Inspired by eros atalia

462 1 2
                                    

Ligo na u, lapit na me

sounds familiar mga ka-wattpad?

Well, well, well, title yan ng isang pelikulang pilipino, at isang libro na gawa ng nag-iisang si Eros Atalia.

Hooray!! Bukod kay Bob-ong at Lualhati Bautista, favorite ko din sya!

Habang kami ay nag-hahapunan ng buong pamilya (at nag-uulam ng inihaw na manok) naging sentro ng usapan ang pambabara ng kapatid ko, samahan pa ng malupit na usapin tungkol sa bomba na nauwi naman sa ginto at pagkatapos ay sa white lady, at iba't ibang kababalaghan.

What a night.

Napapangiti na lang ako habang nagkukwento ang tita ko tungkol sa isa kong pinsang babae (more or less 10 years old) na sinasaniban daw ng White lady, madalas, tuwing kabilugan ng buwan.

Napapa-iling na lang ako nang makita ko ang sunod-sunod na pagbabahagi nila ng iba't ibang karanasan nila, at ng mga kakilala nila.

Nakakita daw ang lola ko sa father's side ng mga naglalakad sa kagubatan na walang ulo. Lumilipad na palanggana na may lamang ginto at nanghahabol daw ng tao. 

Si mama naman ay may up-close and personal karanasan sa isang hindi mawaring nilalang na naka-itim sa ilalim ng kama nya noong sya ay dalaga pa at mahaba ang kuko.

Hanggang sa mapunta sa usaping duwende at nuno sa punso.

The difference? Damn! as if i know!

Anyway, naalala ko lang yung libro ni Eros na pinamgatang

 (sfx: drumroll)

Taguan pung: Koleksyon ng mga dagling kathang di pambata at manwal ng mga napapagal: Kopi teybol dedbol buk

May isang topic dun tungkol sa isang nuno.

Ayon sa aking pagkakatanda: Dahil makapangyarihan naman ang mga nuno, bakit hindi na lang sila gumawa ng kaharian sa matataas na lugar, katulad ng poste ng meralco para hindi sila na-aapakan, naiihian.

Totoo naman di ba? Why choose to live below when, in fact makapangyarihan nga naman sila. Kaya nilang palakihin ang 'ano' ng isang tao kapag naihian sila. Pinapamaga ang 'toot' kapag nanguha ng 'toot'. Right?

Haay, hindi sa hindi ako naniniwala sa mga ganitong klase ng bagay/ nilalang. I do believe, pero i don't make it a big deal.

Bakit kailangan mo pang bigyan ito ng malaking puwang sa iyong buhay where in fact, yung mga nilalang na iyon, eh wala naman talagang paki-alam sayo.

DABA? walangpaki-alamanan. Period, no erase, no liquid paper.

Kung ikaka-unlad ba iyan ng lipunang Pilipino at ikatutuwid ng baluktot na sistema ng ating pamahalaan maging ikalilinaw ng malabong isipan ng mga kapwa nating Pilipino, bakit hindi natin patulan? Pero dahil nga hindi naman talaga ito makakatulong para mabawasan man lang ang bigat ng pasang krus ni Juan dela Cruz, why make such a fuss over it?

The more you think about it, the more it approach  you. HALA!! :PPP

Alam ko, marami sa atin, NOOB. mahina ang loob, NOOB. Pero, wala namang makakatulong sa atin sa oras ng kagipitan kundi ang Poong Maykapal na kinakapitan nating lahat. Sya lang naman talaga ang dapat nating paniwalaan sa mundong puno ng pagpapanggap, panloloko, pagdududa, pambabalewala sa iniisip ng iba at kawalang pag-asa.

I thank you :)) HAHAAHA! EKSAHERADA!

anyaree 'te? amok mo? :DDDD XDDD

Magandang Gabi/ Magandang Umaga sa'yo

(Depende sa oras na binasa mo ito)

asdfghjklTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon