chapter 7: 【WAX vs. RED】

131 8 4
                                    

—SOOKIE's POV—

Maaga akong pumasok sa school mga 7am. Dumiretso ako sa guardhouse sa tabi ng gate kasi doon kumukuha ng form para sa Search. Kumuha ako ng dalawa. Sana hindi na absent si Wax para maibigay ko to sakanya.

"Sook! Sookie" sigaw ng isang babae sa likod ko. Patay si Zoe naabutan niya ko. Kaya ko nga siya iniwan para makakuha ng form ng di niya alam.

"Sook bakit mo naman ako iniwan?" tanong niya.

"Ah..eh...ang tagal mo kasi eh" sagot ko.

"Teka ano yang nasa kamay mo patingin nga" sabi niya at hinablot yung form.

"Para kanino bato? kay Red o kay Wax?" tanong niya.

"Ahh...eh..para kay  Wa ay hindi pala para sakin yan" sagot ko sabay hablot ko ng form.

"Para sayo? Kahit kailan talaga ang tanga mong magpalusot! hello? lalaki lang kaya yung pwedeng sumali dito" sigaw niya.

"Ah sabi ko nga" sagot ko.

"Pero alam mo Sook boto ako kay Red kasi simula pa nung bata tayo kilala na natin siya, diba crush mo pa sya nun...ayieee  crush niya si Red" panunukso niya.

"Matagal nayun mga bata pa tayo nun eh" angal ko. Habang papunta na kami sa classroom.

"Pero alam mo mas gusto ko si Wax para sayo. Ang bait niya kasi at nakakakilig siya" sabi niya. Ha? kanina sabi niya boto siya kay Red ngayon naman kay Wax. Siguro may sakit na sa pag iisip tong pinsan ko.

"Ha? paano mo naman nasabi yan? Ni hindi mo panga siya na memeet" sabi ko.

"Naalala mo nung nagtxt ako sayong umuwi kana? Yung nakasuot ka ng couple shirt? ikaw ha nagsisinungaling ka kay mommy mo" sabi niya.

"Hehehe...paano mo nalaman yun?" tanong ko.

"Syempre nandun ako sa BE mall" sagot niya.

"What? iniistalk mo kami?" sigaw na tanong ko.

"Ummm..kind of , ganito kasi yun nung time kasi nayun maaga akong pumunta dito sa school mo kasi mag tataransfer ako, tapos nakita ko yung away nyo ni Joanna, tapos narinig kong niyaya ka ni Wax, tapos sinundan ko kayo sa mall at tapos nauna akong umuwi sa bahay nyu at tinawagan si tita na isurprise ka at tinext kita" pag-eexplain niya.

*blink, blink* " Wag mong sabihing alam nato ni mama?" tanong ko.

"Kind of" sagot niya.

"Zoe! sabihin mo yung totoo alam ko kapag nagsisinungaling ka" pagbabanta ko sakanya.

"Fine hindi pa" sabi niya.

Nandito nakami ngayon sa classroom. Nandyan na si Wax di na siya absent. Umupo nako sa upuan ko at tumingin sa watch 7:30am palang pala.

"Wax may sakit kaba kahapon? Bakit absent ka?" nag aalalang tanong ko.

"Bakit namiss mo ba ko?" tanong niya. Bigla naman akong namula.

"Ok lang wag ka nang mahiya aminin mo na *wink*" sabi niya habang ngiting ngiti , at nagwink pa.

*pak* pinektusan ko nga hinahangin eh.

"Aray naman may sinat pa ko eh" sabi niya.

"Ay sorry" sabi ko.

"Ewan ko sayo" sagot niya habang nakasimangot.

"Uyyy..Wax wag naman ganyan o" sabi ko pero di niya ko pinapansin.

"Uyyy Wax" sabi ko uli habang kinakalabit yung uniform niya.

The search for a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon