CHAPTER 8: CROSSDRESS

82 4 2
                                    

CHAPTER 8: CROSSDRESS

          Angelo’s POV

“NO! I’ll never do it!” sigaw ko kay Amy, “Pagsisinungaling yan at alam mo na ayaw na ayaw ko ang mga sinungaling.”

“It’s just for One Day. Tsaka, magpapalit lang tayo ng gender.”

“Anong gusto mong sabihin ko? Ha? Na Ok lang na magsusuot ako ng pambabaeng damit? Tsaka, Amy, magtataka sila. Bobo ang hindi makakapansin na nagpalit tayo.”

“Sige na Gelo. Kung alam mo lang ang mga Death Notes na binibigay ng mga babaeng may gusto kay Charles, maiintindihan mo ako.” tapos, nagPuppy Eyes siya. Naku naman oh! Sadyang di ko maisip na ako.. magsusuot ng damit na pambabae. Ano ako? Bakla? Pwsssh! Hindi ako bakla nu.

“Sagutin mo nalang kaya si Charles. Tapos.” Sagot ko sa kanya.

“Charles naman e!” sigaw ni Amy.

“Oh, see? Tinawag mo akong Charles. May gusto ka sa kanya ano?” humanda ka sakin Charles, papatayin kita.

“Yuuuck! Di ah! Nadulas lang ako.” then she shivered, “Nasusuka ako.” tiningnan niya ako, “I just want to know if ok na ba akong pumasok sa school. Gelo naman e. Please. Ngayong Monday lang. First and Last na ito. Minsan lang naman akong manlabing e.” she went near me and hugged me, “Sige na. Please.”

          Oops! Nakalimutan kong sabihin sa inyo kung ba’t napunta ang usapan naming ito sa isang kahindik-hindik na topic.

          Pumasok si Amy sa kwarto ko kanina habang naglalaro ako ng TEKKEN gamit ang PSP ko. Sunday ngayon’t Free Time ko.

(^___^)v

          Nakiusap si Amy na magpalit kami ng katauhan for 1 day. Gusto niyang malaman kung wala na ba ang “CHARLES AND AMY NEWS” sa school. Ewan ko ba. May gusto ba talaga si Charles sa kambal ko? Humanda yang lalaking yan sakin. Dahil sa kanya, nanglalambing kambal ko para magpalit kami ng katauhan. Akala nyo ba nakakatawa ang maging babae?

“Payag na ba si Angelo?” tanong ni Amy sakin.

“Amy, baka may mapahamak sating dalawa.” I sighed, “Amy..”

Lumuha ang mga mata nito, “Amy.. wag ka ngang umiyak.” Sabi ko, ayoko kong makitang umiiyak ang kambal ko.. eversince nangyari yun, ayoko nang makita siyang umiyak. Ayoko na.

“Minsan lang naman akong humingi ng favour e.” then she cried out loud. Yeap, umiiyak siya na parang isang bata. Pero, wag ka, cute umiyak ang kambal ko, kaya ngayon, di ko na siya matiis..

Niyakap ko siya, “O sige na, tahan na. Pasalamat ka’t di kita matiis.”

Kumawala siya sa yakap ko at pinunasan ang mga luha niya, tiningnan niya ako, “T-talaga?”

Alam nyo, para akong nakaharap sa salamin everytime kaharap ko ang kambal ko, Yun nga lang, mataas buhok niya.

“Oo nga sabi e.” Tumayo ako, “So, anong una kong gagawin?”

Tumawa siya ng mahina, “MagCroCrossdress tayo!”

“Ano nga yan?”

“Ganito..” she grabbed my hand at tumakbo papuntang kwarto niya na across lang ng kwarto ko. Pumasok kami sa kwarto ni Amy. Habang binubuksan niya ang built-in closet niya, umupo ako sa kama at hinintay kung ano ang gagawin ng babaeng ito sakin. Hala ha, baka iba na ang iniisip nyo.. di po ‘to *ncest. Ok? Chill. Close po kami ng kambal ko.. Ok? Ok~

Ipinatong niya ang mga damit niya sa kama at ang extensions niya. Teka.. bakit may bra?

“You’ll wear this! And since, it’s already 9:30 in the evening; we should get ourselves ready for tomorrow.” Paliwanang niya sakin.

“Ok, so, dapat na tayong maghanda para sa school bukas.”

“Uhm, Gelo, di papasok si Amy bukas.”

Nagtaka ako, “A-ano? Anong ibig mong sabihin?”

“May sakit ako.. este.. ikaw.. Aish! Basta. Yun na. May sakit ka kaya, dapat nandito ka lang sa bahay. Para di tayo mabuking.” Paliwanag niya.. ulit.

“Do tell me, pano mo ako napa’OO sa bulok mong Idea?”

“Because you Love me, that’s why brother.” Then she winked.

I sighed, “Ikaw.. Naku~ Ay, ewan.”

Tumawa lang si Amy, “Hubad.” She commanded.

“HOY! ANONG SABI MO? BA’T AKO MAGHUHUBAD?”  teka, medyo naggalit na ako ah.

“Kasi po, Kuya.. ipapasuot ko saiyo ang Bra ko.”

Wait, sinabi ba niyang Kuya? Tinawag ba nya akong Kuya? WOW~ Ang sarap sa feeling.

“*Clears Throat* Ako nalang ang gagawa niyan. P-para di awkward.” I need to admit, kahit kambal kami, dapat may Privacy kami mula sa isa’t-isa.

“Ok,  pero, ngayon, dapat sigurong ilagay muna natin ang hair extension mo.”

Ayon, ewan ko kung ano na ang ginawa ni Amy sa buhok ko. Basta, all I know is, I have a Long, Black, Shiiny hair.

“Yan, ang ganda ng kambal ko!” she pinched my cheeks when I showed her my fist,

“Sige ka, baka di ko mapigilan sarili ko.” Sagot ko sa kanya.

“Ito naman, di na mabiro.”

“Teka, Amy, anong gagawin mo sa buhok mo?” natanong ko lang naman. Ayokong pumasok si Angelo na may mahabang buhok. Baka maging ANGELA ang ANGELO pagbalik ko sa school.

“MagBo-Bonnet ako. Para mas Cool akong tingnan!” sagot nito.

“Ow-kay… Sige, sabihin mo nga, Anong gagawin ko ditto sa bahay bukas?”

“Play your damn PSP.”

“Ok, yun lang?”

“Oo. Tsaka, you’ll just rest then play, then eat. You also need to act here.. remember, ang alam nila Manang Emma ay ako si Angelo at ikaw si Amy.”

“Opo. Sige na. Pwede na ba akong matulog?” tanong ko sa kanya.

“OO.” Sagot nito.

I lie down on her bed at aakmang matutulog na sana nung kinurot niya ang puwet  ko.

“ARAAAAAAAAAAAAAAAAY~” sigaw ko, “Anong problema mo?”

“MATULOG KA MUNA SA KWARTO MO!” sigaw nito.

“Ok. Ok. Chill.” Tumayo ako at umalis sa kwarto ni Amy, “GOOD NIGHT DOGGY.”

Then she threw a pillow at me before I close the door.

Alam nyo? Medyo weird talaga itong nararamdaman ko. Na para bang may nagsasabi sakin na hindi ko dapat gawin ang gusto ni Amy. Na, na.. Ahh~ Ewan. Bahala na si Batman.

|To Be Continued|

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Crossdressers: A Twin's Story of MischiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon