Chapter 2

1.1K 24 0
                                    

(Christine's POV)

"Tin? Anong ginagawa mo dito?"

Napabalikwas ako mula sa pagkakapikit at hinarap kung saan nanggaling ang boses na yun.

"Hm.. Wala lang Ate Trish.. I was just..looking for fresh air."-Ngiting tipid ko at binaba ang tingin sa pool nila.

Naramdaman ko ang pagtabi niya sakin. I breathed deeply. At ninamnam ang paghampas ng malamig na hangin sa balat ko.

"I heard that you're doing great in your company firm."-Ngiti niya sakin. I smiled back.

"Yes,Ate. I..enjoyed working."-Halakhak ko.

"I'm glad to see you laugh like that Tin. I haven't seen that for the last 3 years ago."-Napatahimik ako. Nawala ng unti ung ngiti sa labi ko. Napayuko ako at sinikap na wag alalahanin kung ano nga ba ang nakaraan.

"Oh.. I'm sorry.. Tin.. I.. Just..-"

"No.. No.. Ate.. I'm okay.. I'm okay."-I faked smile. I can't take it. The tension is killing me slowly.

"Things will turn out well okay? I know you'll be okay.."-Hinagod niya likod ko. I smiled at nagipon na ang tubig sa mga mata ko. Ayaw kong kinakawawaan ako ng ibang tao. I must be tough!

Hindi man ganun kasaya ang buhay ko ngayon,I know soon,matatanggap ko rin ang lahat. Maybe not now.. But yes..soon. Soon..

Napatingin ako sa relos ko at nakitang 5 na pala ng hapon. I must go home.

Pumasok na ako sa loob para magpaalam sakanila pero sobrang tahimik ng kaninang living room.

"Kuya Ace? Ate Trish?"-Pagtawag ko. Dumungaw ako sa kitchen pero wala silang lahat. Even..Steve.

Buti nalang at nagpakita ang isa sa mga katulong nila.

"Manang? Si Kuya Ace po?"

"Ay nasa harap ho ma'am."

Tumango ako at dali daling naglakad palabas. I was about to turn to my left pero may boses akong nadinig.

"Not now okay? Let's go home."

Nanlaki ang mata ko nang makita si Steve na naka fold ang longeeve hanggang siko na nakakunot ang noo at sa likod niya na si Ciarra na pinakilala niya samin kanina. She looks nice. Angelic face and I like her fashion sense.

Oh enough of that. Napakurap kurap ako nang marealize na nakatitig silang pareho sakin. What?! Am I stunned infront of them?! Damn it! Damn it! Damn it!

Tumikhim ako at hindi na nagsalita. Kita ko palang sa mukha ni Steve nang tinitigan niya ako kanina na naaamuse siya dahil natulala ako sa kanilang dalawa! Myghad! Stupidity again Christine Louise!

"Come on Stanley.. Come to Papa..come..come.."-Dinig ko na si Kuya Ace mula sa labas. I pushed the door and bumungad sakin ang masayang pamilya nila.

"Kuya.."-Basag ko sa kasiyahan nila. Lumingon si Kuya Ace sakin atska napansin ko ang paglagpas ng tingin niya sa likod ko.

"I must go. May pupuntahan pa din ako."-Ngiti ko. Tinignan ko si Ate Trish na karga karga si Stanley. Myghad he's so cute!

"You sure? May sasakyan ka? Pahatid na kita? Or gusto mo...sabay ka na kina Steve?"-Ngisi ni Kuya. I glared at him but with a sarcastic smile.

"Don't bother kuya. I have my car with me. So.. Yea.. Happy Anniversary okay? Thank you."-Yinakap na ako ni Kuya at nagbeso na ako kay Ate Trish. Humalik ako kay Stanley at panandaliang pinangggigilan ko pa. He's so adorable!

"Takecare okay? Ingat ka sa pagddrive."-Sabi pa sakin ni Ate Trish. Tumang ako at pinatunog na ang sasakyan ko.

Tumalikod na ako at si Steve pala.. Should I bid them good bye? Or nah? What? God TinTin! Be mature enough!

My Endless Possession (MPB Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon