Chapter 2: Unknown Sender

42 1 1
                                    

Chapter 2

(Phone Ringing)

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone na nakapatong sa aking study table. Pupungas pungas kong kinuha iyon at tuluyang nagising ang aking diwa ng makita kong galing sa UNKNOWN SENDER ang text na iyon. Tss. Istorbo! Pare-pareho lang naman ang mga text nya. Puro "Hi!". At dahil nga sa unknown sender iyon, hindi ko na lang pinansin. Hindi ko ugaling makipagtext sa taong hindi ko kilala. At tsaka, magpapakilala naman siguro yun kung talagang gusto niya kahit hindi ko replayan diba ?? At dahil nga sa istorbo itong sender na ito, nabitin ang tulog ko. Naputol pa ang aking magandang panaginip! Oo, nanaginip ako. Napanaginipan ko ung kaklase ko na crush ko. Bakit, nananaginip naman tayo kahit hapon na diba ?? Kahit anong oras pa yan basta natulog ka, mananaginip ka talaga hindi nga lang tayo aware minsan. Hindi nga din natin matandaan ung mag napanaginipan natin diba ?? ok. Ang daldal ko na. Istorbo kasing talaga itong unknown sender na ito. At dahil sa kanya, hindi na ako makatulog ulit! >.< Lumabas na lang ako sa aking kwarto at nadatnan ko ang aking mga magulang sa living room na nanonood  kasama ang epal kong kuya. Himala! Dapat ay nasa basketball court palang ito kapag ganitong oras eh. Alas tres palang ng hapon. And if i'm not mistaken, alasingko ng hapon ang uwi nito. Baka natalo sa pustahan ?? ~_^

"Oh, gising na ang prinsesa." Bungad ni kuya paglapit ko. Tinignan ko lang siya na masama at umupo sa tabi niya.

"Sungit! Binangungot ka ba Raigne ?" Tanong nito at sinabayan ng tawa!! Isa pa to eh! Panira din ng mood!! >_<! Obvious na nga na hindi maganda ang gising ko mang aasar pa ?? I just ignored him.

"Oh, mukhang hindi nga maganda ang gising mo ah." Stating the obvious. Tss. Epal kasi ung sender na yun eh! Istorbo ng tulog! Na cut din tuloy yung panaginip ko sa crush ko. *pout* Wala naman talagang nagtetext sa phone ko except of course sa mga kaibigan ko, sa family members and relatives namin. At syempre, dahil nga sa ayokong may nagtetext sa akin, sinasabihan ko, lalo na ung mag kaibgan ko na kung wala din lang naman silang importanteng sasabihin sa akin ay huwag na silang magtext. Nakakairita naman kasi ung papadaanan ka ng Gm nila na wala namang kinalamansayo diba?? Tapos Kakornihan lang naman nila ung laman ng mga GM nila. Like kung anong ginawa nila the whole day. Kung saan sila galing. Kung anong music ang pinapakinggan nila. At kung anu-ano pa! Meron pa ung nakikipag-away sa Gm! Who cares diba?? Hindi na lang nila solohin! Mandadamay pa ng iba!

"Kuya, may pinagbagyan ka ng no. ko?" I suddenly asked kuya Sky.

"Ha?? Kanino naman?? Yang no, mo, ibibigay ko? haha! Takot ko na lang sayo." See? Pati sa kuyya ko alam nyang ayoko ng napa-public ang no. ko? Kumuha na lang din ako nung popcorn na kinakain nila at nakipanood na din. Haaaay! Boring talaga! Maya maya pa, naramdaman ko na lang ang sunud sunod na vibration mula sa aking bulsa. It's my phone. Instead of ringing OUT LOUD, pinalitan ko na lang ito into vibration. Mahirap na. Mehehe. Mamaya, may magtext na naman eh. Bakasyon pa man din. >_<!

Halos magdikit na ang mga kilay ko ng makita ko ung sender. Sino pa nga ba?? Sunud-sunod pa! Walang katapusang "Hi!" Anu to, batian portion?? Ineexpect niya ba na magrereply ako ng "Hello"? Ha! Asa sya! Baka nanti-trip lang ito. Walang magawa sa buhay! Pero, dahil nga wala naman akong magawa sa ngayon at boring naman ang pinapanood nila sa TV, sasakyan ko na lang ang trip nya! haha!

Composed message

Hello!

Sending Message...

.

.

.

.

'

'

Bakit ang tagal?? I keep on waiting my message to be sent pero, anyare?? Bakit ayaw?? May signal naman? Sira kaya ang network?? Anubayan! Ngayon na nga lang ako magtetext eh (" _ _)

When Summer Comes...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon