14

22K 589 16
                                    

Nakaupo sa kama si Sofia habang kumakain ng caramel na popcorn sa tabi niya ay ang pinsan niyang si Princess. Dito na kasi siya dumiretso sa bahay ng tito Devon at tita Kylie niya pagkaalis niya ng opisina ni Angelo.

Nabbwiset parin siya sa lalaking yun lalo na at mas pinili pa non ang babae niya. Hindi lang yun, ibinigay pa nito sa iba ang pagkaing pinaghirapan niyang lutuin para sa kanya. Nag effort siyang magluto kahit na hindi siya marunong. Nagkasugat-sugat pa ang kamay niya sa paghihiwa, ilang beses din siyang napaso. Tapos ganun lang? 


"Aware ka ba na ubos na ang kinakain mo?" Bumanling ang tingin niya siya sa katabi niyang si Princess na nakadapa at kaharap ang laptop nito. Malamig ang boses nito ng magtanong. Tinignan niya ang hawak na lalagyan at wala na ngang popcorn.

Naman oh!

Kaya pala wala siyang makuha kasi wala ng laman.

"Just tell me if you have a problem. Hindi yung inuubos mo ang pagkain ko dito."

"Ang damot mo naman insan." sabi niya dito pero inikutan lang siya nito ng mata.

"If your problem is kuya Angelo yo--"

"Ang walang hiyang yun! Mas pinili pa ang walang kwenta niyang babae kesa sakin? Porket ba hindi ko tinatanggap ang kwintas na bigay niya sakin ganun na agad siya! Hindi lang yun, nag pakahirap akong magluto para sa kanya tapos pamimigay niya lang?! Asan ang hustisya?!!!"
Hinihingal niya pang sabi.

"Ow?" pinaningkitan niya ng tingin si Princess.

"Ang haba-haba ng sinabi ko tapos ow lang sasabihin mo? Pinsan ba talaga kita?"  hindi siya nito pinansin at binalik ulit ang tingin sa laptop nito.

Inilagay niya ang lalagyan ng popcorn sa desk na nandon.

"May pagkain ka pa ba?" tanong niya dito saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at pumunta sa mini ref na nasa kwarto ng pinsan niya. Nakita niyang hinubad nito ang suot na headset at tumingin sa kanya.

"You eat all my chips here including my chocolates and popcorn. Until now di ka parin kuntento?" tanong nito gamit ang malamig na boses.

Napaikot siya ng mata. Grabe manang-mana talaga sa tito Devon niya. 16 palang yan pero ang mature na kung kumilos tinalo pa siya. Buti pa yung kambal niyang si Prince happy-happy lang, ang daling pakisamahan.

Hindi niya sinagot ang tanong nito at binuksan ang ref. May mga maliliit na jar doon na may laman na cookies na sa tingin niya ay gawa ng mom niya. Tapos may mga cakes pa. Gusto niya sanang kumain non pero wag nalang. Cookie monster pa naman ang pinsan niya. Baka mag ka world war 3 pag kumuha siya. Kinuha nalang niya ang chuckie na nandon at ininom ito.

Nilibot niya ang paningin sa kwarto ng pinsan niya. Mint green ang kulay ng buong kwarto. Mapa pader, kama at gamit sa loob ay iyon ang kulay. Umupo ulit siya sa kama. Sinilip niya ang laptop nito at kita niya kong gaano kabilis ang mga kamay nito sa pagtitipa sa keyboard. Marami siyang nakita na mga numbers at letters sa screen ng laptop. Sa una ay ipinagsawalang bahala niya na lamang ito pero ganun na lamang ang panlalaki ng mata niya ng pindutin nito ang Enter.

"Woa! How did you hack the CCTV sa kompanya niyo?" manghang tanong niya.

Pero hindi siya sinagot nito. May tinipa ulit ito sa keyboard at maya-maya pa ay nag iba ang nasa screen at ngayon ay pamilyar na sa kanya ang lugar na pinapanood niya. May pinindot ito at nakita niya ngayon ang isang opisina na walang tao. Pero bumukas ang pinto at may pumasok na isang babae.

"Teka!" naningkit ang mata niya habang pinapanood ang ginagawa nito.

Pinagbubuksan nito ang mga drawer sa loob at hinahalungkat ang mga gamit na nandon. Para bang may hinahanap ito.

Mojico Heiress 1: Get Her PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon