Chapter 5: Goodbye

4 0 0
                                    

Cyzarine's POV

Nandito ako ngayon sa airport kasama ang kuya ko.

hayysss, buuo na talaga ang desisyion ni mama na iwan kame. Ilang beses ko na sinabe kay Mama na wag na siyang umalis. Ilang beses akong umiyak para lang pigilan siya.
Pero paulit ulit lang na salita ang naririnig ko sakaniya.

"KAILANGAN"

That was the most saddest part. Kelangan niyang umalis para lang sa trabaho niya. At eto na nga ang isa sa kinatatakutan ko. Maiwan sa taong minsan kaming iniwan. Ni hindi ko halos kilala o ni anino di ko nakita. Inaamin ko na natutuwa ako dahil makakasama ko na ang tatay ko, mararamdaman ko na kung pano ang alaga ng isang tatay. Ang isang tunay na tatay. Dati kase ang tatay ko lang ay ang kuya ko.

Napatigil ako sa pagiisip ng biglang magsalita ang mama ko.

"Anak,"

Tinanggal ko naman ang headset sa aking tenga tsaka ko siya tiningnan ng walang kabuhay buhay.

"Po?" - marahang sagot ko.

"pata---"

"MA,Tama na pwede? Paulit ulit na po eh. wala ng magagawa yang sorry niyo. Pasensya na po."

Haysss, natataasan ko na ng boses si mama. Pero pilit kong ikinalma ang sarili ko para hindi umiyak at tuluyang lumabas sa bibig ko ang mga salitang kanina pa nagbabadyang lumabas.

" anak,intindihin mo sana ako."

Yun lang ang sinabe niya sabay tayo.

"All the passenger in flight 09 going to america please proceed now."

Hays, Ito na. Aalis na siya. Aalis na ang nanay ko.

"Cy, alagaan mo yang kapatid mo ah? Ingatan mo."

yumakap naman si kuya kay mama sabay tango ng marahan. Kumalas naman na si kuya sa pagkayakap lumapit naman si mama saken sabay ngiting malungkot. ginantihan ko naman siya ng isang malungkot na ngiti at marahang niyakap.

"Ma, ingat ka po dun? Tawagan mo ko ah? Pasensya na po kung napagtaasan ko kayo ng boses at pilit na hindi paalisin.pasensya na po."

Hinigpitan ko lalo ang yakap kay mama. Hanggang sa kumalas na siya at umalis. Hinintay ko lang makaalis si mama bago ako tumalikod paalis. Tumakbo naman palapit si kuya saken sabay akbay.

"So?! Saan tayo punta? Taraaaa mall!" Maligalig na sabi ni kuya. Halatang pinapasaya ako ni kuya. Pero wag ngayon. Wala ako sa mood. Marahang humindi ako kay kuya. Hanggang sa makauwe na kami. Tahimik parin. Nakakulong lang ako sa kwarto. Hindi ako umiiyak. Pero ang lungkot ko. Maya maya pa.

"ZARINE! BABA KANA DIYAN KAKAIN NA TAYO!"

Sigaw ni kuya. Tumayo naman ako at bumaba. Habang kumakain.

"Zarine, may boypren kana ba ha?"

Nagtaka naman ako sa tinanong ni kuya. Kaya binigyan ko lang siya ng isang patanong na mukha.

"Hays, nako! Wala parin?! Sabagay. Sino Ba namang magkakamali sa baliw na katulad mo HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Sinamaan ko nalang siya ng tingin pero di parin ako sumasagot dahil wala ako sa mood para patulan ang ka cornyhan ng kuya ko. Natahimik naman si kuya dahil hindi ko siya sinagot o tumawa man lang.

"Hays," marahang buntong hininga niya.

Tumayo nako't nagpaalam na tapos nako kumain.

"Sige. Magpahinga ka nalang. Darating na si papa bukas."

Napatigil naman ako saglit sabay yuko at tumuloy sa pagakyat.

Fight Or Let GoWhere stories live. Discover now