"Bye Cyz!"
"Byeeeee!"
Paalam ko kanila riz.
Pagpasok ko sa bahay umakyat agad ako sa kwarto sabay higa sa kama."Anak?"
Kagulat to si mama?! Nagsasalita bigla bigla eh aatakihin ako sa harteu~
"Po?"
"Uuwi na ang papa mo."
Napatingin naman ako kay mama bigla at napabalikwas.
"PO?! UUWI NA SI PAPA?!YESSSSS! PAGKATAPOS NG ILANG TAON UUWI NA DIN SIYA!MAGIGING KUMPLETO NA ULIT TAYOOO! YEHEYYYY!"
Sabay takbo ko kay mama at yakap ng parang bata with matching kembot ng pwet hahahahaha well hobby ko yun.
" pero nak, ako naman ang nadestino sa ibang bansa.."
Napabitaw agad ako kay mama
"Ma,ano ma? Ano po sabe niyo? Pakiulet nga po baka nag dedeliryo lang ako."
Saad ko sabay ngiti ng mapait.
"Pasensya na nak."
Sabay yakap sakin ng mahigpit.
"Ma? Bakit? Bakit? Ang tagal nawala ni papa eh, 12 years ma nasa ibang bansa si papa.. 12 years ma!"
hagulgol ko tama kayo ng pagkakarinig 5 years old ako ng iwan kame ng papa para mangibang bansa. Hindi namen siya nakakausap. Hindi ko nga alam kung buhay pa yun haha! Pero nagpapadala naman siya ng pera. Ni anino o mukha sa internet di ko nakita. Akala ko magiging ayos na kumpleto na kame. Hindi pala. Si mama naman ang aalis ngayon. Kame naman ang iiwan niya.."anak.. patawarin mo si mama ha? Hindi ko naman ginusto ito eh,pero kelangan anak eh. Kelangan."
"Kelangan ma?! Ma! Kelangan din naman namen kayo eh?! Ni kuya! "
Sabay bitaw ko sa pagkakayakap kay mama
"Nak,pasensya kana andyan naman ang papa mo eh"
Napatawa akong mapait habang tumutulo ang luha ko .
"Si papa?! hahahahaha! Ma?! Ni hindi ko siya kilala ni hindi ko nga siya halos nakasama, ni hindi ko maalala kung inalagaan niya ba ako o nakalaro o pinatawa Ma! Hindi ko nga maalala ang mukha niya! Ang ugali niya ma..."
yuko ko sabay upo sa dulo ng higaan ko. Umiyak lang ako ng umiyak dun hanggang sa makaramdam ako na palapit sakin si mama
"Nak,inalagaan ka naman niya eh mi---"
"Ilang taon ma? Ilang taon?!"
Pagpuputol ko sakaniya ..
Oo alam kong kabastusan to pero wala eh eto yung nararamdaman ko."7 taon"
7 taong?! Ang tagal nun! Lalo akong napa hagulgol at napatakip sa mukha ko.
"Kelan ka po aalis?"
"Baka sa sabado na.."
Huwebes ngayon .. 4 na araw nalang pala.. apat na araw..
" ba-kit? B-bakit ang bilis?"
"Kelangan madaliin nak eh. Patawarin mo ko"
sabay halik sa ulunan ko at ramdam ko na paalis na si mama
"Ayoko siyang makasama Ma kung iiwan mo lang kame"
saad ko pa bago niya isarado ang pintuan. Binagsak ko naman ang katawan ko sa higaan kumuha ako ng unan at tinabon ko sa mukha ko para doon umiyak.. 7 taong walang mama.. 7 taon.. ang tagal nun para saaken..
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog na ako.

YOU ARE READING
Fight Or Let Go
FanfictionFalling for not so ordinary guy because he's a gay. Would she rather fight her love or would she choose to let go the gay of his dreams.