“Ano po ba ang kondisyon?”

“Wala nang bawian ‘to!” sabi ni Gurang na may kasama pang panlilisik ng mga mata.

Ako, HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon