Nagtataka kayo noh? kung bakit sa simula ng kwento ay mahirap ako, ganito kasi yun.
Flashback
Besh pwede bang dito muna ako sa inyo magstay? Tanong ko sa best friend ko.
Huh? Sigurado ka ba? eh ang baho-baho nga dito o... Alam kung hinding-hindi mo makakaya pag dito ka titira. Sagot niya naman
Narinig ko kasi ang usap-usapan na pupunta raw dito yung may ari ng paaralan doon sa kabilang baryo eh at naghahanap ng pag-aaralin
eh anong konek? E kaya mo namang e afford yung paaralan na yun.
Hindi naman kasi ako papayagan ng tatay ko doon e, sagot ko naman
Bakit naman? Tanong niya
Gusto niya kasi doon sa pinakasikat na paaralan dahil mas maganda raw doon at productive. Kaya please just give me this chance, Hindi pa naman rin sigurado e kung mapipili ako di ba.
Bakit ba ang atat na atat mo besh, ano bang meron?
Ahh, ehh.. Hmmm.. Sa totoo lang besh, sila David kasi may-ari ng paaralan na yun, yung lage Kong kinukwento sayo na nagging jowa ko.
So inisip mo, pag nandoon ka, makikita mo siya ganun? At umasa ka na magkabalikan kayo ganun? Ganun ba yun besh?
Sana.. Tipid Kong sagot
Ay ikaw na besh, ikaw na ang loyal.Move on ka naman besh pag may time.
Umaasa pa rin kasi ako besh eh, na maibabalik ang dati, ang dating kami.
Sige na nga. Pag payag niya sa akin
Thank you besh.. Sabi ko naman sabay yakap ko sa kanya.
................
Oy anne,ano naman yang pumasok sa isip mo at yan ang sinuot mo?tanong niyang nagtataka
Ahh ito,sabay turo ko sa damit ko.Para maawa sila sa akin ng bogga..effective ba?
Ay broha,gagawin mo talaga para sa kanya noh.
Oo naman,mahal ko e.
Ewan ko sayo besh,sabihin mo na tanga ka lang.
Ay grabe ka naman,ang sakit ah.
(Interview)
HOOOO!!!tae naman o,kinakabahan ako...ano kaya ang sinagot ni besh,ako kaya anong isasagot ko?bahala na nga basta para sa kanya...
Iha ikaw na,sabi ng isang assistant..
Ahh sige po salamat
Heto na,heto na talaga.....
Iha ano bang trabaho ng mga magulang mo?
Si tatay po ay isang engineener esti isa po siyang karpentero at ang nanay ko naman ay isang aboga----esti isang avocado vendor sa palengke,nagtitinda rin po siya ng gulay.
Bakit gusto mo mag-aral?
Kasi gusto kong makita ang anak niyo...pero syempre sa isip ko lang naman yun.
Ahm,kasi po gusto ko pong makapagtapos ng pag-aaral para pagdating ng araw,ako na ang magbibigay kaginhawaan sa mga magulang ko.
Mabait na bata..sabat niya naman.
Salamat po,sabay ngiti ko sa kanya.
Nakatira ka ba kapiling ang mga magulang mo?
Sa totoo lang po,ay hindi na po...(napaiyak naman ako dahil naisip ko si david ng pinaghiwalay kami.)matagal na po akong nawalay sa kanila at hindi na kami nagkikita(oo miss na miss ko na talaga si david)gusto ko na nga silang makita eh pero gusto ko pagbalik ko may ipagmamalaki na ako(gusto ko na pagnagkita na kami masasabi pa rin niya na mahal niya pa rin ako.)
Epal talaga tong luha ko...nagamit ko tuloy sa kalukohan ko.
I was touch by your story at dahil diyan,tutulongan kitang lumago..congratulations!!!
Tumayo siya at inabot niya ang kamay niya.
Salamat po talaga,salamat.
End of flashback
at yung ang dahilan kung ba't ako nagging katulong. Di ba ang bongga.Hindi ko naman kasi na isip na may kapalit pala yun eh. Tsk. Pero ok lang at least nakita ko siya't nakasama sa bahay.. Kyahhh!!
Sa mga magulang ko naman, sinabi ko kasi na pupunta ako ng America at nagbabakasyon sa bahay ng tita ko habbang wala pang pasukan at syempre kasabwat ko ang tita, mahal na mahal ako nun e.
Pero sa huli, nasakta't nabigo pa rin ako...
Nasaktan ako dahil hindi ko matanggap ang katotohanang hindi na babalik ang taong pinakamamahal ko.

YOU ARE READING
DEAR DIARY ( paasa vs. Tanga)
Fiksi RemajaThis story is about the girl who has been so in love with this guy named David. So what she felt everyday,she put it on her diary....even if it hurt her so much. She always told herself, TANGA na kung TANGA,mahal ko siya eh!!!..paki nila,buhay ko 't...