When Summer Comes...

126 1 3
                                    

First story ko so far.. Subok lang :)

Chapter 1

"Vier!"

Naputol ang pag mumuni-muni ko sa isang sigaw na iyon. Iginala ko ang aking paningin at nakita ko so Marigold na papalapit sa akin.

"Sabi na eh, nandito ka." Wika nito nang tuluyang makalapit sa akin at ibinagsak ang sarili paupo sa tabi ko sa lilim ng mayabong na puno.

"Eh saan pa ba ako tatambay maliban dito?' sagot ko.

"Kaya nga sabi ko nandito ka diba?" Sagot nito at pinaikot pa ang eyeballs. Tsk. Parang ewan lang. "Wew! Grabe! Ang init init !! Feel na Feel ko ang summer!" Dagdag pa nito habang ipinapaypay ang dalawang kamay sa mukha.

(siiiiiiigh)

Isang mahabang buntong hininga ang aking panakawalan matapos kong marinig ang huling salita na sinabi nito. Yeah. SUMMER. Whatever. >_>

"oh, Vier, ok ka lang? Mai-stroke ka na ba?" Tong babaeng to talaga, andaming napupuna. Panira lagi ng moment!

"Gusto mong ikaw ang strokin ko?!" Singhal ko dito. Masyado ring advance mag isip eh.. Stroke agad? Pambihira.

"Ang hot mo! epekto ba ng summer?" Hirit pa nito.

"Isa pang salita Marigold. Makakakita ka ng bituin kahit tirik ang araw."

"Ang bad mo talaga!" Wika nito saka ako hinampas sa balikat. Wow ha! ako pa ung bad =_=

"Umuwi ka na nga!" sigaw ko dito.

"Ayoko nga! Bakit mo ako pinapauwi?? Gusto ko pang mag-stay dito eh. Nakakarelaks!" wika nito at ipinikit pa ang mga mata. Feel na feel ha."Hmmmmmmmmm... Ang sarap ng simoy ng hangin, Kaya pala gustung gusto mo dito no Vier?" Dagdag pa nito at tumingin sa akin matapos magmulat ng mata.

Di ko sya inimik. Paano naman ako makakapag relaks kung ang kasama ko ay isang makulit na Marigold?? Pero, tulad nga ng sinabi nya, nakakarelaks dito. Ito kasi ung part ng school na maraming nga puno kaya mahangin. May mga damo din sa paligid na masarap higaan. Parang open park ang dating. Pwede ngang pag picnikan eh. Pero dito sa kinauupuan namin ngaun ni Marigold ang pinaka gusto ko. Dito ako madalas tumambay kapag may free time ako. Palibhasa college na kami kaya medyo madaming vacant time. Last day na din namin ngaun for this school year. bali Third year na kami sa pasukan. But the thing is. may Summer class pa kami... (siiiigh) Kailan ba ako tatantanan nitong summer thingy na to ??

"Vier ??" Maya maya'y tawag sa akin ni Marigold

"Oh?" Tinatamad kong sagot sa kanya habang akoy nakapikit at nakasandal sa puno.

"Anong iniisip mo?" Biglang tanong nito

"Madami." Walang emosyong sagot ko.

"Hmm. Kasama ba siya sa mga iniisip mo?" Napamulat ako sa tanong nyang iyon.

"Sinong Siya?" Kunot noong tanong ko.

"Siya. Kung sinong unang pumasok sa isip mo." Nakangiting sagot nito. Anong trip nya?? :/

"Tss." Tanging naisagot ko. Mahirap na. Iba pa man din mag isip ang isang to.

"So, iniisip mo nga sya??" Tudyo nito.

"Alam mo ikaw, panira ka talaga ng moment."

"At ano namang minomoment mo jan, aber?" Taas kilay pang tanong nito. "Oh baka naman ang ibig mong sabahin ay nag eemote ka?? haha may pamoment moment ka pang nalalaman jan. Tara na nga! Uwi na tayo."

"Mauna ka na." Tanggi ko.

"Ha? Hindi ha sasabay sa akin?? Sabi mo sabay tayong uuwi.. ang daya daya mo Vier!" 

"Anong madaya dun?? Sabi ko, mauna ka ng umuwi sa apartment. Hindi ka pa nakakapag ayos ng gamit mo diba?? So, mauna ka na dun. Susunod na lang ako." Actually, nakatira kaming dalawa ni Marigold sa iisang apartment. High school palang, klasmate ko na yan. Kaya meyto sanay na din ako sa ugali nyang ewan. Medyo lang. haha!

"Ahhh. Di mo kasi agad sinasabi. Psh. sige na nga. Mukhang mag eemote ka pa eh. sabagay," at tumayo ito mula sa pag kakaupo at nag unat unat pa "nakakasenti din naman kasi dito. Oh sige na ha, kaibigan. Mauna na ako at mukhang pasan mo na naman ang mundo! hahaha!" Loko talaga to.

"Sige na. alis na."

"di ka naman excited noh??" Tinignan ko lang sya." haha! sige na nga. bye!" Ganyan nga Marigold. Makuha ka sa tingin.

Di ko na sya matanaw mula dito sa kinauupuan ko ngunit...

"Kasama ba sya sa iniisip mo?"

Parang echong paulit ulit sa aking pandinig ang mag katagang iyon.

"Kung sinong unang pumasok sa isip mo."

(siiiigh)

Siya lang naman eh. Siya lang naman ang nasa isip ko nang tanungin ako ni Marigold nung oras na iyon. Siya lang...

Ang lalaking nagpatibok ng mabilis sa aking puso at siya ring pumatay nito sa loob ng maikling panahon.

---

end for Chapter 1. kamusta naman?? hehehe. Thanks For Reading :)

When Summer Comes...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon