Chapter 7: It Doesn't Last

23 1 1
                                    

“Hindi ata kayo lumabas ni Karlm? Himala!” Bungad ni Marigold sa’kin pagkalabas ko sa banyo. Naman! Kay gandang bungad. Hindi ko siya pinansin at dumaretso sa aking kama upang doon ipagpatuloy ang pagpunas sa aking basang buhok gamit ang tuwalya. . Katatapos kong maligo. Sobrang alinsangan ng panahon ngayon. Palibhasa, tag-araw.

 Nandito kami ngayon sa apartment. Sunday ngayon and as usual, hindi kami umuwi. Ilang weeks na lang naman at matatapos na ang summer class namin.

 “Oi, Vier!” Tawag ni Marigold sa’kin. Kasalukuyan siyang nakadapa sa kanyang kama habang ang kanyang dalawang paa’y nakataas at iwinawagayway pa sa ere.

“Bakit?” Tanong ko.

“’di mo pa sinasagot yung tanong ko.”

“Anong tanong?” Patay malisyang tanong ko din.

“Psh.” Gumulong ito sa kama at tumihaya. “Bakit hindi kayo lumabas ni Karlm?” tanong nito habang nakatingin sa kisama. Hindi ba talaga siya titigil? Sa totoo lang, hindi ko din alam. Ni hindi nga nagparamdam the whole day eh. Ayoko naman siyang i-text. Nahihiya ako! Haha!

“Wala. Hindi naman siya nagyaya eh.” Sagot na lang lang. Which is true naman. Pa’no naman siya magyayaya kung hindi nga nag-tetext diba?

“Ay sus! Akala ko pa naman tuluy-tuloy na ang love life mo.” Wika nito habang umiikot ang mga eyeballs.

Simula nung yayain niya ako nung first day ng summer class namin na mag-date DAW, sunud-sunod na ito. Ang minsan ay nasundan pa ng isa. At ng isa pa. At ng isa pa. Hanggang sa two weeks straight kaming lumalabas and I’m really enjoying his company. At first, naiilang akong kasama siya. Nagkakahiyaan. Pero, sa una lang pala yun. Dahil habang tumatagal, nagiging komportable na akong kasama siya. Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito. Imagine, crush ko lang siya dati. Pantasya ko lang siya. Ngayon, halos abot kamay ko na. Sana nga. Dahil habang tumatagal, mas lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya. And I think I’m really falling.

 “Hay nako, bakit mo ba kasi pino-problema ang love life ko? Matulog ka na nga lang! dami mo pang satsat jan.” Sagot ko dito.  Akala ko din tuluy-tuloy na. Pero what happened? Hindi siya nagparamdam ngayong araw. Which is unusual. Dati rati naman, lagi siyang nag-tetext. Madalas nga ding tumawag kahit na wala pang isang oras kaming naghiwalay. Hindi ko rin naman maiwasang magduda minsan. Pero wala naman akong nakikitang dahilan na dapat kong pagdudahan. Paranoid lang talaga siguro ako. Hay. Baka naman may importante lang siyang inasikaso.

“Talagang matutulog na ako! Eh ikaw, hindi ka pa ba matutulog?” Tanong nito at kinumutan ang kalahati ng kanyang katawan. Abnormal! Ang init init na nga nagkukumot pa.

“Hindi pa ako inaantok. Mag-rereview na lang muna siguro ako.” Wika ko dito na ikinabangon niya.

“Whaaaaaaaaat??” Sigaw nito. Ang O.A niya. “Mag-rereview ka? May quiz ba bukas?” Tanong niya pa.

“Wala.” Sagot ko at pumunta sa study table na katabi lang ng kama ko.

“Wala naman pala eh. Bakit ka mag-rereview?” Tanong nito at muling bumalik sa pagkakahiga.

“Masama ba? FYI, malapit na exam.” Sagot ko.

“Duh? May one week pa para mag-review. Excited much?”

“Whatever.” Sagot ko na lang dito. I don’t wanna argue with her. Nakakaubos ng energy.

“Ang sabihin mo, di ka makatulog kasi iniisip mo siya. Palusot ka pa eh.” Hindi talaga siya titigil sa pang-aasar sakin  noh?

“Pwede ba, Marigold. Stop it. Go to sleep!” Wika ko dito tsaka binato ng nilamukos na papel. Ang bruha, tinawanan lang ako.

“Aye, aye captain! Goodnight! Dream of Karlm- ouch!” Binato ko siya nang hawak kong pantasa. “Sadista!” Dagdag pa nito at nagtalukbong na. Tsk. Tsk. She’s hopeless.

When Summer Comes...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon