Dj For Hire

19 2 0
                                    



"... At yan mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Kaklase, at kung anu payan kahit Kabuni payan, Dumating nanaman ang ating Time Limit. Quotes for today is; Love is an Incurable Disease. That, Suddenly Infect You One Day. You Can't Escape It. It's Troublesome, But it's Precious. Again This is Dj Love, Signing Off. GoodBye"

[Bleeding Love Playing]

"Hay.. Tapos din"

Ako si Lean Da Casios, I'm 25 Years Old. Dj Love pag nasa Radio, 1 Pm to 4 Pm schedule ko, dahil nga Dj Love ako syempre puro love topic nyan buong oras.

"Nice Quotes Lean, saan mo nahukay yan" sab ni Dino, sya yung nag aalalay sa mga Djs

"Naku, Nabasa ko lang yan sa Manga" sabay tangal ng Headset
"Naku! 5th Anniversary pala namin ni Ban! Bat ko nalimutan!? 3 Usapan namin!"

Hala! Usapan namin hindi muna ako papasok dito pero dahil mapilit ako pumasok padin ako, sab ko aalis nalang ako pag 3 na pero napasarap yung kwentuhan sa radio kaya. Patay ka Lean ka!

Nagmadali akong lumabas ng building at pumara ng Taxi. Sa Sm kami magkikita, sa tapat ng national bookstore.

Bilis! Bilis! Baka magalit si Ban. Sabi pa naman nya may sasabihin sya. Inis! Sira ka Lean ka! Sa lahat bakit Anniversary nyo pa!

Pagbaba ko dali dali akong naglakad papuntang SM,  Inayos ko yung buhok ko at damit ko. Kinuha ko yung lipstick ko sa bag sabay pinahid ko sa labi ko.

Ban. Please sana nandyan kapa. Hindi ko sinasadya, pera din kasi yun eh, tulong din yun para sa pangarap mong mangibang bansa.

Pagdating ko sa National Bookstore wala sya. Inikot ko yung lahat ng national bookstore pero wala sya.

Kinuha ko yung phone ko sabay dinaial ko yung number nya.

Please sana papunta palang sya, sana na late din sya.

"Ban"

'Buti naisipan mo pang tumawag'

"Ban, Sorry. Asan kana? Nandito na ako"

'Lean 3 yung usapan 4:30 na oh.'

"Sorry talaga, galing pakasi ako sa trabaho"

'Mukha ngang enjoy mo yung trabaho mo eh, parang hindi mo man lang naisip na may naghihintay sayo para sa Anniversary nyo'

"Anong ibig mong sabihin? Na ma mas pinapahalagahan ko ang pagiging Dj ko kesa sa Anniversary natin?!"

'Buti at alam mo'

"Alam mong hindi yan tama Ban. Ginagawa ko lang to para sa pangarap natin"

'Hindi na kaylangan!'
'Hindi na kaylangan, Kaylangan ko ikaw Lean pero wala ka'

-Tooot Toot Tooot-

"Teka, Hindi na kaylangan? Ban"

Anong ibig sabihin nya? Hindi ko sya maintindihan. Inis kasi bakit ba kasi nalimutan ko na may Date kami.

Umuwi ako sa bahay. Lutang, ewan ko kung anong mukha o salitang ang ihaharap at sasabihin ko kay Ban.

Ang T*nga T*nga mo kasi Lean. Boyfriend mo yun, ilang years na kayo tapos ipagpapalit mo lang sa trabaho. Boblaks ko.

Pero kasi, kaylangan naming mag ipon. May pangarap kasi kaming dalawa na pupunta kami sa Paris para hanapin ang Lost Mother ko.

At lahat ng yun parang malabo na dahil sa nanyari ngayon. Hindi pa naman kami break diba? Kaya ok pa, Itulog mo lang to tapos bukas kausapin mo sya at bati na kayo. Babawi ka bukas. Ok.

Anything About Love (OneShots Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon