chapter 5: 【ZOE ALEXANDRA BOLLENDORF】

133 5 1
                                    

-WAX's POV-

" Ikaw ha indenial kapa" sagot ko habang ngumiti ng nakakaloko.

"Indenial ka dyan, sana yung girlfriend mo nalang yung niyaya mo dito" sabi niya habang nakasimangot.

"Wala nga kong girlfriend" sagot ko.

" Wala daw? Eh sino yung babaeng kasama mo kanina?" sigaw na tanong niya.

"Bakit nagseselos ka?... hahaha...wag kang mag alala pinsan ko yun, ipapakilala nga kita sana eh kaso di mo ako pinansin kanina" sagot ko sakanya.

"AHHHH...kaya pala.... Sige na nga papayag nako" sabi niya.

"Yess..." sabi ko.

"Hep..hep...basta sa 2 kundisyon" sabi niya.

"Ano yun?"

"Wag mo akong aakbayan at magbabato bato - pick tayo , kapag ako nanalo hindi nanatin bibilhin yung couple shirt pero kapag ikaw yung nanalo bibilhin natin yun at susuotin...deal?" tanong niya.

"Deal" sabi ko. Akala niya ha..

"bato bato pick?"

Siya - papel

Ako - gunting

Yeah...nice one...

"So paano ba yan, kunin mo na yung couple shirt at babayaran ko na sa counter" sabi ko.

Binayaran ko na nga sa counter at nakalabas nakami ng shop. Tumingin siya sa kanyang watch at cellphone. Tapos tumingin siya sa paligid.

"1pm na pala umuwi na tayo" sabi niya.

[[[ SKYE SUBDIVISION ]]]

"Hatid nakita sa bahay nyo" offer ko.

"Ahhh...wag na" sabi niya.

"Ammm...sige" sabi ko. Kasi parang nagmamadali siya.

"Bye , kita nalang tayo bukas" sabi niya. At tsaka umalis.

[[[ SA BAHAY ]]]

"Ma umiiyak na naman kayo?" sabi ko kay mama. Pero di siya umimik. Tignan ko siya ulit nakatulog napala siya.

Hayaan nyo ma, maipaghihiganti ko na kayo. Makakaganti din tayo sa kanila. Hinihiling ko lang talaga na sana makapasok ako sa 'THE SEARCH FOR A PRINCE' para maituloy ko na yung plano ko.

Pumunta nako sa kwarto ko. Naaawa ako kay mama. Sabi kasi ni papa Sumali daw si mama sa 'THE SEARCH FOR A PRINCESS' bago sila nagkakilala , nung dalawa nalang silang natira na pagpipiliian ng prinsipe hindi siya yung napili kaya dinamdam niya yun. Hanggang sa inarrange marriage sina mama at papa. Sabi ni papa nung ipinagbubuntis daw ako ni mama bigla niyang nakalimutan yung nangyari pero nung naging tatlong taong gulang nako bigla nanaman niyang naalala , at palagi siyang umiinom ng alak at umiiyak. Wala na nga siyang paki alam sakin kung uuwi bako sa bahay o hindi. Si papa naman busy sa trabaho at pinapadalhan lang kami ng pera ni mama.

Kaya nga kinamumuhian ko yung Reyna at prinsesa ng aming kaharian. Nang dahil kasi sakanila naging ganon si mama.

-SOOKIE's POV-

Binuksan ko na yung pintuan ng bahay ko at pinindot yung switch ng ilaw....

"surprise" sigaw ni Zoe at mama. Lumapit ako kay Zoe at hinug siya.

"Teka bakit ka naka couple shirt?" tanong ni Zoe.

"Ahhh...eto ba? si Spongebob kasi eh ay este si Joanna habang umiinom ako kanina ng Zagu kinuha niya at tinapunan yung damit ko" sagot ko.

The search for a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon