Chapter 3:

3 0 0
                                    

Kinabukas

"Zarine? Zarine??"

Nagising ako ng may yumugyog saakin at tinatawag ang pangalan ko.

"Hmmmmm"

"Zarine? Masama ba pakiramdam mo? Ayaw mo ba pumasok? Malalate kana oh? 11 na."

Napatayo agad ako. Pagkatayo ko sumakit bigla ang ulo ko kaya napahawak ako sa ulunan ko sabay upo ulit sa higaan shit morning sickness kakaiyak kase to kagabe eh, di pa ko kumain kagabe hayss, naalala ko nanaman..

"Zarine? Ayos kalang ba?"

Lumuhod si kuya sa paanan ko para tingnan ako ng nakakunot ang noo.

"Medyo masakit lang ulo ko kuya"

Saad ko sabay ngiti ng mapait.

"Hays,wag ka na muna pumasok, tingnan mo itsura mo oh? Mugtong mugto mata mo ang pale mo pa."

halatang halata na nagaalala sakin si kuya, kahit bully yan saken si kuya alam niya kung kelan ko siya kelangan at kung kelan ako wala sa mood. Kaya mahal na mahal ko siya kuya the best kuya ever!

Niyakap ko nalang si kuya para sana itago ang babagsak na luha sa mata ko. Niyakap naman ako pabalik ni kuya dahilan para tumulo ang luha ko.

" kuya?! Bakit! Bakit!!"

"Zarine, makinig ka kay kuya ha?"

Tumango lang ako ng marahan.

"zarine, kahit naman umalis na si mama andito pa naman si kuya cy diba? Macho naman mabait pa hahahahaha"

Marahan ko naman siyang hinampas sabay tawa eto talagang si kuya kahit kelan.

" hays, alam kong mahirap maiwan dadating naman si papa eh? Diba? Kahit na di naten siya ganun ka kilala diba? Atlis andyan siya "

"Kuya pano kung saktan niya ako? Saktan niya tayo?"

" wag kang magalala andito si kuya! Proprotektahan ka ni kuya diba? Prinsesa nga kita eh"

Napangiti naman ako sa sinabe ni kuya. kinalas ko ang pagkakayap sakaniya tsaka siya tiningnan nakangiti saken si kuya na parang walang problema 

"Kuya?"

Nginitian niya ako.

"Hmmm?"

"Bakla kaba?"

Sabay ngisi ko sakaniya hahahahahahaha kala niya ah! Sinamaan naman niya ko ng tingin sabay pitik sa noohan ko

"Baliw kaba?! O abnormal?!"

Sabay tayo ni kuya.

"Tara na at bumaba kakain na tayo"

Naisip ko naman agad si mama.

"Uhmm, kuya? si mama ba.. umalis na?"

"oo pumasok na siya sa trabaho."

"Eh ikaw kuya? Papasok ka?"

"Oo naman."

Tumayo nako. Sabay akbay kay kuya suskooo ang tangkad ni kuya!! Hirap tuloy ako umakbay sakaniya naka tingkayad nako sobra.

"Hahahahahahaha! Perks of being maliit"

Sinuntok ko si kuya ng marahan sama niya talaga saakin bully! Napaka niya shems!

"Kuya!gutom nako anong ulam?"

Sabay ngiting malapad, nginisian naman ako ni kuya. Hmmmm smell fishy.

"Wala pang ulam."

Napabitaw naman agad ako sakaniya sabay tingin ng masama.

"KUYAAA?! AKALA KOBA MERON NA?!"

Fight Or Let GoWhere stories live. Discover now