chapter one: 【crying】

246 13 4
                                    

- FEI's POV-

"hu..hu...hu...hu..hu.."nandito ako ngayon sa rooftop ng school namin umiiyak. (sorry hindi kasi ako marunung maglagay ng sound effects =__= pagpasensyahan nyo na)

"SANA DI NALANG KITA NAKILALA!! sana hindi kanalang dumating sa buhay ko!! EH DI SANA MASAYA AKO NGAYON!!..hu...hu...hu..hu..." 

sigaw ko. Letseng prinsipe nayun may 'mahal kita, honesto promise' pang nalalaman pero sa huli pala iiwan nya lang din naman ako, at sasama sa iba.

"Miss panyo o baka mamaya basa na yang damit mo, kakapahid mo dyan sa luha at sipon mo" nagulat ako ng may biglang nagsabi nun saakin..ah oo nga pala wala nga pala akong panyo..hehehe nakakahiya.>__<....kinuha ko yung panyo at nagsabi ng thank you. Maya maya pa'y nagsalita siya.

"Miss wag mong sayangin yung luha mo ,ang mahal kaya ngayon ng ice water tig dalawang piso na"sabi niya. Tumawa naman ako ng mahina pero ang corny nang joke niya ha.

"Ang dami naman dyang iba bakit kapa nagmumukmuk dito at umiiyak nang dahil lang sakanya?" tanong niya.

"Eh ano naman kung maraming iba? ang tanong mahal ko ba sila?"sagot ko.

"Hindi mo nga sila mahal pero ang tanong mahal kapa ba ng mahal mo?" tanong niya. At dun sa tanong nayun parang may namumuo nanamang luha sa mata ko.

"O ...mi..miss wag kang iiyak ..wag kang iiyak..shit i hate it when i see girls crying" sabi niya na nakakuha ng atensyon ko.

Tinignan ko siya habang tumutulo ang luha ko habang siya naman tarantang taranta. 

"Siguro ang swerte ng girlfriend mo ?" biglang sabi ko.

Pinahiran niya ang luha ko gamit ang kanyang kamay at sinabing " Wala akong girlfriend at kung magkakaroon man ako siguradong hinding hindi siya iiyak sa piling ko, hindi ko man maipapangakong hindi ko sya masasaktan pero gagawin ko ang lahat para mapasaya siya" sagot niya. Sana pala nakakita ako ng lalaking kagaya mo para hindi ako nasasaktan ngayon. Umupo siya sa tabi ko.

"Alam ko masakit pa yan ngayon pero , hindi lang siya yung taong dadaan at magmamahal sayo" sabi niya at biglang tumayo"sayo na panyo ko pero next time na makikita pa kitang umiiyak yari saakin ang nagpa iyak sayo"sabi niya ulit habang naglalakad papalayo.

"thank you" at yun lang yung tanging naisigaw ko.

[[ SA BAHAY ]]

"Anak sorry di ko alam na ganun pala si Patrick , eh di sana nakinig nalang ako sayo noon"sabi ni mama.

"Hayaan na natin ma nangyari na eh wala na tayong magagawa"sagot ko naman.

"Dahil pumalpak ang plan A plan B tayo" sabi ni mama.

"Ma ano ba yung mga plan A at plan B nayan?" tanong ko.

"Ahhhh...basta...like father like daughter talaga...anak ka talaga ng daddy mo anak" sagot niya. Eh anong konek dun sa tanong ko?

"Ma sige na please" pagmamakaawa ko * insert puppy eyes and pouty lips *

"Sige na nga , ganito kasi yun kaya namin pinayagang manligaw sayo si Patrick at pinilit ka naming sagutin siya at mahalin siya kasi kapag nag work out yung relationship nyung dalawa plano namin sanang ipakasal na kayo, sa pagtungtung nyo sa edad na 19 ,pero ngayong nalaman naming wala na kayo ,bagsak ang plan A kaya switch to plan B..^__^"

"WHAT!!?? are you crazy mom iaarrange marriage nyo kami sana?...arrgh... at ano naman yung plan B mom?" tanong ko kay mom

"Yung plan B ay?"

"Ay?"

"Yun yung exciting at interesting na part. Sige mauna nako sa palasyo bye^_______^"sabi niya at tumakbo palabas. Ano akala niya hahahabulin ko siya? hehe neknek niya..para siyang bata ...ang weird talaga ni mama.

Makapagshower na nga lang.

Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Sookie Fei Lee. Isa akong prinsesa pero dito ako nakatira sa biniling bahay ni mama. I'm 17 years old. Grade 11 nako sa Vintage High, may k+12 po kasi dun. Love kung magbasa ng magbasa. I Love  k pop songs and group, lalo nayung EXO, pakshet kapag may nag agaw kay sehun ko patay talaga siya sakin.

Tapos nakong magshower at magbihis. Matutulog na nga lang ako ayaw kung kumain wala akong gana. °0° *yawn*

________________________________________

A.n.

Nagustuhan nyo ba ang chapter 1? comment yes if nagustuhan nyu and don't forget to vote....

The search for a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon