Chapter 1

2.3K 34 10
                                    

(Christine's POV)

"As you can see..designs weren't that fancy and if you'll base a client with an average  state,surely,they can afford it."-Pagsasalita ko sa harapan habang pinaakita ang nga proposal sa board.

Sinuri naman nilang mabuti ang mga hardcopy na inihanda ko.

"Well Miss Pamintuan..this is very intersting.. Pero papaano ang mga materials na ginamit mo dito?"-Tanong ng matandang puro puti na ang buhok at may katandaan na base sa kurba sa kanyang mukha.

"I can guarantee you that materials that were used here were pliable and low cost."

Nagusap sandali ang mga matatanda na nandon. Tinignan ko ang team ko na nasa gilid at feeeling ko nagrorosaryo na. Haha.

"Okay then.. We like it Miss Pamintuan.. Please give us the final design of your villas. Dismiss."-Tumayo ang nasa pinaka gitna. Sumunod na tumayo ang mga naroon.

Ngumiti ako ng malapad nang magsimula na silang kamayan ako.

"Congratulations. Good job."-Bati ng iba.

"Thank you po. Credits to my team Sir."-Ngisi ko atska magalang na napayuko yuko pa. Hinawi ko ang takas na buhok sa buhok ko.

Nang makalabas na ang lahat..dun ko na nilabas ang tuwa ko.

"Yaaa! Congrats guys!"-bati ko sa mga kasama ko. Tuwang tuwa rin sila dahil sa wakas,naapproved na ang mga designs na pinagpuyatan naming lahat.

"Grabe Miss Christine..akala namin uulitin nanaman natin eh. Sisihin ko talaga tong si Franz pag nagkataon."-Tawa ni Joyce. Ngumisi lang ako habang nililigpit ang laptop na ginamit namin.

"Ano ba kayo..ang mahalaga ngayon,approved na!"-Hiyaw pa ni Xandra.

"Aba celebrate tayo Ma'am"-Batid ni Franz samin. Napangiti ako at tumango.

Pumalakpak sila atska excited na lumabas ng confession room. Huminga ako ng malalim atska masayang sumunod palabas.

"Ma'am san niyo gusto? Sa Inter nalang ba o sa Laveda?"-Tanong nila sakin. Tinutukoy kung saan kami pupunta mamaya para magcelebrate.

"Kayo bahala. Tutal Friday naman ngayon. Itext niyo nalang ako tapos,sunod nalang ako kung saan kayo,ha?"-Nakangiting sambit ko sakanila atska kinuha ang gamit ko.

Dali dali akong bumaba ng building.

"Good day po Ma'am Christine."-Paalam sakin ni Manong Guard. Ngumiti ako atska dumiretso sa basement.

Pinatunog ko na ang sasakyan ko pero bago pa ako makapasok sa loob,tumunog ang cellphone sa bag ko.

Napangiti ako nang mabasa kung kanino ang pangalan ng lumitaw sa screen. Sinagot ko naman.

"Oo na po papunta na.. Miss mo naman ako agad eh."-Ngisi ko atska na pumasok sa loob ng sasakyan.

"Asan ka ba?.. Ganun? Oo na oo na. I'm on my way.. Oo na po.."-Nakangiti kong binaba ang tawag.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako. Anniversary nina Kuya Ace at Ate Trish ngayon. Dumaan ako kanina sa bakery para bumili nang kahit ano para sakanila.

"Hon? ... Hon! Baka si Tin na yan!"-Dinig ko na ang boses ni Ate Trish.

"Wait up!"

Ngumisi ako habang naghihintay sa labas ng pintuan nila. At nang bumukas ito...

"HAPPY ANNIVERSARY!"-Sigaw ko atska siya yinakap. Yinakap naman ako nito pabalik.

"Ang aga mo."-Busangot na sabi nito atska ako pinitik sa ilong. Napaaray ako at hinampas siya ng pabiro.

My Endless Possession (MPB Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon