Run...Hide....

76 1 0
                                    

You can run but, you can never HIDE.

Sa lahat ng nagbasa na ng abang gawa na ito, nais ko kayong parangalan. Walang gintong parangal dahil alam nyo naman na pare-pareho lang tayong hikahos dito, ano 'to? Porque nagwa-wattpad mayaman, di ba pwedeng sukdulan lang talaga ang aking katuwaan at ang kaya ko lamang ibigay ay walang sawang pagpapasalamat? :))

Pero dahil comedy talaga ang genre ng mga kwentong nandito, magda-drama tayo (ene dew). Gulo eh no? Normal lang yan. Kung ang gumagawa ba naman eh kasing gulo ng buhok na dinaanan ng ipo-ipo. 

Pero dahil gusto kong magpakaseryoso, eto na nga.

Bet nyo ba yung quote? Parang pang-pelikula lang no. Walang katapusang pagbabanta ng kontrabida sa bida na naduduwag harapin sya. Kung iniisip nyo na ang nilalaman ng gawang ito ay pulos panlalait sa mga pelikulang pinag-ubusan ng salapi ng mga producer at talento ng scriptwriters at director, nagkakamali kayo.

Dahil ang kwentong ito, ay puno ng mga gawa-gawang pangyayari na bunga ng aking makulay na isipan. 

Ikaw. OO, Ikaw. Wala na kasi akong ibang mapili kaya ikaw na lang. Ilang kwento na ba ang nabasa mo? Ilang karakter pa ang naaalala mo? May moral lesson ka bang nadakot? Na-apply mo naman ba sa buhay mo o nagsayang ka lang ng pera para bumili ng libro at masabing binabasa/ nabasa mo na ang isa sa mga popular na libro?

Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula ng itigil ko na ang paggawa ng mga kwento. In short, ilang buwan kong itinigil ang paggamit sa talentong hindi ko alam kung meron ba talaga. Wala akong ideya, walang malay, walang alam kung may mga tao ba na nakaka-appreciate sa mga ginawa/ginagawa at gagawin ko.

Dati, wala akong paki-alam sa kung ano ang maidudulot ng mga ginagawa ko sa mga taong nakakabasa nito. Dati, ayos na sa akin yung makapag-tipa ako sa keyboard at patuloy na bumilis sa pagta-type. Minsan nga napapa-isip ako, parang mas mabilis na kasing kumilos ang kamay ko kesa sa utak ko. Yung tipong yung mga salita na mismo ang humahabol sa mga daliri ko para maisama sila sa komposisyong ginagawa ko.

Kasinungalingan: HIndi totoo na hindi nasasaktan ang isang manunulat sa tuwing nakakarinig o nakakabasa sya ng kritisismo tungkol sa gawa nya.

Ipokrito/ipokrita na lang ang magsasabing mali ako. Tsang gala! pinaghirapan mong tapusin ang isang bagay. ilang buwan at taon ang ginugol mo para maubo yung konsepto, ilang buwan din ang bibilangin bago mabuo ang pundasyon ng mga karakter, ang magkahalong saya at lungkot ng bawat eksena, paggawa ng mga twists and turns, pagbuo ng mismong kwento (kumpleto na yun with matching proof reading, revising at editing) pagkatapos eh yuyurakan lang ng ibang tao ng ganu'n-ganu'n lang na akala mo sa isang kisap-mata eh nabuo ang kwento nang hindi mo pinag-iisipang mabuti. Anak ng machong bouncer na mukhang patatas nga naman talaga, oo. Kahit na sabihin pa ng lahat ng tao sa paligid mo na "ganu'n talaga" eh para sa'yo, hindi lang yun basta 'ganun talaga' kasi nakalaan dun hindi lang ang dugo't pawis mo kundi ang dangal mo. Paano kung pumalpak yun? Nakakahiya. Kung bumenta? Nakakayabang. 

Hindi alam ng marami, pero sa bawat salitang binibitawan ng mga DJ at Newscasters, sa bawat letra; salita; parirala at pangungusap na isinasayaw ng pluma, kahihiyan ang itinitaya nila. Dun kasi nakabase ang imahe nila, kung dapat ba silang tawaging genius o boplaks, talented o frustrated.

Katotohanan: Para sa mga first-timers (Yung mga walang kakilala sa wattpad, O kung meron man, isa lang. Yung mga hindi masipag mag-promote at nahihiyang magpromote, yung mga 'shy-type' at naghihintay ng milagro na bigla na lang sumikat ang gawa nya) makakuha lang ng 10 reads within 1 week ay lubos ng kasiyahan.

Ano bang pinupunto ko? Hmmn. Wala naman :D Trip ko lang gawin ito. Yung tipong, wala lang. Wala akong pinanghuhugutan. Walang pinanggagalingan. 

Magandang Gabi sa lahat. Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino, kaya manonood po tayo ng The Reunion at Just One Summer. Yieeh :D hahaha, promote-promote din pag may time! God Bless Everyone! :D

#Pinoy:BumanggaGiba

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

asdfghjklTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon