Chapter 6

79 3 4
                                    


Makalipas ang Dalawang Buwan

" LIRA'S POV "

Tulala akong nakatingin sa bintana nang kwarto namin ..

" Anak ? " tawag saakin ni mama pero hindi ako lumingon ..

narinig kong bumuntong hininga siya ..

" Hindi ka ba pupunta sa burol ni- " hindi natuloy ni mama ang sasabihin niya dahil umiyak ako ..

" h-hindi a-ako p-pupunta ma .. kung hin-hindi da-dahil saakin  h-hindi dapat siya n-napahamak .. k-kung hin-hindi sana ako p-pumunta doon .. sana .. sana hindi siya namatay " hagulgol kong sambit ..

naramdaman kong niyakap ako ni Mama ..

" Hi-hindi ko kayang pumunta doon .. hi-hindi ko kayang makita ang kaibigan kong nakahiga sa kab-kabaong " iyak ko ..

" naiintidihan kita nak .. pero kung pupunta ka doon sabihan mo ako " sabi ni mama at umalis na sa kwarto ko ..

napabuntong hininga ako ..

patawarin mo ako Maine ..

patawad dahil .. natagalan ako ..

FLASHBACK ..

Nang makarating na kami sa bahay niya

agad namang ginamit nila ang kahit ano basta masira lang ang pintuan .. nang masira na ..

" Maine ?! asan ka na maine ?! " Sigaw ko ..

pumunta ako sa ikalawang palapag .. umaasang makikita ko siya doon ..

nakarinig ako nang kalabog sa pinakadulo kaya pumunta ako doon ..

napasigaw ako sa takot nang makita kong nakabaon ang kutsilo sa kanyang mata ..

napaluha ko ..

lalapit na sana ako sa kanya nang hinawakan ako ni Mama ..

napailing ako .. gusto kong yakapin si Maine ..

napahagulgol ako ..

maine ..

END OF FLASHBACKS

Sana bago siya mamatay ..

nayakap ko siya ..

Ang bahay KO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon