"Camille, pahiram nga nang phone mo." Tiningnan ko lang si Kaizer.
"Asan? Pahiram ako dali." Tiningnan ko lang ulit siya.
Bat ba ang gwapo niya?
"Tapos mo na ba akong titigan?" Napa irap agad ako nang marinig iyon.
"Assuming. Tinitingnan lang kita, hindi ako tumititig. At tsaka wala dito yung phone ko." Mukhang hindi siya naniniwala pero sa huli ay hindi na siya nagpumilit pa.
Gustong gusto kong pumayag, ang kaso makikita niya. I don't want that to happen at isa pa nakakahiya kung makita niya. Baka malaman niya ang sikreto ko.
Naguguluhan ba kayo?
Siya si Kaizer Constancia. Ang taong pinakamamahal ko. Hindi nga siya yung first love ko pero alam kong siya na ang huli kong iibigin.
---
Last dayMaaga akong umuwi kahapon para makapag groceries. Wala na kasing stock sa ref ko sa room. Naubos ni Siera yung junkfoods tapos chocolates ko kahapon nang bumisita siya sa bahay. Ika 14th na pala ngayon. Last day of the wallpaper challenge. Pero wala namang nangyayari.
I'm on my way sa classroom nang makita ko si Kaizer. Agad akong tumingin sa ibang direksyon para hindi mahalata na nakatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin ko habang unti unti kaming nagkakalapit. Saan kaya siya pupunta?
"Zainne..." Dumiretso lang ako. Sino kaya tinatawag niya? Lilingon sana ako sa likod nang tumigil siya sa harapan ko.
"Zainne..."
"God! Ginulat mo ko!" Hawak hawak ko yung dibdib ko. Nagulat talaga ako kasi hindi ko inaasahan na haharang siya sa dinaraanan ko.
"Ayy sorry, hindi ko naman sinasadya eh."
"Di okay lang." Nginitian ko naman siya para maipakitang okay lang sakin. Naku Kaizer! Kung hindi lang talaga kita mahal.
"Kanina ka pa namin hinahanap at kinokontak ang kaso palaging cannot be reach." Napakunot naman noo ko.
"Bakit?"
"Walang klase ngayon, balak sana nang barkada na mag inuman." Oh well hindi ako papalag.
"Sure. Tara sabay na tayo." Bumalik na kami sa room. NANG SABAY.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit kailangan niya pa akong salubungin kong pwede naman niya akong hintayin sa room?
"Ang tagal mo naman! Kanina ka pa namin hinihintay! Tara na nga!"
Palabas na kami pero lutang pa rin ang isip ko.
Nakakapagtaka....

BINABASA MO ANG
14 Days
Короткий рассказ14. Ano nga bang meron sa numerong 14? Yeah, it's her favorite number and it's her birth date. 14 was her lucky number too. She used that number in order to win struggles in life. She always love to pick number 14 until one day, someone challenge he...