MATH, kapag ika'y naririnig, ako'y nanggagalaiti,Sapagkat ika'y dapat aralin.
Pilit kang iniintindi,
Ngunit ang utak ko ay sasabog rin.Bawat numerong aking nakikita,
Ako'y nahihilo na.
Paano pa kaya kapag quiz na?
Tumpak! Ako'y zero na.
Tuwing araw ng pagsusulit,
pinag-aaralan ka ng paulit-ulit,Para lamang makuha ang inaasam na marka na parang panaginip,
Pero ako'y nabigo at iba ang nangyari,
Bagsak dito, sermon doon pala ang kapalit!
Pagdating sa recitation,ako ay nganga,
Pero pagdating naman sa kuhaan ng cards ako'y mapapanganga sa kaba!
Ako'y humihiling na sana naman ay makapasa na,
Para ang aking magulang ay matuwa,
Pero lecheng MATH yan ako'y nababaliw na!
Nang dahil sayo ako ay mamamatay ng maaga!*bow*
YOU ARE READING
Matematika
PuisiIto ay ang aking kauna-unahang tula na aking ginawa dito sa wattpad kaya wala kayong karapatan na husgahan ang aking gawa sapagkat kayo ay tagabasa lamang. JOKE!!! Syempre ma-appreciate ko pa kung may magbabasa nito diba! (kung meron, charot!) at sy...