" Lira's POV "nandito kami sa plaza nang subdivision ..
nakaupo kami ni Maine habang kumakain nang ice cream ..
habang kumakain kami nakarinig kami nang tsismisan sa di kalayuang mga tao ..
" Ang ganda nang bahay niya noh ? "
" oo nga eh .. gusto kong pumunta diyan .. "
" tara pasok tayo ? "
" wag ! di mo ba nabalitaan na mapanganib daw ! "
" weeh ? di naman yan totoo eh ! "
" ah basta ! kahit nagagandahan ako sa bahay niyan hinding hindi ako papasok noh ! ayoko pang mamatay ! "
" ang kj mo talaga ! "
" bahala ka ! kung gusto mo ikaw na lang ! "
" ayoko kayang pumasok nang walang kasama ! "
sa hindi malamang dahilan .. yumuko ako ..
" oh ano gusto mo pa ? " tanong ni maine
ngumiti ako at umiling ..
napa 'ok' naman si maine at pinatuloy ang pagkain niya ..
SA HARAP NANG BAHAY NIYA ..
hindi ko alam kung bakit nandito ako .. nagtataka din ako kung bakit wala man lang akong naramdamang kaba ..
tila ba'y ayos lang saakin ang pumunta dito ..
dahan dahan kong hinawakan ang gate .. binuksan ko ang gate at pumasok ..
hinawakan ko ang door knob at binuksan ..
bumungad saakin ang maayos na mga gamit ..
para bang alagang alaga lahat ..
napukaw saakin ang isang salamin .. dahan dahan akong lumapit doon ..
nang makalapit na ako doon tiningnan ko ang repleksiyon ko ..
sa hindi malaman na dahilan hinawakan ko ang salamin ..
Hi friend
h-hello ..
pwedeng pumasok ?
s-sige !
ang ganda naman nang salamin mo friend ..
talaga ? binili yan ni mommy sa paris .. regalo sakin yan ni mommy
Bakit ka ba ganyan ?!
bakit ako ganito ?! nang dahil sayo ! naiinggit kami sayo ! dahil nasa iyo ang lahat nang gusto namin !
ibibigay ko naman sa inyo eh ! wag niyo lang ako saktan !
wala kaming pake ! gusto namin ang lahat nang meron ka dapat samin din !
aaaah ! pleaase ! ayokong pang mamatay !!!!!
agad kong binitawan ang salamin ..
may namuong kaba saaking dibdib ..
naalala ko na naman siya .. at mga ginawa naming kasamaan sa kanya ni Maine ..
tinuring ko naman siyang totoong kaibigan ngunit .. nadala ako sa inggit ..
nang dahil sa inggit napahamak siya ..
pero hindi ko iyon pinagsisihan ..
dapat lang yon sa kanya ..
agad akong napangiti ..
" LIRA ! " agad akong napalingon sa likod nang nakita ko si Maine ..
" Maine ?! "
BINABASA MO ANG
Ang bahay KO
RandomMansyon kung tawagin ang bahay NIYA .. halos lahat naiinggit sa tilang mala kahariang bahay NIYA .. Halos lahat gustong maging SIYA .. hanga sila sa taglay na Kagandahan NIYA .. Pwede kang pumasok sa bahay NIYA .. ngunit mamamatay ka .. kapag...