Chapter 4: Pieces of Advice

41 1 1
                                    

"Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!! MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" Matapos kong basahin ang text na iyon ni Karlm, hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw ng malakas. Na pati yata kapit-bahay namin, narinig iyon.

"What happened, baby??" Nag-aalalang tanong ni mama. Hindi ko napansin ang pagdating niya. Pati mga kaibigan ko, si papa't kuya, nandito na din pala. Hot seat na naman ako nito. >:

"Eh. Wala 'ma. Hehe." Pag-tatanggi ko.

"Sisigaw ka ba ng wala lang?" Sabat ni kuya. Kung bakit ba kasi ako sumigaw eh. Wala akong kawala dito sa kuya kong 'to. Masyadong malakas ang radar.

"Wala nga! Nagulat lang ako. May... may nakita kasi akong d-daga. Oo. Yun. May daga kanina dito sa kwarto ko." Pag-dadahilan ko. Sana naman, maniwala sila.

"Kailan nag-karooon ng daga dito??" Nagdududang tanong ni kuya.

"Kanina!" Sigaw ko.

"Kailangang sumigaw??"

"Eh kasi, hindi kayo naniniwala eh!" Sagot ko.

"Wala naman kaming sinabi na hindi kami naniniwala ah?? Raigne, masyadong defensive.Napag-hahalataan ka eh."

Eh 'd siya na. Kahit kailan talaga~

"Come on, baby. Tell me. Anong nangyari??" Kalmadong tanong ni Mama at umupo sa side ng kama ko. And the rest? Naghihintay lang ng sasabihin ko.

Sasabihin ko ba??. Eh. Parang kanina lang pinag-uusapan namin yung tungkol dito. Tapos, biglang sasabihin ko na manliligaw daw sa akin si Karlm??

Nakakatawa lang.

Nagdilang anghel ang mga bruha.

Pero,papayagan ko ba?? Hindi ba masyadong mabilis?? Tsaka, against ako sa ganito! Yung mag-sasabi ka ng feelings mo over the phone? That was ridiculous! Gusto ko yung personal. Yung face to face kayo.

Hindi ko rin magawang sabihin kay mama yung totoo. Lalo pa't nandito si papa. Baka magalit sila ( _ _ )

"Ano, mag-tititigan na lang tayo??" Napaka-impatient talaga ni kuya kahit kailan!

"Oo!" Sagot ko. Napa 'tsk' nalang ito then he stormed out of my room after dragging my door. >_< Sira ulo.

"So?" Wika ni papa na nakasandal sa wall at naka cross arms pa. Mahahalata mo dito na seryoso talaga siya. Waaaaaaaaah! Natatakot ako! Bakit pa kasi ako sumigaw eh..

"Eh... Ano po... Kasi ano... uhmmm." Geez! Hindi ko alam kung pa'no umpisahan

"Relax, baby." Wika ni mama habang hinahagod ako sa likod.

*Siiiiiiggghhhhh*

I heaved out a deep sigh. Ok. Sasabihin ko na.

"Eh kasi ma, pa, man..." Ang hirap naman nitoooo! Perstaym!

"Man??" Tanong nung mga kaibgan ko. Ano kayang magiging reaksyon nila kapag narinig nila 'tong sasabihin ko?? Waaaaah!

"Man-manli-manlilig-g-gaw daw p-po y-yung cl-classm-mate ko po." Pautal-utal na wika ko.

"OMO! Talaga?" Masayang tanong ni Bianca at Yhunna. Buti naintindihan nila?

"Yun lang?" Tanong ni papa. Sa tono ng boses at sa ekspresyon ng mukha niya, hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

"Opo, pa." Kiming sagot ko.

"Ok." Yun lang ang sagot niya at lumabas na nang kwarto ko na siya namang pasok ni kuya. ?_? Anong ginagawa nito dito??

"Yung classmate na tinutukoy mo, si Karlm ba yun??" Agad na tanong nito. Minsan, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko ng 'kuya ko ba talaga 'to??' Dinaig pa si papa kung mang-interrogate eh ~_~

When Summer Comes...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon