Red String

40 3 0
                                    

Red String Of Fate. According to this myth, the gods tie an invisible red cord around the ankles of those that are destined to meet one another in a certain situation or help each other in a certain way.

Isa ako sa naniniwala dyan. Ewan ko kung bakit, pero hindi naman masama maniwala diba?

Naniniwala ako na may invisible red string na nakakabit sa hinliliit ko at nakakabit ang kabilang dulo nun sa lalaking para sa akin.

At may gusto na akong kabitan ng red string. Kaso sapak sa bwan ang magyari yun. Hay.... bakit ba kasi naging normal na babae lang ako.

Ako nga pala si Nico, hindi Neko, hindi ako pusa. 4th Year High School at Soon to be Grade 11, Salamat sa pesteng K-12 na yan sana College na ako.

Hellow Roa, Um.. hi

Ako pala si Niko, Yung Classmate mo. Pwede bang makipagkaibigan?

May Crush ako sayo...

Sana mapansin mo ako. Sana ikaw nalang ka Red String ko.

"Hala Niko, Sabog tong Draft mo sa katetext kay Roa, hindi mo naman sinesend" natatakot ako baka pag nalaman nya na crush ko sya ma reject nya ako.

Si Roa, Isa sa mga lalaking Famous sa School. Madami nang babaeng na reject nyan, mi isang relasyon wala pa syang nasasabakan. Classmate ko sya, at Crushmate ko sya. Hay....buhay.

Etong babaeng nagsasalita sa harap ko ay si Lena, bestfriend ko mula first year. Binabasa lang naman nya yung mga draft message sa phone ko.

"Sesend ko lahat yang text message ko para sa kanya kung magtatapat ka kay Sir Dale" may crush kasi sya sa Sir namin, na kababata nya daw dati.

"Eto na oh. Sayo nayan, kumain na tayo at baka maubusan tayo ng time. Mag uumpisa na yung Next Subject natin" sab nya, kinuha ko naman yung cellphone ko at kumain na din

"Kyaaa...ang gwapo nya padin"

"Oo nga sana ako nalang."

"Kyaa! Hoya Akin ka nalang"

"Neko, Lena. Kamusta na?" sab ng lalaking to at tumabi umupo sa amin
"Takaw nyong dalawa. Ganyan ba kumain ang mga NBSB?" sab nya sabay nagkalumababa

"Balibhasa araw araw may girlfriend ka, araw araw may pinapaiyak ka. Sus" sab ni Lena habang kumakain

Itong gwapong lalaking nasa harap namin ay si Hoya, Isa din sa Famous sa School. Kaibigan namin sya, at ewan namin kung bakit. De joke, Mabait kasi sya sa aming dalawa.

"Ganun talaga pag Gwapo"

"Wooh, ang hangin" sab ko sabay paypay ng kamay ko sa akin

"Ay, May Balita nga pala ako. May New transfer dito sa School, Classmate ko sya. May itsura, At laking gulat namin nung nag pakilala sya, sab nya Bisexual daw sya, Ayun sya oh" sab ni Hoya sabay turo sa kabilang table ng Canteen

"Oh anu naman?" tanong ni Lena

"Wala lang. Nag aalala lang ako kasi alam mona, yung Bully ng school. Baka.." sab nya

"Tara, kaibiganin natin." sab ko

"Teka bakit?" tanong ni Lena

"Ayoko namang mabully sya nung Greatest Bully ng School natin, Ka tatransfer palang nya eh. Baka pag nalaman na kaybigan siya nitong Hoyang to hindi na sya bullyhin" kasi ang rule ng mga famous dito sa School ay walang pakealamanan ng kaibigan.

Tumayo kaming tatlo at pumunta sa kabilang table kung asan yung lalaking sinasabi ni Hoya.

Kumakain sya ng tahimik. Gwapo sya, may itsura nga pero di sya type ko. Umupo kaming tatlo sa harap nya at tinignan nya lang kami.

Anything About Love (OneShots Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon