Chapter One

7 0 0
                                        

Chapter One

Mahigit dalawang taon na kaming mag-on ng iniirog ko. Halos malapit na kami sa sinasabing perpekto na relasyon. Hanggang sa umabot kami sa sitwasyon na hindi namin inaasahang mangyari.

(On call)

“Grace, pwede ba tayong makapag-usap mamaya pagkatapos ng klase mo?” ,pakiusap ni Shin sa akin.

“Oo naman babe, ikaw pa !” ,sagot ko naman ng pabiro.

“Sige babe, maghihintay ako” ,sagot niya sa akin .

“Sige”

(End of call)

Nasa senior high ako at nasa ikalawang taon siya ng kolehiyo. Araw-araw niya akong inahatid sa skwela kasi sabay kami ng oras sa pag pasok, kaya idinadaan nalang niya ako. Sa tanghalian naman ay kinukuha niya ako sa paaralan para sabay kami kumain sa labas, gayundin sa uwian. Alam na ng bawat pamilya namin ang tungkol sa aming relasyon, kaya nga lang hindi sang-ayon ang pamilya ni Shin sa akin. Galing kasi si Shin sa isang maginhawang pamumuhay habang ako ay kabaliktaran.

-

Uwian na ng sinundo ako ni shin sa skwelahan nasa loob pa ako ng silid-aralan ng tumunog ang cellphone ko.

“Hello Babe” ,bati ko agad sa kanyang tawag.

“Saan ka na ba? Andito na ako sa labas, bilis na Grace! ,diritsong tanong niya agad sa akin.

“Opo! Papunta na” ,sagot ko naman sa kanya ng malambing ang tono.

Malayo pa lang ako sa gate ay kitang-kita ko na ang putting sasakyan na Kia Rio na nakaparada sa labas at isang lalaking matipuno ang katawan na naka suot ng plain white shirt, na may leather jacket na itim, naka skinny jeans ito na medyo faded at naka sapatos na itim. Kahit matagal-tagal na kaming magkasama ay hindi parin ako nagsasawa sa kanya.

“Ang pogi mo talaga Shin, hay naku! Kaya ako nahulog sayo eh”, napapangiti nalang ako habang nagbubulong ako sa sarili.

Pumunta kami sa kanilang beach resort na malayo-layo rin sa aming bayan. Sa lugar na yoon kasi kami pumupunta pag may importanting bagay kaming paguusapan. Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan , naghalo na kasi ang kaba at alinlangan ko. Dahil sa pagkaka-alam ko wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya na kailangan talaga doon pa kami pumunta at natatakot rin ako baka hindi kanaisnais ang paguusapan namin.

~ ~ ~

Pagkababa ko sa sasakyan ay tumungo agad ako malapit sa may dagat at umupo sa buhangin, habang abala pa si Shin sa pagpa-park ng kanyang sasakyan. Naghalo-halo na lahat ng ideya ko kung ano ang sasabihin niya sa akin ng bigla siyang dumating. Umupo siya sa likuran ko at niyakap niya ako na nakaharap sa dagat.

“Grace?” ,pa-una niyang sabi.

“Yes?” ,sagot ko naman sa kanya habang nakayoko.

“Hindi ba noon nakapag handle ka nan g isang LDR (long distance relationship)?” ,mas hinigpitan pa niya ang kanyang yakap habang binibitiwan niya ang mga salita.

“Bakit mo ba naitanong babe?” ,huminga muna ako ng malalim bago bumuka ang bibig ko at sinagot ang tanong niya.

“Wala, sige na babe sagutin mo na kasi”,tanong niya ulit sa akin.

“Oo pero noon pa yun eh, teka ano ba paguusapan natin at tila napunta sa usapang LDR?”, kinakabahan na ako sa mga pinagtatanong niya kaya tumayo ako at humarap sa kanya.

“Wag munang epal babe, last na sige na! kakayanin mo kaya pag magkalayo na tayo sa isa’t isa?” ,hinawakan niya ang pisngi ko habang tinatanong nanaman niya ako.

“Ano ba yan babe ha, lakas ng trip mo! Wag kang ganyan, pero kung sakaling mangyayari yan babe siguro mamamatay ako, dahil hindi ko makayanan ang sakit sa dibdib ko.” ,sagot ko naman habang nag iinarte sa harapan niya.

Biglang napa-isip si Shin, “oo nga pala komplikado na ang sakit ni Grace sa puso, siguro wag muna ngayon sa susunod na araw nalang. Hahanap nalang ako ng magandang panahon upang makipag-usap ng masinsinan”

“Hoy Mr. Tsi! Para kang tanga ! kanina pa ako talak ng talak dito, eh wala kanamang sinasagot yun pala hindi ka nakikinig sa akin”

“Sorry na po Ms.Vale ! may iniisip lang po ang tao”

“Sige na babe, ano nga ulit yong sasabihin mo?”

“aaaah yon? Wala babe, wala. Gusto ko lang masolo kita ngayon, miss na kaya kita sobra.”

“Ayan kananaman sa pang bobola mo sa akin eh. Mapapasayaw na naman ang puso ko sa kilig”

Ilang saglit pa ay umalis na rin kami at umuwi nan g diritso. Mag aalas 9:00 na ng gabie kami nakarating sa bahay. Nagpaalam na ako kay Shin at pumasok na ako sa bahay, habang ang mama ko ay kinausap muna si Shin saglit at pumasok na rin ito.

“Grasya lumabas kana sa kwarto mo at kakain na tayo” ,tawag sa akin ni nanay.

“Susunod po ako mamaya inay”

Grasya ang palaging tawag sa akin ng nanay ko, Grace kasi rin ang kahulugan ito kaya lang visayan language ang gamit niya.

Perfect Time for UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon