Chapter 1: The Beginning

181 29 13
                                    

Date Published: February 3, 2017

■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□

*kring!

*kring!

*krrrrrriiiiiinggggg!

"Bwiset naman na alarm clock nato nang iistrobo sa pagtulog." sabi ko sa aking isip eh kasi naman natutulog pa ako tas bigla bigla na lang tumunog ng malakas at isa pa malapit pa sa  tenga ko yung alarm clock.

"Hahahaha para kang baliw kuya hahaha" putek nang tritrip na naman tong kapatid ko.

"Tsk! Tumigil ka nga." Sabi ko sa kanya at pinalabas na kaya yun nag-ayos na ako ng aking kwarto at ginawa ang aking araw-araw na ginagawa syempre ito ang pag eexercise at bumaba na.

Pagkababa ko ay agad ko nakita ang aming mga kasambahay na naglilinis pati ang aming mga hardenero ay naglilinis din sa labas, agad ko nasulobong si Maria ang pinaka maganda at sexing maid namin at alam niyo nasa mid 20 palang ang age niyan ni Maria eh kaso personal maid yan ng kapatid ko tapos ako eto wala kahit na butler lang wala talaga hayss pero ok lang kaya ko naman ang sarili ko eh hahaha!

"Good morning young master!" Bati sakin ni Maria.

"Good morning din" bati ko din sa kanya at tinanong siya kung asan si Mom at si Dad.

"Ahh Maria asan pala sina Dad at Mom?" Tanong ko sa kanya dahil baka nasa business na naman ang mga yun. Hindi naman ako galit kina Mom at Dad kahit na parating wala yun dito sa bahay ay hindi ako galit dun dahil alam kong lahat na ginagawa nila ay para sa ikabubuti namin tsaka close kaya kami lalo na si Dad kasi para na kaming mag bestfriend nun dahil kapag wala siyang pasok sa office eh parati kaming nagbabonding sa paglalaro ng mga games at meron pala sinabi sakin si Dad na sikat daw siya sa laro na ginawa ng lolo niya so means my great grandfather na si Lolo Felix pero hindi ako naniniwala dun si Dad? Sikat? HAHAHA  pano naman yun sisikat eh tamad yun eh pero oo sikat siya sa business empire dahil siya ang pinakabatang naging mayaman dito sa Pilipinas.

"Ang Dad niyo po sir ay nasa office na at ang Mom niyo naman po ay nandun po sa kusina nagluluto." Ahh ganun hays parati nang naging busy si Dad nitong nagdaang buwan pero ok lang trip niya yun eh wala naman ako magagawa.

"Ahh sige Maria pupuntahan ko lang si Mom tsaka paki sabihan na rin si kambal na tigil-tigilan na niya ang pangtritrip sakin salamat" sabi ko sa kanya at pumunta na sa kusina.

Pagkapasok ko sa kusina ay agad ko na amoy ang luto ni Mom at mukang masarap na naman ito, ay hindi ko pala nasabi sa inyo na magaling si Mom magluto at lahat na luto niyan eh favorite namin dati hmm sobra talagang masarap kaya nga patay na patay jan si Dad kay Mom eh hahaha marunong din magluto si Dad at masarap din pero wala parin makakatalo sa luto ni Mom.

"Morning Mom!" Bati ko sa kanya pagkapasok ko ng kainan.

"Oh gising kana pala anak tara na kain kana at nga pala mag paenroll kana ngayon dahil may pasok na bukas." Oo nga pala may pasok na bukas hays ka asar naman oh ayaw na ayaw ko ng may pasok eh.

"Sh*t may pasok na naman!" Sabi ko sabay hawak sa bibig ko dahil baka narinig ni Mom, ayaw na ayaw pa naman nun makarinig ng mura kaya tiningnan ko si Mom at laking pasalamat ko dahil hindi niya narinig yun.

"Opo Mom magpapaenroll kami ngayon ni Dwight" sabi ko kay Mom.

"Mabuti tsaka mag pagupit ka nga muka kanang aswang sa buhok mo ang haba haba na!" Hays bat palagi na lang ako pinapakealaman ni Mom tsk! Nakakasawa na pero wala akong magagawa eh siya ang Reyna ng bahay na ito.

RPG: IoniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon