11: The Revenge

17 4 0
                                    


Daniel's POV

'Mommy ! Huwag nyo po kong iwan !' 

'Anak kailangan ko lang talagang mag abroad dito ka muna sa tatay mo' 

'Ayoko mommy ! , gusto ko po kayo ! ' 

'Mommy !'

'MOMMY !'

"MOMMY !" sigaw ko kaya bigla akong napaupo , hinahabol ko yung hininga ko .

"Teka , sino yung babaeng sinasabihan ko ng mommy ? ang pagkakaalam ko patay na si mommy simula nung sinilang ako" saad ko

"Ouch !" biglang sumakit ulo ko hays bat biglang sumakit to , siguro dahil sa pag aalala ko sa nakaraan . Sino kaya yung babaeng sinasabihan ko ng Mommy ?

"Hhmm" wika nung nasa gilid ko teka sino yun ? pagtingin ko nakahiga si Catherine sa Sofa

"Tsk Concern ka talaga sakin catherine eh" saad ko teka bat bumibilis tibok ng puso ko sa tuwing binabanggit ko pangalan nya . Hays siguro dahil lang to sa panaginip ko .

*Knock* *Knock*

"Come in" wika ko saka pumasok yung doctor ko . Teka eto yung doctor na sumuri kay Oliver ah ?

"Hello daniel and ..." di na nya natuloy yung sinabi nya nung nakita nya si Catherine na mahimbing yung tulog

"So pwede ka nang lumabas Daniel , basta ingatan mo na huwag mababangga yan dahil baka mag nana at mamaga" wika nya saka ako tumango tango nung lumabas na yung doctor tumayo na ako para gisingin yung natutulog , Malamang -,-

"Oy cath" saad ko habang niyuyugyog yung katawan nya hays salamat nagising na sya

"Oh ? Bakit ?" saad nya saka sya umupo habang kinukusot yung mata nya .

"Uwi na tayo" wika ko

"Teka , pwede na ba ? magaling ka na ba ?" nag aalala nyang tanong Kaya napangisi ako

"Sus concern sya " saad ko habang nakangiti

"Lool ! ano nga pwede na ba ?" tanong nya

"Oo pwede na daw tara na" pag aaya ko sa kanya , tumango tango nalang sya saka tumayo at naglakad . Papalakad na ako kaso natapilok ako

"Ouch !" saad ko kaya napatingin sya sakin saka lumapit sya sakin

"Hala nahulog ! log ! Log !" pagkakanta nya habang nagbabakte

"Hoy tulungan mo nga ako !" sigaw ko saka sya tumigil sa pagbabakte actually natatawa na ako sa ginagawa nya kaso pinipigilan ko lang .

"Hays tanga kasi eh tara na" saka nya nilagay yung braso ko sa balikat nya para maalalayan ako . Actually di naman talaga masakit eh gusto ko lang na tulungan nya ako . Ewan ko kung bakit ko ginawa to pero masaya ako . Yun naman ang importante eh ang maging masaya ka . 


Catherine's POV

Nakaakbay sakin si Daniel habang naglalakad , eh pano ba naman kashungahan ng lalaking to .

Takte bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ? Shit hindi kaya ............

inaatake na ako ng sakit sa puso ? , pero wala naman akong sakit sa puso eh , Hays masyado akong maganda para problemahin yan .

nagpatuloy lang kaming maglakad hanggang sa nakarating na kami sa labas ng Hospital . 

"Oy masakit pa ba ? ang bigat mo kasi eh" pagrereklamo ko .

"Hindi na ..... Salamat" mahina nyang saad kaya napatingin sya sakin , Shit ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko . 

"Nag......nagpasalamat ka ba ?" nagtataka kongsagot 

I Hate You , I Love You Where stories live. Discover now