1

3 1 0
                                    

"No! It's my number! Don't dare pick that number or else I swear I'll cut your head off!" Pagbabanta ko kay Dexter.

I always want to pick 14 in any ocassion. Like, kapag may ipapaprint kaming t'shirt para sa P.E namin tapos kailangan nang number sa likod. 14 palagi ang kinukuha ko. Tumataas ang pressure nang dugo ko kapag nalalaman kong may ibang tao ang nakikipag agaw sa number ko.

Oo na alam kong hindi lang ako ang may gusto sa 14, pero masisisi niyo ba ako? I really love number 14. Ang gaan sa feeling. It feels like palagi akong nasa langit kapag nasa paligid ko ang 14. Adik noh? Hahaha yan naman talaga eh.

"Palagi nalang ikaw sa 14. 14 rin naman birthdate ko eh." Kumunot agad noo ko.

"Kahit na. Ikaw, birthdate mo lang, samantalang ako lahat lahat na at tsaka alam kong hindi lang 14 ang fav. number mo." Pagkatapos ay dinilaan ko siya. Nasa likod ko lang siya. Nasa likod kasi ako nang front seat  sa classroom namin. Pati upuan ko number 14. Hindi ko nga namalayan yung inupuan ko eh, 14 pala. Hmmm

Ang swerte ko talaga sa number na to hehehe

"Camille! OMG Camille! Where are you?" Natatarantang hinanap hanap ako ni Collins, yung girl bestfriend ko.

"Andito ako, Coll!" Iwinagawayway ko yung kamay ko. Tumakbo siya sakin nang makita ako nang may ngiti sa labi.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"We won! Kasali sa top 5 yung poster natin sa ESP! OMG! Ang galing ko talaga mag drawing!" Agad ko naman siyang pinitik sa noo.

"Gaga nag border ka lang. Ako nag gawa nag lahat. Psh hahaha" Sumimangot naman agad mukha niya.

"Wag ka ngang panira! Alam ko naman na wala akong talent sa arts. Syempre sulitin ko na. Ka group naman kita eh!" Tapos tumawa siya kaya nakitawa rin ako. Kahawa naman nang ngiti neto.

Ang ganda naman kasi nang bestfriend ko, nakaka tomboy hahaha no kidding aside. She really is beautiful.

"Sabi sayo basta 14, panalo!" Sabi ko sa kanya. Tapos nakipag apir. Nga pala, ako si Camille Zainne Miller. A fourth year student and a 15 year old teenager.

Malapit na nga pala akong mag 16. July 14. OMG 14! Bat ba napapangiti ako nang number 14? Palagi nalang hahaha noong 14 years old ako, doon ko nakilala si Joao (Jowaw). He's our hearthrob, he's the famous guy in our school at syempre kapag hearthrob, maraming nagkakandarapa. He was my dream guy, exactly. Palagi akong nagpapapansin sa kanya but not in a way na ma tu'turn off siya sakin.

After a month, napansin niya ako. Nagka something sa akin pero hanggang doon lang at wala nang hihigit pa dahil alam namin na wala pa kami sa tamang edad.

"Camille..." Napatigil ako sa pag iisip nang may tumawag sakin. Liningon ko siya.

"Oh Siera, bakit?" Si Siera ang classmate namin, siya yung clown kungbaga. She always makes us laugh, siya pasimuno lahat nang kasayahan sa room.

"Girl, I have something for you." Umupo siya sa harap ko at hinarap yung upuan sa akin.

"Ano iyon?" Tanong ko.

"July 1 na bukas and I want you to make the 14 days challenge. Since sakto lang kasi sa ika 14 day ay birthday mo." I nod tapos hinintay kong ipagpatuloy niya yung sasabihin niya.

"14 days wallpaper or lockscreen challenge. Gagawin mong wallpaper yung taong mahal mo tapos pagkatapos nang 14 days o sa mismong ika 14th ay makikita mo ang resulta. Pwedeng, magkakatuluyan kayo o mapapansin kana niya pero kailangan walang makakakita nang wallpaper mo." Napakunot naman noo ko.

"14 days wallpaper challenge? At ano sabi mo? Magkakatuluyan? Ano ba naman yan Siera. Huwag mo nga akong pinagloloko, yung mga ganyan ganyan hindi yan totoo. Psh imposible. Paano kung si Jungkook i wallpaper ko? Hahaha gaga napaka imposible." Natatawa kong sagot sa kanya.

Imagine? I wo-wallpaper mo lang yung taong mahal mo tapos after 14 days, magkakatuluyan kayo? Gosh. Nagpapatawa ba siya?

"Wala namang mawawala sayo Camille eh. Try lang naman. Malay mo totoo pala." I glared at her.

"Narinig ko lang naman kay Mommy to noh. She tried daw kasi yung challenge na yun nung teenager siya kaya ayun doon nag start yung love story nila ni Daddy." Malapad na ngiti ang binigay niya sakin.

I don't believe in such things like that pero tama naman si Siera. Wala naman mawawala saakin kung itra try ko.

"Okay. Challenge accepted."

Agad kong pinalitan yung wallpaper ko. Kahit alam kong imposible, gagawin ko pa rin kahit alam kong masasaktan ako sa huli.

14 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon