CHAPTER 5: A Friend or a Foe?

49 4 0
                                    

            CHAPTER 5: A Friend or a Foe?

          Angelo’s POV

          “Akin na nga yan! Gusto kong kumain ng Ice Cream.” Pilit kinukuha ni Amy  mula sa akin ang isang pint ng Ice Cream. Parehong paborito namin ang Vanilla. Wag na kayong magtaka. Kambal talaga kami.

          Pero di sa lahat ng oras e, pareho kami ng mga gusto. Si Amy, organized person yan. Ayaw nya ng kalat. As in. Maarte yan at mitikulusa. Tsss.

          Ako naman, uhm, di naman sa burara ako. Nag-aarange din naman ako. Especially, sa kwarto ko. Once a week.

.

.

.

.

 I mean every other week.

.

.

.

.

 Mali, last month yata yung last time na naglinis ako ng kwarto ko.

.

.

.

.

 Never? *Shrugs*

          “Oh sige, saiyo na ang ice cream ko.” Binigay ko sa kanya ang pint ng ice cream at kinain naman ito ni Amy agad-agad.

          Nasa bahay lang kami ni Amy since Saturday ngayon. Libre ‘tong araw na ito. Nanunuod kami ni Amy ng Captain Phillips since pareho naming di napanuod ang movie na ito. Tsaka, kami lang dalawa ng kambal ko ang narito kasi nasa kompanya sila Mama at Papa. Nandun naman si Manang Emma sa market tapos ang dalawang maid ay pumunta sa farm. Yun ang utos nila Lolo e.

 Mga 1:00PM pa naman sabi ni Mr. Wall Clock kaya okay lang kung manuod kami ng kahit anong pelikula. Amin ‘tong bahy na ito di ba?

          “Pagkatapos nito Gelo, next natin na panunuorin ay Quarantine. Magandang horror movie daw ‘to.” Suggest ni Amy.

          “Ok. Walang problema.” Kinuha ko ang popcorn na nasa lamesa at ipinatong ang paa ko sa ibabaw nito nang biglang nagRing phone ko.

          **I should have brought you flowers.. And held your hand---**

May tumatawag pala. Sino kaya ‘to?

          “Akin na!!” kinuha ni Amy ang phone ko na nasa tabi ko.

          “Sige, ikaw na ang sumagot para sakin.” Sagot ko sa kanya.

Nadatnan ko na lamang si Amy na nanlaki ang mga mata. Medyo namula rin ang kanyang mga pisngi at parang di makapaniwala sa nakikita niya.

Bakit parang nakakita siya ng isang artista? Anong meron?

          “Hoy.” Tawag ko sa kanya, “Anong problema?”

          “W-wala.” Sabay bigay ng phone sakin, “T-tumatawag si R-rhandonn.”

Kinuha ko ang phone ko mula sa kanya, “Ano kaya ang problema ng gagong ito?”

          Answer Call

The Crossdressers: A Twin's Story of MischiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon