Chapter 6 - Mess

585 29 0
                                    

Steph:

Hindi ko lubos maisip na palagi kong kasama sa bahay ang mga taong ito. Naglabas si mama ng shotgun at si kuya naman ay kumuha ng flashback mula sa kanyang school bag. Nakakita pa nga ako ng iba pang baril sa loob ng bag kasama ng kanyang mga notebooks. Itinabi ni mama ang kotse sa isang maliit na pawnshop. Katabi nito ang isang grocery store at sa kanan naman ay isang meatshop. Maliliit lang ang mga establishments kaya kakauntir rin lang ang mga tao.

Malapit na ring magsara ang pawnshop na iyon kaya wala nang tao sa loob. Nagmanman muna sila at pinagmasdan ang mga taong nasa paligid. Merong tatlong mga matatanda na pumasok sa meatshop, dalawang estudyante sa grocery store, at isang buntis na kalalabas lang. Tahimik lang sa lugar at wala ring gaanong nagdaraan ng mga sasakyan. Nakakita rin ako ng isang security guard sa labas ng pawnshop at isa naman ang pumasok sa loob.

“Dito na muna kayo sa loob ng kotse,” sabi ni mama na bitbit ang shotgun.

Pagkatapos ay lumabas na si mama sa kotse kasama niya si kuya na may dalang baril. Ho-holdapin kaya nila ang pawnshop? Si Yuri naman ay lumipat sa driver’s seat na nakatawa lang. Gusto kong lumabas sa kotse at magtatatakbo para makalayo pero I think hindi iyon isang magandang ideya. Napansin ko rin ang bag ni kuya na iniwan lang niya sa kinauupuan niya kanina. Sa palagay ko ay meron pa siyang naiwang armas doon.

Naging mabilis lang ang mga sumunod na mga pangyayari. Tinutukan ni mama ang security guard sa labas at naghagis naman ng flashbang si kuya sa loob. Nagliwanag ang buong paligid at parang nahilo o nabingi ang mga tao sa loob. Wala rin namang nagagawa ang ibang tao kundi ang pumasok sa katabing meatshop o grocery store para magtago. Hindi na rin lumaban ang mga security guard ng katabing tindahan. Nakita ko namang pinrotektahan nila ang kanilang mga customers. Napansin ko ring tumawag na ang isang security dahil meron itong tinatawagan sa telepono.

Pinalo naman ni mama ng shotgun ang security guard sa labas na agad namang nawalan ng malay at pagkatapos ay sumunod namn siya kay kuya papasok. Ano to? Ninanakawan ba nila ang isang maliit na pawnshop? Ang sama naman ng pekeng mga taong ito!

Mabilis ang naging pagkilos nina kuya at mama na merong kinuha sa loob at pagkatapos ay lumabas tangan-tangan ang isang maliit na box. Sa pagkakataonng ito sila naman ang tumabi sa akin dito sa likurang bahagi ng sasakyan.

“Bilisan mo na Yuri,” sabi ni mama. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay mama.

“We’ve got the package,” sabi naman ni kuya na itinabi ang isang puting box na mukhang playstation.

“Ingatan mo yan!” sigaw ni mama.

“Bakit? Sasabog ba ‘to?”

Nasa gitna ako nina mama at kuya ngayon nang pinaandar ni Yuri ang kotse. Ano daw? Sasabog ang hawak-hawak ni kuya?

“We don’t know kaya huwag mong hayaang gumalaw-galaw!”

“Aprobado!” ito naman ang naging sagot ni kuya. Hinawakan niya nang mahigpit ang dala-dala niyang box.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Yuri ng sasakyan at ilang saglit pa ay umalingawngaw na ang sirena ng mga pulis na humahabol sa amin. Hindi ko alam kung ano ang ninakaw nila at bakit nila ginawa iyon. Pero ang alam ko ay hindi sila ang tunay na mama at kapatid ko.

Naisip kong bigla na isa lang itong prank o reality show pero nang paputokan na kami ng mga pulis ay inalis ko na sa isip ko ang posibilidad na iyon.

“What is happening? Bakit tayo pinaghahabol ng mga pulis!” alam ko naman ang nangyayari… Syempre hinahabol kami ng mga pulis dahil meron silang ninakaw.

Tumawa na naman ang fake na kuya ko at binatukan na naman siya ng babae na kamukha ni mama. Ang bilis na ng takbo namin dahil si Yuri ang nagmamaneho.

I just can’t believe na kasama ako sa mga pinaghahabol ng mga pulis ngayon. Gumanti ng putok si kuya at agad namang natamaan ang gulong ng isang patrol car na sumusunod sa amin. Isang bala pa lang ang nagamit niya pero napatigil na niya ang isang police car. Sigurado akong hindi talaga si kuya ang kasama ko ngayon dahil sa totoong buhay siya ay lampa.

“Don’t be scared Steph,” sabi ni Mama sabay yakap sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya napaluha nalang ako at nanlumo sa pagkakayakap kay mama.

Pagkatapos ay pinunasan ko ang mga luha ko saka tumingin sa kanya. Magkamukha talaga sila ni mama pero lubha naman silang magkaiba. Ano ba ‘tong ginagawa nila? May nakita akong isang motor ang sumusunod sa amin. Nakahelmet ang mga sakay nito na isa-isang pinapatigil ang mga nakasunod sa amin sa pamamagitan ng pagbaril sa mga gulong nito.

At meron pa silang kasabwat na riding in tandem. Ang isa ang nagmamaneho samantalang ang isa naman ay mayroong hawak na baril.

“Tama na ayoko na… gusto ko nang umuwi sa bahay!” sigaw ako ng sigaw.

Mabilis pa rin ang takbo ng kotse at sa tingin ko ay hindi na rin sumusunod sa amin ang mga pulis.

“We’ll get there in no time,” sabi naman ni Yuri.

Bakit nangyayari sa akin ito? If panaginip man ito gusto ko nang magising. Sinampal ko pa talaga ang sarili ko at nagtatatawa si kuya. Binatokan na naman siya ng mama. Sa pagkakataong ito ay parang normal lang ang lahat. Gusto kong isipin na normal lang ang lahat pero hindi… hindi ito tama.

Biglang huminto ang sasakyan kaya kinabahan ako. Saan na naman kami at ano na naman kaya ang binabalak nila. Baka ito ang kanilang hideout.

“Nandito na tayo,” sabi ni kuya.

“Halika na Steph labas na,” sabi naman ng fake kong mama.

“No hindi, guto ko nang umuwi… hindi ako sasama sa inyo.”

“Nandito na nga tayo,” sabi naman ng fake na kuya ko.

Nakarating na rin ang sumusunod sa amin na mga kasama nila. Ipinarada pa nila ang kanilang motor sa tabi ng kotse.

Pagkatapos ay kinatok ng taong mula sa motorsiklo ang pinto ng kotse at binuksan naman ito ng kuya.

“Good job,” sabi ng lalake na nakahelmet. “Labas ka na dyan!”

Huwag mong sabihin na…

Agad naman niyang tinanggal ang kanyang helmet na siyang kinabigla ko.

“Pa?”

Nag-apir pa si kuya at papa.

“Huwag nyo ngang takutin si Steph!” galit na sabi ni mama na sinunod naman ng dalawa at umalis.

“We’ll explain everything mamaya. Alam kong naguguluhan ka pa sa mga pangyayari ngayon.”

“Bye mom,” ito ang sabi ni Yuri ng paalis na ito.

What is going on here? Hindi ko alam ang nangyayari at nang umalis na si Yuri ay napansin ko na nasa harapan lang pala kami ng bahay.

Mom? Tinawag ba nyang mom si Mama? So ibig sabihin hindi ko talaga tunay na mga magulang ang nandirito. And they have the guts na angkinin ang bahay namin. Napansin ko rin na pumasok na sa bahay sina papa at kuya. Nakasunod naman si Nica sa kanila na hawak-hawak pa rin ang isang baril at helmet.

“Ano po ba ang nangyayari dito?”

“We’ll explain everything… pasok na muna tayo sa loob dahil maghahanda pa ako ng hapunan.”

Nalilito pa rin ako sa mga pangyayari pero wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila papasok sa bahay namin. I have to know everything… kailangan kong malaman kung sila nga ba ang tunay kong mga kapamilya.

Ako, HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon