Love at 15 minutes.

108 1 0
                                    

Wooooooooooooohoooooooooo!!! XDD

Yeah baby boys and gals! 

Nagbabalik ang astig na writer ng mga kalokohang mukhang hindi. Hahaha. Anyway, ayon, after ng sobrang busy na schedule, which is, hindi pa rin tapos, balik-balik loob sa wattpad ang drama ko.

Shareness muna ang beauty ko before anything else.

Who already knew the song of Brian Mcknight? 6, 8, 12 'yung title. Ang bongga lang. Ang sarap ihanay sa The Script and presto! Kumpleto na ang set mo ng EMO SONGS.

Wala naman talagang kinalaman ang mga kantang yan sa ikukuwento ko sa inyo. More on Jeepney love story pa nga eh. Although nagtagal lang sya ng almost 15 minutes. Wag kayo! :D hahaha, bilang ko talaga.

Sino ang naniniwala sa LOVE AT FIRST SIGHT? lemme see! Pakitaaas po ng maayos ang paa. Ayan!

Oy 'te sa bandang likod, nakataas ba paa mo? O kinakalabit mo yung nasa harapan mo? 

So ayon nga. Hindi ako naniniwala sa ganu'n. Isang malaking kalokohan na inimbento ng mga taong attracted, i guess, physically sa opposite sex, or maybe, same sex. 

Hep! hep! hep! Wag na munang kumontra, moment ko oh!

Anyway, eto na. Pagsakay ko ng jeep sa may Manila City Hall (maka-buo naman ako ng place) may nakita akong space sa pagitan ng dalawang lalaki. Dahil nasa bandang dulo sila, in-assume ko na lang na baka uusod si KUYA 1 palapit kay KUYA 2 para malapit sa babaan. Kaya hindi na ako nag-effort na mag-'excuse me po'.

Ganun na lang ang laki ng gulat ko nang umusod si KUYA 1 palayo kay KUYA 2, so i sat between them.

Pagkatapos kong makapag-settle down, agad kong binuksan ang bag ko at kumuha ng barya na pamasahe. Minsan kasi, dinudugas ako ng mga jeepney drivers kaya dapat, eksakto palagi ang bayad ko.

Pero dahil sa kawalan ng barya, isang 10 peso coin at dalawang 5 peso coin ang ibinayad ko, at iniabot naman yun ni KUYA 1. todo thank you naman ang lola nyo with matching kunwari eh nagtataray, pero deep inside, nikikilig ng bongga!!

Soa yon, pagkabigay nya ng bayad ko, nagtanong si manong driver kung saan daw ako bababa, kahit na nasabi ko na sa kanya for 3 items na ata. At dahil matitiyaga ang mga iskolar ng bayan (charot!) inulit ko ulit, for the sake of sukli.

Napatingin sa akin si KUYA 1 nang marinig nya kung saan ako baba. Ang nasa isip ko lang nun, sana, parehas kami ng bababaan. :))

Inabot na nya yung sukli ko, i thanked him, again. quotang-quota na nga sya sa thank you eh. HAHAHAHA.

So ayon, dahil mainit, duwag kaming mga pasahero na umupo sa pinakadulo ng jeep. Dun sa last seat bago mag-estribo. So ayon, kuntodo hawak ako sa railings na hawakan dahil nahihiya akong mapasandal kay KUYA1, when in fact, yun na talaga ang gusto kong gawin (harot!)

Eto pa, nung nag-abot ng bayad yung katabi ng katabi ko, sabay kami ni KUYA 1 na umabot nun. Imagine nyo na lang ang mga kamay namin na kulang na lang eh... eh... EEEEEEEEEEEEEH!! hahaha, kinilig? Ayon, kulang na lang eh para na kaming mag-jowaness na magka-holding hands, pero syempre, bigo ang beauty ko dahil sa kanya inabot ang bayad at wala na akong nagawa pa. Tiningnan ko na lang sya na halatang ginagawa ang best nya wag lang magka-daiti ang mga braso namin nung inabot nya ang sukli. 

Natuwa naman ako dahil nagpapaka-gentleman ang loko! :))

Anyway, kung hindi lang talaga sumakit ng bongga ang ulo ko, which is naging habit na ng ulo ko dahil lagi na syang sumasakit, eh siguro naka-chancing na ako kay KUYA 1. kung hahayaan nya ako. Hahaha.

Describe him. Hmmn. Tall, kayumanggi and cute :)) Hahaha. Ewan kung bakit ang lakas ng panghatak sa kin ng mga matatangkad, cute pag ngumingiti and musician. Feeling ko kasi, kapanalig sya sa musika dahil nung may naipatugtog na rock music eh sinasabayan nya yung drums.

How i wish na sana hindi na sya bumaba ng jeep. I mean, sana, hangga't di pa ako bumababa. Kayo talaga!

Pero nawasak ang aking ambition na balak ko pa man ding ilagay sa slambook ko na galing s isng brand ng napkin. (What's your ambition? TO sit by his side 'til we end up staring at each others' eyes.)

Utang na loob. Ang laswa ko na ata. Anyway, yun lang naman. Gusto ko lang ishare sa inyo ang kaharlotan ko habang nasa jeep. Ganito ata talaga kapag single, ready to mingle. :)

asdfghjklTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon