9

25.6K 604 17
                                    

Pumunta sila sa restaurant ni Sofia, wala silang pakialam kahit pareho silang nabasa ng ulan. Mabuti na nga lang at may dala siyang damit kaya nakapagpalit siya sa kotse niya maliban kay Sofia na basa parin. Meron siyang dalang extra T-shirt kaya ibinigay niya ito dito, ang problema ay basa ang suot nitong pantalon. Inaalala niya rin si Sofia dahil baka magkasakit ito lalo na at malamig sa loob ng restaurant.

"Go to the ladies room. Suotin mo na yang T-shirt ko baka lamigin ka pa." sabi niya. "Mag oorder lang ako ng pagkain tapos sa kotse nalang natin kainin."

"Wag na dude. Dito nalang."

"Pero basa na ang pantalon mo."

"Don't worry ako ng bahala." sabi nito sa kanya. "Dude, gusto ko ng hawaian pizza ah? Tapos chicken at carbonara. Geh, punta lang ako ng Cr."



Pagpasok ni Sofia sa cubicle ng Cr ay kaagad niyang hinubad ang suot na basang T-shirt.

"Naman oh!" reklamo niya dahil narealize niyang basa pala ang sports bra niya na suot. "Di bale na nga, black naman ang T-shirt ni Angelo at printed naman."

Pati pantalon niya ay hinubad niya na din dahil nga sa basa na ito. Buti nalang at hindi nabasa ang shorts niya na kulay blue. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin pagkalabas niya sa loob ng cubicle. Nagmukhang dress ang suot niyang T-shirt ni Angelo dahil hindi pansin ang short niya. Mabuti na yun dahil masyadong manipis ang suot niyang short. Kita tuloy ang kanyang maputing legs.

"Lupit! Parang nanalo sa lotto ang makakakita sa malupit kong legs" bulalas niya. Para siyang ewan sa itsura niya. T-shirt na mahaba na nagmukhang dress at nakasuot siya ng high cut na sapatos.

Astig!


Dalawang babae ang pumasok sa Cr. Kita niyang may inilabas ang mga ito mula sa bag nila pagkatapos ay sunod-sunod nang may inilagay ang mga ito sa kanilang mukha. Kinuha niya ang hinubad na damit at tinupi ito. Lalabas na sana siya ng mapansin niya ang itsura niya sa salamin. Mukhang ilang taong hindi nasuklayan ang buhok niya dahil sobrang gulo nito. Sa madaling salita ay mapagkakamalan siyang bruha o kamag-anak ng mga mangkukulam. Nahirapan pa siyang ayusin ang buhok niya, wala siyang dalang suklay kaya daliri niya nalang ang ginamit niya na panuklay. Ngayon niya lang napansin na humaba na pala ang buhok niya at hanggang dibdib na niya ang haba nito.

Napansin niyang nakatingin sa kanya ang dalawang babae. Nang ibaling niya ang tingin sa mga ito ay sabay pa ang mga ito na umiwas.

"Hoy!" tawag niya sa dalawa. Tumingin naman ito sa kanya.

"B-bakit po?" nauutal na tanong nito sa kanya.

Lumingon siya sa likod niya, sa kanan at sa kaliwa. Wala namang multo pero bakit parang natatakot ang mga ito. 

"May suklay ka?" tanong niya dito.

"M-meron."

"Pahiram nga."

Dali-dali naman nitong hinalungkat ang bag at binigay sa kanya ang suklay. Kinuha niya naman ito at saka niya sinuklay ang kanyang buhok.  Nahirapan pa siya sa pagsuklay dahil maraming buhol-buhol sa buhok niya.

"Oh, salamat." sabay abot niya ng suklay sa babae.

Akmang iipitin niya ang kanyang buhok ng pigilan siya ng babaeng hiniraman niya ng suklay.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Wag niyo na pong ipitin ang buhok niyo. Baka masira po buhok niyo kasi basa pa, isa pa maganda po kayong tingnan kapag nakalugay ang buhok niyo." mahabang sabi nito sa kanya.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon