Chapter 10 - A life without her

28 1 0
                                    

Unedited: kung may maling spelling, wrong grammar tagalog o english, pakicomment nalang po para di mahirap maghanap heheheh. Enjoy. Tagal ko nawala.

"Sir, may meeting po kayo with Mr. Oliver mamayang 2pm and with Ms. Cynthia at 4pm yun na po ang last meeting nyo this week" sabi ni Lucia sa kanyang boss.

"Okay, thanks Maria." Sagot ni Jm sa kanyang sekretarya. "Anyways may party mamaya Birthday ni Jake, sama ka ba?" Nakilala na din kasi ng tropa ni Jm si Lucia dahil na rin sa minsang pag dalaw nito sa kanya at pagsama sama na din ni Lucia sa hangout nilang tatlo.

"Ah Sir san po ba?" Nasanay na din si Jm kay Lucia na pag nasa opisina ay Sir ang tawag nito sa kanya at pag naman sa labas ay Migs.

"Sa isang Bar ni James. Inarkila niya. Ayaw ng formal party ng luko, gusto maraming babae. Gago talaga." Jm.

"Hahaha, okay sige Sir pupunta ko." Lucia.

"Okay sabay na tayo. After ng meeting natin." Jm.

"Eh sir, wala pa kong dalang damit eh. Uuwi na muna ko siguro." Lucia.

"Hmmm.." Tumingin naman si Jm kay lucia at saka sumandal. "Okay. Ill fetch you, just give me a ring" Nalaman na din ni Jm ang  tinutuluyan ni Lucia.

"Ah wag na! Ako na bahala." Lucia.

"Aba, arte. Ikaw na nga makatipid ayaw mo pa hahahaha" Jm.

"Tss. Sige na sir. May gagawin pa ko. Baka magalit na ang boss ko." Lucia.

"Tss. Sira." Jm.

Lumabas na si Lucia at saka itinuloy ni Jm ang kanyang nirereview na proposals.

Kinagabihan ay sinundo pa rin ni Jm si Lucia upang makarating sa party ng kaibigan, hindi gaanoong kaengrande ang selebrasyon, ngunit masasabi mong mayayaman ang mga nagsipunta. Pagdating ni Jm at Maria ay agad naman silang pinagkumpulan ng tukso, na syang ikinatawa lang ni Jm at sya namang ikinapula ni Lucia.

"Ayieee namumula, ano nahuhulog na ba?" Tukso ni Jake kay Lucia.

"Sira, tigilan mo na nga yan pre" Jm.

"Tara na inuman na!" Wika naman ni James.

"Happy birthday pre, oh!" Sabay abot ni Jm ng kanyang regalo.

"Nagabala ka pa, salamat ano ba to?" Excited namang buksan ni James ang kanyang natanggap na regalo, "ay puta, big time ka na talaga salamat"

"Lagi kang late, kaya bagay sayo yan, ng di ka nahuhuli ng mga babae mo hahahahahaha" Jm, relo kasi ang kanuan binigay.

"Oh eto sakin, pasensya na yan lang nakayanan ko." Nahihiyang inabot naman ni Lucia ang kanyang regalo.

"Salamat, mamaya ko na bubuksan." Nahihiyang sabi ni James.

"Oh, eto sakin." Jake.

"Tangina perstaym." Agad naman binuksan ni James an regalo ni Jake. At pinukpok ito sa ulo ni Jake, nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. "Gago, anong gagawin ko sa martilyong tumutunog na to.!"

"Para matauhan ka na! Pukpok mo sayo hindi sakin!" Jake.

"Ikaw gago ka!" Sabay habol ni james sa tumakbong si jake.

"Hahahaha ang sweet talaga ng dalawang yan." Lucia kay Jm.

"Oo, parehas salat sa utak, tara don tayo umupo." Jm.

"Sige." Lucia.

Umupo sila sa nahanap na pwesto, agad naman silang dinaluhan ni jake.

"San si James?" Lucia.

A LOVE STORY (STORY TO BE TOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon