Catherine's POVPagpasok ko pinagtinginan agad ako ng mga classmate ko , Hays hirap maging maganda Charot ! HAHAHAHA !
Pati teacher ko nakatingin sakin , bigla syang tumingin sa sapatos ko kaya tinignan ko rin yung sapatos nya , tumingin naman sya sa mukha ko kaya tumingin din ako sa kanya Kala nya magpapakabog ako ah .
"hija hindi mo ba nasaba yung nasa tapat ng pintuan " saad ng teacher namin
"hindi po , ikaw nalang magbasa maam" saad ko saka nagtawanan yung mga classmate ko
"Quiet !" sigaw nya kaya tumahimik mga classmate ko " Babasahin mo o Ibabagsak kita ?" pananakot nya
"Bagsak mo to" wika ko saka ulit nagtawanan yung mga classmate ko
"Quiet Class !" sigaw nya ulit "sinusubukan mo talaga ako !" saad ng teacher ko
"subukan mo to" saad ko saka sya tumingin sa class record at kumuha ng ballpen "Di joke lang maam eto naman si mam di mabiro eto na nga babasahin na" saad ko
"Basahin mo to" wika ni maam
"akin na labas mo" saad ko saka sya kumuha ng bato at ihahandang ibato sakin "Chos lang maam eto na nga eh" wika ko saka tinignan yung nakasulat sa pintuan at binasa
"BhOxZs BhAll Feat. BhoUxSz Co MhuLhUpHetxsz" pagbabasa ko kaya nagtawanan yung mga classmate ko .
"Quiet !" sigaw nya "Anong pinagsasabi mo !?" galit na saad ni maam
"Eh eto yung nakalagay sa tapat ng pintuan eh eto oh" saad ko saka ko pinakita yung nakasulat sa bond paper kaya mas lalong nagtawanan yung mga classmate ko
"SINO NAGLAGAY NYAN !!!!!" sigaw nya kaya natahimik yung mga classmate ko nagulat ako kasi grabe mainis mala dragona , teka lalaki ba to ? bat babae yung boses ? "MALAMAN KO LANG KUNG SINO YUNG NAGLAGAY NYAN IPAPADEMANDA KO !" sigaw nya ay grabehan demanda agad?
"MAGSUOT KA NA NG FOOT SOCK KUNG WALA MAG MEDYAS KA !" sigaw nya sakin pero di parin ako nakilos "BILIS !!!" sigaw nya kaya dali dali kong hinubad yung sapatos ko saka pumasok at nag indian seat , di ba dito uso yung upuan ?.
Habang nagtuturo si BhOuXsz este si maam bal narinig ko may nagbubulungan na lalaki at nakatingin sakin
"Pre sya ba yung hinahanap ni maam ? sana sya na para may maganda sa room" saad nung lalaki na payat na isang hipan mo lang liliparin na , mukhang syang babaero .
"oo nga pre akin na yan" saad naman nung isang lalaki na mukhang premature na kinulang yung pag evolve , nagstay na sya sa fetus kaya ganun face nya CHOS ! .
Nagpatuloy lang yung klase habang ako nakatulala sa labas .
*KRIIIING !*
*KRIIIIING !*
"Okay class dismiss , Goodbye Class"
"Goodbye BhOxsz Bal" sigaw ko kaya nagtawanan yung mga classmate ko .
Habang naglalakad ako papuntang Math building may kumalabit nanaman sakin
"Hilig mong mangalabit noh" saad ko sakanya saka sya nag peace sign
"Eh nakalimutan ko na name mo eh diba classmate kita nung grade 6 , ano nga pala ulit name mo ?" pagtatanong nya sakin
"Cath .. Catherine Watson , ikaw ?" nahihiya kong sagot .
"Im Alliah Mahayutaruk nice to meet you again" masaya nyang saad saka nakipagshake hand sakin . pagkababa ko ng kamay ko naalala ko nangulangot pala ako kanina . Hayaan mo na yun !
YOU ARE READING
I Hate You , I Love You
FanficSa buhay di mo talaga malalaman kung sino makakasalamuha mo . makakakilala ka ng taong Mamahalin ka ,aalagaan ka sa una pero sa dulo lolokohin ka , paglalaruan , at paiiyakin . Na akala mo sya na ang the one pero hindi pa pala . May mga tao namang...