6

28.8K 690 14
                                    

Naalimpungatan si Angelo ng makarinig siya ng ingay. Nang imulat niya ang kanyang mata ay tumambad sa kanya si Sofia na may hawak na camera at nakatutok ito sa kanya. Hindi niya sana ito papansinin ng marinig ang ilang pag click nito.


"Ayos! Ang dami kong mabebentang pictures mo." nakangising sabi nito. Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga.

"What the hell? Erase my pictures." 

"Ano ka siniswerte? Neknek mo." bumelat pa ito sa kanya at lumayo.

"Sofia." madiing tawag niya sa pangalan nito.

"Di mo ko madadaan diyan." balewalang sabi nito at tinignan ang camera.

Napahilamos sa mukha si Angelo. Napag tripan na naman siya ni Sofia. Nandito pa pala siya sa condo nito at Ilang araw na din siya na dito nag stay. Ibang iba ang kwarto nito sa bahay sa condo nito dito.

Kung sa kwarto niya ay lahat kulay blue at white na my poster pa ni Sasuke dito naman sa condo niya ay white and violet ang lahat na makikita. May mga naka drawing o naka pinta sa bawat dingding tulad ng pusa, ibon at butterfly ngunit kulay itim lang ang mga ito.

Girly style kumbaga.

"Nga pala dude, naghanda na ako ng breakfast mo kain ka na don. Susunod nalang ako kasi idedevelop ko pa tong pictures mo para mabenta ko na." hindi niya na nagawa pang umangal dahil nakalabas na ito. Napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok.

Bakit ba kasi ang lakas mantrip non?


Katatapos niya lang maghilamos at pumunta na siya sa kusina. Napatingin siya sa mesa at mga plato don. Naramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Bago niya alisin ang pagkakatakip ng mga pagkain ay napa sign of the cross pa siya.

Sana naman maayos ito.

Napasapo na lamang siya sa kanyang mukha ng makita ang pagkaing nakahain sa mesa. Kung pagkain nga ba na matutukoy ito. Sunog na hotdog, bacon, itlog at kanin. Ano pa nga bang aasahan niya sa bestfriend niyang di man lamang nabigyan ng talento sa pagluluto. Buti pa ang mama nito marunong. Napagpasyahan niyang magluto nalang ulit dahil hindi niya rin matitiis ang kumakalam nitong sikmura dahil sa gutom.


"Dude, maligo ka na pagkatapos mong kumain." napaangat ang tingin niya kay Sofia.

Halatang katatapos lang nitong maligo dahil basa pa ang buhok nito. Isa pa ay napansin niyang nakasuot lang ito ng isang kulay itim na oversized t-shirt. Lumapit ito sa kanya at umupo sa katabi niyang upuan. Bigla na lamang nitong inangat ang paa at ipinatong sa hita niya kaya kitang-kita niya ang maputi nitong legs.

"May suot ka bang boxer o short?" tanong niya.

"Wala... underwear lang." simpleng sabi nito at tumusok ng hotdog na nasa plato niya.

Dumako ulit ang tingin niya sa legs at hita nito. Nakalihis ang suot nitong shirt kaya nakita niya ang underwear nitong kulay blue. Ibinaling niya nalang ang tingin sa iba.

"Dude, may pupuntahan tayo." turan nito.

"Saan?" tanong niya.

"Secret. Basta dala ka ng extrang damit. Kasi marami tayong gagawin." nakangising sabi nito.

Para tuloy gusto niya ng umuwi sa condo niya. Mukha kasing may binabalak itong hindi maganda. Kinuha niya ang tinidor na nasa plato niya na may nakatusok na hotdog at isinubo ito. Ipapasok niya na sana ito sa loob ng bibig niya ng bigla siyang kabigin ni Sofia. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito. Yung subo niyang hotdog na hindi pa nakakapasok sa bibig niya ay kinain ni Sofia. Ramdam niya pa ang pagdampi ng labi nito sa labi niya bago ito humiwalay.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon