CHAPTER 11- Habang buhay.

20 1 0
                                    

Unedited po ito. Goodluck. Play  mo ung media para feel na feel.

Kinaumagahan ay nakakasilaw na araw ang bumungad sa pagdilat ng mata ni Jm. Isang magandang umaga ngunit malungkot din, hindi nya alam kung ano ba ang gagawin nya ngayong weekend, siguradong hindi pwede ang dalawa dahil tulad ng kinagawian ang kaniyang mga kaibigan pagkaganong inuman siguradong may babaeng umagahan, baka nga hanggang hapunan.

Hindi rin naman pwedeng si Maria dahil siguradong mahihiya yon sakanya. Naisip nya bigla si Aubrey, pero baka hindi pa ito okay, dahil hindi naman sya nito tinatawagan pa o kahit ifriend man lang sa facebook ulit.

Noon sa ganitong pagkakataon, pinupuntahan nya lang si Sam sa apartment nito at makikipagasaran, noong magkaibigan pa lang sila, naisip nya, ano kaya kung hindi nya na lang ni let out ung nararamdaman nya, ano kayang mangyayari? Pero imposible eh, baka mas panghinayangan nya sa bandang huli.

"Sam, baby, i miss you." Bulong ng binata habang nakatitig sa litrato ni Sam sa kanyang wallet na kanyang  katulugan na kagabi. "Nakakainis, hindi ka parin ba uuwi? Matigas ka pa rin ba? Oh mas pinili mong ayusin na lang ang sainyo ni Rico? Bakit hindi na lang kasi ako, ibibigay ko naman ang buong loyalty ko sayo. Tignan mo nga, kahit hindi na tayo, loyal pa rin ako sayo." Napabunton hininga na lamang si Jm. "Para na kong tanga. Kelan ba ko matatauhan? Kailangan ko na ba makipaglandian sa iba? Tsss. Ni ang tumingin nga hindi mo kaya Jun, ang lumandi pa kaya?" Galit nitong sabi sa kanyang sarili.

Matagal nang nakadeactivate ang account nya sa facebook, ngunit ngayon ay naisipan nyang buksan dahil na rin sa inip.

SAM POSTED

"Ang bilis naman makahanap ng iba, akala ko iba ako."

Yan ang bumungad sa kanya.

Pinindot nya ang timeline ng dalaga at tinignan ang mga post. "Active pala sya sa social media" bulong nito.

"I miss my honey. I miss him, and it's killing me inside."

"That should be me. -belieber"

"I hate you."

"Honeeyy..."

Parang nawindang ang sistema ni Jm sa kaniyang mga nabasa.

"Tss. Ano Jun, dahil sa nabasa mo na yan babalik ka na agad? Tandaan mo secret account nya yan!" Sabi nito sa sarili na tila pinagagalitan ang kanyang katangahan.

Nagscroll pa sya at para bang natagpuan ng mga post ni Sam ang kanyang boiling point.

"Fuck, why is she wearing those suit! It's too revealing!" Hindi niya mapigilang manggalaiti. "Damn. She's beautiful."

Naglakas loob magtext si Jm kay Sam ngunit hindi nya alam kung ano ba sasabihin nya, he's missing her damn so much. Naisipan nyang asarin na lamang si Sam.

Samantha, pick one, dadalhin ko ang gamit mo o kukunin mo dito.
-jm

Hindi naman agad nagreply si Sam kaya naisipan ni Jm na maligo at magluto ng anumang kakainin, nagpunta sya sa isang convenience store at bumili ng beer. Bago sya makarating sa kanyang floor ng condo ay may nareceived syang text message ni Sam.

Itapon mo.
-sam

"Aba. Hindi pwede yon!" Nagulat naman ang katabi ni Jm sa elevator. Agad naman syang naupo sa sofa at nagtipa ng mensahe.

Why? Sayang naman, maybe some girls can use this stuffs.
-Jm

Okay. It's not a prob.
-sam.

A LOVE STORY (STORY TO BE TOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon