5

25.9K 689 23
                                    

Nakapasok agad siya sa condo ni Sofia dahl may susi siya. Dali-dali niyang tinungo ang kwarto nito. Pagbukas palang niya ng pinto ay nakita niya na si Sofia na nakafetus style na nakahiga. Para itong namimilipit sa sakit.

"Sofia nandito na ako." sabi niya ng makalapit siya dito.

Tumingin ito sa kanya at kita niya ang mapula at namamaga nitong mata dahil sa kakaiyak. Hinaplos niya ang buhok nito.

"Dude, ang sakit talaga super." maluha-luhang sabi nito.

"Ano bang masakit sayo? Tell me. Do you want me to bring you to the hospital?" tanong niya pero umiling ito.

"Ang sakit ng puson ko dude." at umiyak na ito. "Shet yan dude di ko na kaya."

Natigilan siya sa sinabi nito. Maya-maya pa ay parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Akala niya ay kung ano na ang nangyare dito. Yun pala ay meron ito. Tumihaya ito at tumingin sa kanya.


"Dude, mamamatay na ako sa sobrang sakit."

"May ointment ka pa dito? Yung menthol?" tanong niya.

"N-nasa drawer" nahihirapang sabi nito.

Tumayo siya at kinuha ang ointment tapos ay nilagyan niya ang kanyang daliri.

"Ibaba mo ang zipper ng short mo." utos niya dito.

"Bakit?"

"I will massage it. Para mawala kahit papano ang sakit ng puson mo." paliwanag niya.

"Gagana ba yan?"

"Trust me. Ganito ang ginagawa ni dad kay mom pag meron ito."

"Okay I trust you."

Napalunok siya ng buksan nito ang zipper ng short at kita niya na ngayon ang suot nitong underwear na kulay itim. Hindi niya maiwasang pagpawisan dahil dito. Ilang beses siyang lumunok bago ipahid sa puson nito ang kamay na may ointment. Nanginginig ang kamay niya habang minamasahe ang puson nito at ilang beses din siyang napapalunok dahil narin sa mahihinang ungol ni Sofia.

"K-kukuha lang ako ng mainit na tubig para ilagay diyan sa puson mo." paalam niya. Tumango lang si sofia sa kanya bago siya lumabas ng kwarto.

••


Katatapos niya lang lagyan ng hot compress ang puson nito. Pero namimilipit parin ito sa sakit. Hindi niya tuloy maiwasang maawa dito dahil umiiyak parin ito. Hinaplos niya ang buhok nito.

"D-dude?"

"Bakit?"

"Dito ka sa tabi ko." natigilan siya sa sinabi nito. "I want to hug you. Please?"

Huminga na muna siya ng malalim.

"O-ofcourse" sabi niya. Humiga siya sa tabi nito. Hindi niya napaghandaan ang sunod na ginawa nito. Niyakap siya ni Sofia at nakadantay din ang paa nito sa kanya.

"I love your smell Gelo." dinig niyang sabi nito. Hindi niya maiwasang makiliti dahil ramdam niya ang mainit nitong hininga. Nakasiksik kasi ang mukha nito sa leeg niya. Gumalaw ang ulo nito at tumingin sa kanya. Hindi niya maiwasang mapatingin sa labi nito. Napakalapit kasi ng mukha nila at konting galaw lang ay maaaring magdikit ang kanilang labi. Hindi niya alam kong anong pumasok sa isip niya at bigla niya nalang itong hinalikan sa labi.


Napakalambot ng labi nito. Nakakaadik.

Kumalas siya at dahan-dahang tumingin kay Sofia. Gusto niyang makita ang reaksiyon nito kung galit ba ito o--

PAAAKKK!

Napahawak siya sa pisngi niya ng sampalin siya nito. Expected niya ng mangyayare ito. Kung bakit ba naman kasi niya ito hinalikan. Hinintay niyang bulyawan siya nito pero hindi ito nangyare dahil niyakap lang siya nito ng mahigpit na siyang ikinagulat niya.

"I want to sleep Gelo." sabi nito sa kanya.

"S-sige." mahinang sagot niya.

Gusto niyang hampasin ang kanyang sarili dahil sa ginawa niya. Bestfriend niya ang kanyang hinalikan.

Kung di ka naman kasi tanga Angelo nagpadala ka sa bugso ng damdamin.

Nagustuhan mo naman?

Napailing siya. Wala na siyang magagawa. Nangyare na ang nangyare at hindi niya na ito mababago pa.

He just kissed her bestfriend.

Aminin niya man o hindi nagustuhan niya ang nangyareng iyon at hindi siya nagsisisi.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon