Chapter 10

43 0 0
                                    


A/N :

Unang una po sa lahat pasensiya na po kung matagal akong hindi nakapag update .. Busy lang po talaga ☺ Enjoy reading !

                 - Villa_Leonora

STILL HER POV

" Lira ! " nabalik ako sa realidad nang makita ko sa harapan ko si samuel na nakahawak sa balikat ko

" s-samuel " hingal kong sagot at napaiyak ako

" bakit ? anong nangyari ? " alala niyang tanong

dapat ko bang sabihin sa kanya ?

" w-wala " iyak kong sagot

hindi na lang niya pinansin at niyakap niya na lang ako

SA BAHAY

" Salamat sa paghatid iho ha ? " sabi ni mama

nandito ako sa kwarto ko at tulalang nakatingin sa kisame

" Walang anuman po yun tita para po kay lira gagawin ko po ang lahat " sabi ni Samuel sabay tingin sakin at binalik naman niya ang tingin niya kay mama

" pasensiya ka na kay Lira kung ganyan siya .. eh kaya lang naman nagkaganyan yan dahil nam-" hindi natuloy ang sasabihin ni mama dahil sumigaw ako

" Ma ! " sigaw ko sa kanya kaya napalingon sila saaking dalawa

" Bakit ? " tanong ni mama at lumapit sakin

" Ba-baka hinanap na po si samuel sa bahay nila " mahinahon kong sambit ..

"a-ah sige po tita alis na po ako .. Sige po .. lira .. alis na ako " sabi niya at ngumiti ..

sinuklian ko naman siya nang ngiti .. ngiting matamlay ..

hinatid naman ni mama si samuel hanggang gate at bumalik na si mama sa kwarto ko ..

" kung may kailangan ka anak sabihin mo lang sakin ah ? " sabi ni mama at ngumiti

ngumiti naman din ako at tumango .. sinarado na ni mama ang pintuan at napabuntong hininga ako ..

Imahinasyon ko lang ba iyon ? ..

o

hindi ?

muli akong napabuntong hininga ..

hindi ko alam kung kakayanin ko pang pumasok bukas ..

KINABUKASAN

Nagising ako sa sinag nang araw na nanggagaling sa bintana nang aking kwarto ..

dahan dahan akong bumangon at bumaba ..

naabutan kong nagluluto si mama nang umagahan ..

" Magandang umaga mama " Bati ko sa kanya

Lumingon naman sakin si mama at ngumiti

" magandang umaga anak .. umupo ka na diyan malapit na ring matapos 'tong niluluto ko " sabi ni mama

uupo na sana ako kaso may biglang kumatok

" oh anak mukhang may bisita ka ah ? " tanong ni mama at ngumiti nang nakakaloko

" Ma naman eh " tanging sambit ko lang

Muli namang may kumatok kaya sumigaw ako " sandali lang ! " sigaw ko at binuksan ko ang pintuan at nakita ko si samuel ..

huh ? paano niya nabuksan ang gate ?

" Oh .. samuel " sabi ko sabay ngiti

" Magandang umaga " bati niya at ngumiti naman din siya

" Magandang umaga din " sabi ko

nagulat ako nang may nakita kong may hawak siyang bulaklak ..

" Isang mabangong bulaklak para isang napakagandang binibini " sabi niya sabay abot sakin nang bulaklak

naramdaman kong namula naman ang aking pisngi ..

"s-salamat samuel .. naku .. nag abala ka pa , lika tuloy ka " sabi ko at pumasok naman siya

pero di pa rin mawala sa isip ko .. paano siya nakapasok ? .. nakasarado ang gate namin ah ? ..

atsaka .. Mataas ang aming gate .. nakaramdam ako nang kaba at kilabot ..

Hindi kaya ..

Umiling na lang ako .. ano ba 'tong iniisip ko ..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang bahay KO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon