The Real Meaning

172 1 0
                                    

Nung mga panahon na tambak ang mga dapat ipa-bind, maraming concept papers at term papers na dapat i-encode.

Walang katapusang pagsasayang ng laway sa pakikipag-usap sa mga groupmates na madalas sa hindi eh nakatunganga lang sa beauty ko (Pero syempre, hndi sila nakatunganga sa beauty ko, kundi sa katalinuhan ko:D XD)

Nakakapagod na paggawa ng visual aids para sa mga reports at walang katapusang gastos sa pagpapa-xerox ng mga handouts.

Isa lang ang hinihiling ko.

at pihadong karamihan sa mga katulad kong estudyante ay ganun din:

Sana dumating na agad ang bakasyon. As in, agad. 

Katulad ng kanta ng Rivermaya na Kisapmata, sana dumating yun nga ganun kabilis.

Wala ng pahirap na mga professors, wala ng mga minor subjects na feeling major sa dami ng requirements, wala ng nakakadugo ng ilong na tests sa math at economics. Wala ng mga nakakalokang reportings, wala ng pagkakagastusan na xerox copies...

Pero ngayong bakasyon na, isa lang ang gusto ko:

Pwede bang mag-summer classes? Rather, wag na lang magbakasyon?

Following reasons kung bakit yung iba, humihiling na ng balik eskwela, di bale nang nganga:

1.  kung katulad kitang bookworm na natapos na agad lahat ng libro na dapat basahin sana sa bakasyon. That's what they call Karma. Excited kasi!

2. Mainit. (Kahit lately, umuulan) eh kung ako din lang, mas gugustuhin mo na lang na pumasok at ngumanga sa unibersidad kesa naman maburo ka ng sarili mong pawis sa loob ng bahay.

3. May cellphone. May sim card. May load. Wala namang katxt!

4. May cellphone, May sim card, may load, may katxt pero panay utos si Mudra. Walanjo!

5. May cellphone, may simcard, may load, may katxt. Pero ang katxt mo, ubod ng B-O-R-I-N-G!! 

6. Sa sobrang walang magawa, na-te-tempt na magpalagay ng kuto sa ulo para lang maiba naman ang ginagawa, imbis na nganga, Kamot.

7. Pinapanood na lahat ng boring shows, corny game shows, at nagkakalakas na ng loob manood ng horror movies mag-isa. (Negative yun!  baka mauwi sa Psychological Disorder!)

8. Nagbibilang ng buhok... buti sana kung buhok sa ulo, eh buhok sa batok ang trip ng iba.. Lupet!

9. Naghahamon ng away sa txt.

10. Kain-tulog na lang. Unproductive!

11. Suksok ng suksok ng earphone sa tenga. 

12. KInatatamaran ang paliligo (Pag may naamoy kang mabaho, take note: S.A. Sariling Amoy)

Buti na lang at malawak ang imagination ko. Magsusulat ako ng iba't ibang chracteristics sa isang papel, bubunot ako, pagkatapos ay haharap sa salamin at i-aakto ang nabunot kong katangian.

Maangas sana at astig, kung hindi lang ako mukhang tanga sa mata ng mga taong nakakakita sa akin.

Dam. damn. damn. Wala na ba akong ibang magagawa?

Kapag ganito ng ganito, darami ang mga taong katulad ko. Gising sa gabi, tulog sa umaga. Kaya kahit weekdays eh may sermon... Galing kay mudra.

Hut-tang na loob naman! 

Sa mga katulad kong na-a-aning na at walang tigil na sinasaniban ni KATAM, sabay-sabay po nating bigkasin ang orasyon:

Eli..... eli....

Mala..... mala...

di ko na maalala..

Aalalahanin ko, teka...

Tinatamad na ako, ayoko na pala...

eli...eli.... Elipante...Elipante..

Mala...Mala...Malaki...Malaki..

 Palakpakan po natin ang ating mga sarili sa ating natapos na kasiya-kasiyang gawain.

Paminsan-minsan ay hindi masama ang kalimutan na meron pala tayong common sense. For the sake of being happy.

Masama na madalas, hindi natin ginagamit ang ating mga common sense. Hahayaan ba natin na maging masaya ang iba dahil sa katangahan natin?

Masama, kapag madalas na tayong nagpapaubaya sa KATAM. Hindi tayo binuhay para ngumanga. Nung pinanganak tayo, una tayong umiyak bago naghikab. Ibig sabihin, Una tayong nakaramdam bago tuluyang naging manhid. Mga manhid lang ang ngumanga-nga. Ano ka? Bato?

Masama, madalas na nakakalimutan natin na palagi tayong hindi mawawalan ng gawain.

During our boring times, we can always talk to God. We can always Pray. Eat. Love.

During our boring times, we can always read our BIBLE.

It's not the last choice, it should always be the first choice. :)) And it'll always be the best choice above all things :)

Summer=more bonding time with God and Family.

Be Prdouctive. eat. pray. love. :D

God Bless. Spread the words! :D  

asdfghjklTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon