Chapter 4 - Black Site

465 30 0
                                    

Steph:

 Matapos ang klase ko ay pumunta muna ako sa mall para magpalipas oras. Isang oras pa naman ang dapat kong hintayin para sa kakaiba kong klase sa library. Sabi ni Gurang iyong lugar na iyon raw ay black site and I have to protect the secrecy of that place. Meron pa silang nalalamang black site... pero tama ang hinala ko na si Gurang ay connected sa isang ahensya ng gobyerno natin.

Nakita ko ang isa kong kaklase sa library... hindi ko nga sila kilala dahil wala namang nagsasalita sa lugar na iyon. Tahimik lang siya habang kumakain sa foodcourt kaya minabuti kong lumapit sa kanya.

“Hi,” bati ko. “Ako nga pala si Steph,” sabay abot ko ng kamay sa kanya. Nakikipagkilala lang naman ako dahil nga magkaklase kami sa kalokohan ni Gurang. Pero hindi man lang niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa pagkain ng kanyang burger. Siya lang ang hindi nerd sa klase namin. Kalbo, malaki ang katawan at halatang isa siyang Russian dahil sa kanyang English.

“You have to quit before it’s too late,” sabi niya.

“What?”

Pero umalis na siya kahit hindi pa niya nauubos ang kanyang kinakain. Ako? Aalis? Baliw ba ang taong iyon. I am not a quitter at sino naman siya para sabihan akong tumigil na eh hindi ko na nga mababawi ang napag-usapan namin ni Gurang eh. It’s either I go to this night class or I’ll be expelled in the campus.

“Hi!” bati sa akin ng isang lalaki at agad ko siyang namukhaan.

“My name is Denver,” sabi niya sabay abot ng kamay.

“I’m Steph.”

“Yup, I know you’re Stepheniele Mendoza... at ikaw lang naman ang isa sa mga taong naka-crack ng password sa school.”

Isa siya sa mga kaklase ko. Unlike that other guy kanina na pinatitigil ako sa trabaho ko. I’m really curious about what these other guys can do and also learn from them.

“Ikaw ano naman ang kaso mo?” tanong ko sa kanya.

“Ha?” nalilito siya sa tanong ko.

“I mean anong ginawa mo para makapasok sa night school ni Gurang?”

“Gurang? You mean si Mrs. Molina? I’ve hacked some of the government websites kaya nahuli ako.”

“Wow galing naman... paano ka naman nila natunton?”

“Ah, ano kasi... sinadya ko talagang magpahuli para malaman nila na mahina ang kanilang system at kailangan nila itong ayusin. Trabaho na rin kasi iyon dahil ngayon ako ang nangangalaga sa ibang mga website ng gobyerno natin against outside hackers.”

“Wow, kaya pala ang bilis ng discussions kagabi at hindi ako makasabay sa iba nating mga kaklase. Sino ba iyong lalaki na iyon?”

“Ah ‘yong kausap mo kanina? Si Yuri ‘yon... isa rin siyang hacker kaya lang wala talagang nakakaalam kung bakit siya nandoon,” sabi ni Denver na parang tinatakot pa ako. “I think he is a Russian spy and I really don’t know bakit pinapayagan siya sa klase natin.”

“Talaga?”

“Yup, and mag-ingat ka nalang sa kanya dahil baka saksakin ka niyang bigla,” sabi niya na nakatawa pa. “Sige alis na ako dahil malapit ko nang matapos ang project ko.”

“Teka lang!”

Pero tuluyan na rin siyang umalis. Wow I came to realize na mga tao rin pala ang mga kaklase ko sa night class namin. I mean ang isa lang pala dahil ‘yong isa ay parang zombie... Hmmm... Yuri... A Russian Spy? Haha nakakatuwa naman... Meron ba talagang mga spy?

Nang lumingon ako ay nakita ko si kuya at ang kanyang girlfriend na si Nica kaya nagtago ako. Ano kayang ginagawa nila? Parang meron na naman silang kalokohang ginagawa ah. Lumapit sila sa trashcan at pasimpleng pinulot ang isang papel.

Weird lang talaga ang peg nilang dalawa. Si Nica naman ay bahagyang tinakpan si kuya habang binabasa nito ang nakasulat sa papel. Naglaon ay merong lumapit sa kanila... agad ko itong namukhaan.

Yuri? Magkakilala pala sila ni kuya ng lalaking iyon? Merong sinabi si Yuri at ilang segundo lang ay nawala sina kuya at Nica kasama si Yuri. Parang namamalik mata lang ako dahil sa bilis ng pagkawala nila... ni hindi ko naman inalis ang tingin ko sa direksyon nila. Meron lang dumaan na mga tao at bigla nalang silang nawala sa kinatatayuan nila.

Hinanap ko sila kaya pero hindi ko talaga sila makita kaya pumunta nalang ako sa klase ko.

Third Person:

Nakita ni Yuri si Steph na nakatingin sa direksyon ng kanyang mga kasama sa NICA. Ang NICA ay ang intelligence agency ng Pilipinas at mga agents sina Jasper (kuya ni Steph), Nica, at Yuri. Sa pagkakataong ito si Yuri ang naatasang look-out sa isang ‘dead drop’ o ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon ng mga agents.

Si Steph ay nagtatago sa isang tabi habang nakatingin sa direksyon nina Jasper at Nica. Agad namang pinuntahan ni Yuri ang kinaroroonan nina Jasper at sinabihan sila na umalis sa lugar. Nag-aalala rin si Yuri na masangkot si Steph sa mga kaguluhan na nangyayari sa kanila. Madalas ay nasa panganib ang buhay ng mga agents at hindi niya gugustohing mangyari rin ito sa kanyang nakakabatang kapatid. Lingid sa kaalaman ni Steph si Yuri ay ang kanyang nakakatandang kapatid sa ina. Kaya naman hindi gusto ni Yuri na sumali si Steph sa kakaibang klase na nagaganap sa library.

“Are you sure that telling her the truth is just fine?” tanong ni Yuri kay Jasper nang marating na nila ang lugar na sinabi sa papel. Isa itong bar na wala namang mga tao.

“Kilala ko si Steph, hindi siya titigil hanggang hindi niya nalalaman ang lahat. At least we have to tell her na magkapatid kayo just to give her something.”

“I don’t  think that’s a good idea,” sabi naman ni Nica habang hawak-hawak pa niya ang kanyang kutsilyo. Inilapag rin niya ang kanyang baril sa mesa para siguruhing loaded ito.

“Well, tanong kaya natin kay mama,” pagpapatuloy ni Jasper nang makita si Louise na papalapit sa kanila. Dala nito ang lunch box na bigay ng papa ni Jasper. Hindi naman talaga lunch ang nasa loob nito.

“What is this for?” tanong naman ni Yuri.

“Oh this? This is for blowing up things,” sabi ni Louise. At tumawa nalang sila sa sarkastikong pahayag ni Louise na biglang nanlisik ang mga mata.

“Mom, merong gustong itanong is Yuri...” sabi ni Jasper.

“And what do you want to ask?”

“I think Steph is in trouble,” ito ang naging pahayag ni Yuri. “She made a deal with Mrs. Molina and I think something is about to happen.”

“Oh I see,” sabi ni Louise. “Alam ko naman ang nangyayari kay Steph. It’s about time na rin siguro para kumilos tayo para protektahan si Steph. Nag-usap na kami ni Ben kung dapat ba natin siyang isali sa napakasalimuot nating buhay and we’ve agreed that inorder to protect her we must tell her the truth.”

“But first we must focus on our mission,” sabi naman ni Nica na pinagmamasdan ang bakery na nasa tapat lang ng kanilang kina-uupuan.

“I have to go, meron pa kasi akong klase,” sabi ni Yuri na sinusubukang managalog. Tumuloy na rin si Yuri sa black site ng school nila. Ito ay ang library kung saan maraming mga kahinahinalang mga pangyayari ang nagaganap sa lugar na iyon.

Ang Jacksonville University ay hindi lang ordinaryong unibersidad... dito kasi nag-aaral ang mga special division ng NBI, SWAT at PNP. Nagsasagawa  ng lihim na pagsasanay at recruitment kaya minabuti na rin ni Yuri na makapasok at hindi niya inakalang makakasama rin niya si Steph sa lugar na iyon. Black site ang tawag sa mga lihim na lugar tulad ng library... marami pang mga security measures ang gagawin para lang makapasok pero ginamit rin ni Yuri ang kanyang contacts sa NICA para makasali sa klaseng iyon at ma-identify ang mga posibleng kalaban.

There are only 20 students on their class and most of them are hackers tulad ni Steph. Meron ring mga snipers, bomb experts, at martial arts experts sa mga kaklase nila. All of them have hidden agenda kaya sila nag-enroll sa klaseng iyon.

Ako, HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon