Chapter 3 - She is my girlfriend

30 1 0
                                    

"You know how to cook? " Jm.

"Yes sir." Lucia.

"Alright.  My place then." Jm.

"Ho? E sir ano bang lulutuin? Kasi diba may pasok pa tayo." Pagtataka ni Lucia.

"Ako ang boss dito,  hawak ko ang oras ko. " Jm.

"Ganun? Pwede din palang cook ang Secretary? " Lucia.

"Ano ba ang dami mong tanong." Jm.

"Nako sabi ko nga tara na sir eh." Lucia. At nauna pa ngang lumabas ng opisina,  naiiling na lang si Jm habang sumunod na ring lumabas dito.

Nang makarating sila sa condo ni Jm agad namang nagluto si Lucia ng kung anong pwedeng iluto sa stock na pagkain ni Jm.

"Lunch is ready!!" Masayang binalita ni Lucia sa kanyang boss.

"What's for lunch?" Tanong ni Jm habang nagpupunas ng basang buhok, naisipan kasi nito na magshower muli dahil masakit pa rin ang ulo nito,  nawala na rin naman ang mugto ng mata nito kaya di na nagabala pa na mag shades kasi malamang mas lalo lamang ito pagtawanan ng dalaga.

"Ah sir,  tinola po,  kaso sayote na lang yung nilagay kong gulay wala naman po kasing papaya eh." Tumangu-tango naman si Jm at naupo habang nagaahin si Lucia.

"Gulay ba ang papaya?" Jm.

"Ha? Ah eh oo yata?" Parang naguguluhang sagot ni Jm.

"Hahahahahaha!! Prutas yon!" Jm. Nabigla naman si Lucia ngayon lang nya nakitang tumawa ng wagas ang binata,  ang guapo pala nito. Ngumuso naman sya ng marealize nyang nagoyo sya ng prinsepeng pogi sa harap nya.

"Kumain ka na nga! Grabe." Lucia.

"Hahahahahahaha!!! Tanga mo lang." Jm.

"Aba sir!  Sumosobra ka na pinagtatawanan mo na nga ako tinawag mo pa kong tanga!" Lucia. Pero nahahawa na rin sya sa galak ng tawa ni Jm.

"Hahahahaha eh kasi,  hahahaha"  Jm.  Bigla naman silang napatigil ng may nag salita.

"Nakakaistorbo ba ko?" May pait sa tinig ng bagong dating. Nagtangis ang panga ni Jm pagkakita kay Sam. Hindi naman nakawala sa paningin iyon ni Lucia.

"Sam.." Jm.

"Mukang nagkakasiyahan kayo dito,  hi!  Im Samantha!" Naglahad naman si Sam kay Lucia, " and you are?"

"Lucia po." Inabot naman ni Lucia ang kamay ni Samantha.

"Oh,  hi Lucia." Sabay ngiti ni Sam. "Wow,  tamang tama pwede ba makisabay,  gutom na rin ako eh"

"Ah,  kukuha lang akong plato." Sabay tayo ni Lucia at nagpunta sa may lagayan  ng plato.

"Sino sya? What is she doing here? Sya ba nagluto nito? At kelan ka pa nagpapasok ng ibang babae dito ha Jun?" May halong pait sa tinig ni Samantha.

Hindi pa nakakasagot Si Jm ay nakabalik na si Lucia.

"Eto na po Ms.  Samantha." Inilapag iyon ni Lucia sa may tapat ni Samantha.

"Wow,  tinola,  ikaw nagluto?" Sam.

"Ahm oo eh" nahihiyang sambit ni Lucia.

"Mukang masarap,  kanina pa hindi nagsasalita si JM eh." Sabay tingin ng dalawa sa patuloy lang na kumakain  na si Jm.  Naguguluhan man ay sumubo na rin si Lucia. "So Lucia,  ano mo pala si Jm?"

Napaangat naman ng ulo si Lucia akmang magsasalita na ito ngunit naunahan sya ni Jm pero patuloy pa rin ang pagsubo.

"Girlfriend." Agad namang nasamid sa gulat si Lucia inabutan naman ito ng tubig ni Jm at hinagod ang likod. "Okay ka lang babe?" Mapait na napatingin si Sam sa nakikita nya.

A LOVE STORY (STORY TO BE TOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon