Chapter 4

82 3 4
                                    


" Maine's POV "

" Ahh ganun po ba sige bukas na lang po " sabi ko sabay labas nang bahay ni Lira ..

iimbitahan ko sana siya sa bahay namin para mag movie marathon pero sabi nang mama niya may pinuntahan daw siya .. tinanong ko kung saan pero di niya alam .. wala naman daw'ng sinabi kung saan ..

sa hinding malamang dahilan napadaan ako sa bahay niya

nadadaanan kasi yang bahay niya

may unting kaba akong naramdaman nang nakita kong bukas ang gate ..

unti unti akong lumapit sa gate ..

malakas ang kutob kong may pumasok dito !

kailangan ko siyang pigilan !

dali dali akong pumasok sa bahay ..

nagulat ako nang nakita ko si Lira na nasa harapan nang salamin ..

" LIRA ! " tawag ko sa kanya ..

agad siyang lumingon ..

" MAINE ?! " nakita kong nagulat siya nang nakita niya ako ..

" anong ginagawa mo dito ?! " galit kong tanong ..

yumuko siya

" H-hindi ko alam " sabi niya

lumapit ako sa kanya

" HINDI MO ALAM ?! " Sigaw ko sa kanya ..

hindi niya alam ?! ang galing !
ano 'to ?! parang sinapian ?!

" pasensiya na " sabi niya at aakmang hahawakan ako pero tinabig ko ito ..

" Kung saan san kita hinanap ! nandito ka lang pala sa bahay niya ! "

biglang nagbago ang ekspression niya

" Wag na nating siyang pag usapan ! " sigaw niya sabay labas nang bahay ..

susundan ko na sana siya nang biglang sumara ang pinto ..

" Lira ! ano ba ! " sabi ko habang sinusubukang buksan ngunit hindi talaga ..

" M-maine ?! " rinig ko sa labas ..

" Lira ? LIRA ! BUKSAN MO 'TO ! HINDI AKO NAGLOLOKOHAN SAYO ! " galit kong sigaw sa kanya ..

" H-hindi ako ang gumawa nito ! teka lang ! hahanap ako nang makakatulong satin ! " sabi niya ..

" ano ?! l-lira ! wag mo akong iwan dito ! liraaa ! " sigaw ko ..

natigilan ako nang nakarinig ako nang Kalabog sa ikalawang palapag ..

kahit nanginginig ako ay umakyat ako ..

nasa ikalimang hagdan pa lang ako .. nangilabot na agad ako ..

" m-may ta-tao ba d-diyan ?! " nanginginig kong tanong ..

ngunit kalabog lang ang narinig ko kaya nilakasan ko ang loob ko ..

nang makarating na ako sa ikalawang palapag .. sinundan ko ang kalabog .. nang makarating na ako sa isang pinto .. dahan dahan kong binuksan ito ..

nilibot ko ang tingin sa buong kwarto ..

nagulat ako nang agad may sumarado nang pintuan ..

Ang bahay KO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon